Pages

nuffnang

Wednesday, December 10, 2014

Liham Para sa Anak Kong si Poleng



Dear Poleng,

Hindi ko masasabi kung gaano ang itatagal ko sa mundo, gusto ko sanang maging imortal ako, pero malabo yun. Hindi ko rin alam kung buhay pa ko or tigok na ko pag mababasa mo to, pero sinulat ko to just in case nga na isa na lang akong pataba sa lupa . Una sa lahat gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita at ikaw ang na nagbigay ng kakaibang kahulugan sa buhay ko.

Sumulat ako para bigyan ka ng mumunting aral na magagamit mo hanggang sa lumaki at tumanda ka. Gusto kong lumaki kang masaya at matinong tao.


  • Maging magalang ka, hindi lang sa nakakatanda kundi sa lahat ng tao. Mahalaga ang me respeto ka sa kapwa mo. Hindi porket lumaking mahirap or madungis ang balat eh mas mababa ang karakter nya sayo. Maniwala ka sa akin, marami akong kilala na lumaking marangya at nakapagaral pero nuknukan naman ng sama ng ugali. 


  • Hindi ka papanget pag nagsabi ka ng 'Sorry'.  Aminin mo ang kasalanan mo, hindi magiging mababa ang pagkatao mo pag inamin mo na nagkamali ka


  • Magpasalamat ka pag inabot ng ibang tao ang bayad mo sa jeep. Magpasalamat ka sa lahat ng bagay maliit man o malaki


  • Ok lang kung umastang lalake paminsan minsan. Kung gusto mo ng sports na panglalake, sige lang, subukan mo lahat gusto mo gawin. Susuportahan ka namin sa lahat ng gusto mo. Wag ka lang magdadrugs anak. 


  • Hindi ka cool sa panggagaya sa iba, lalo na pag masama ang ginagawa nila. Hindi ka cool pag gumaya ka sa pagyoyosi nila at pagiinom ng mga tropa mo. Insecurity ang tawag sa pagpapadala sa peer pressure 


  • Money is 'NOT' the root of all evil, mas masaya ang me pera anak, kumpara sa wala kang pera. Nagiging masama lang ang pera dahil a maling paggamit. Pero kailangan mo ng pera para mabuhay. 


  • Wag mo pangarapin na magtrabaho para sa ibang tao, magnegosyo ka para ikaw ang boss at sila ang magtatrabaho para sayo. Kokonti ang porsyento ng empleyadong yumaman. Nasa negosyo ang pera. Lakas lang ng loob at wag kang matakot matalo. 


  • Gumamit ka ng utak sa lahat ng pagkakataon. Anak, mas ok yung me utak kesa sa puro ganda at kaseksihan. Ang ganda lumilipas, ang talino habang buhay yan.


  • Wag mo ipagpabukas ang mga bagay. Sunggaban mo ang bawat pagkakataon. Ikaw ang humanap ng oportunidad, wag mong antayin na ang oportunidad ang lumapit sayo.


  • Walang nangyayari sa buhay ng mga batugan. Kumilos ka, simulan mo ang pagiging masipag sa loob ng bahay. Matuto kang magayos ng bahay, magluto, maglaba. Mahirap tumanda ng walang alam anak at inaasa ang lahat sa ibang tao. 


  • Wag kang maging maramot at swapang. Magbigay ka sa lahat ng tao hindi lang sa mga kamaganak mo. At pag nagbigay ka, wag kapiranggot lang, ibigay mo ang nararapat ng buong puso.


  • Wag kang tatawid sa kalsada pag bawal. Disiplina sa sarili ang susi sa lahat ng bagay. Kailangan mo ng disiplina sa lahat ng gagawin mo. 


  • Ang obligasyon ay obligasyon, wag mong tatakbuhan. Bayaran ang dapat bayaran, gawin ang kailangan gawin.


  • Mga manyakis lang ang natutuwa sa damit na kita pati kaluluwa. Magdamit ka ng maayos. Kung maganda ang katawan mo, takpan mo pa rin ng damit wag mo idisplay. 


  • Kung magpapatattoo ka, pumili ng angkop at disenyong me kahulugan sa buhay. Wag kang magpapatattoo ng ikasisira ng buhay mo. Kung buhay pa ko, isama mo ko para maisama kita sa magaling na artist. 


  • Ang kulay pink, orange at purple na buhok eh para sa mga clown. Unless sa circus ka nagtatrabaho, saka ka na magkulay ng matingkad sa buhok.


  • Pag me alak, me balak... Wag kang sasama sa lalaking aayain ka lang maginom. Magbigay ka ng distansya at kung hanggang saan lang dapat magpunta. Kung magiinoom grupo dapat. 


  • Wag kang maniniwala sa lalake pagsinabi nya na, "mahal mo naman ako di ba?" Wag kang papayag sa kundisyon ng lalake lalo na kung isasangkalan nya ang pagmamahal para lang makuha nya ang mga bagay na gusto nya.


  • Hindi porket pogi, mabait at hindi ka sasaktan. Ang lahat ng lalake me posibilidad na maging kumag, pogi man o panget.


  • Wag mahuhulog ang loob mo sa mga matatamis na salita ng lalake. Kaya ka binobola kasi me gusto syang makuha. 


  • Kung wala kang pera, maraming paraan para magkaroon, pero wag na wag mong isasanla ang prinsipyo mo lalo na ang katawan mo. 


  • Wag na wag mong paniniwalaan ang "Cuddle cuddle lang tayo!" or "Gusto ko lang na tayong dalawa lang, para makapagusap tayo ng maayos" Wag na wag kang sasama pag sinabi nya na "Kakain lang tayo sa pansitan..." Para sa detalye, tanungin mo ang ninong Ryan Berba mo tungkol dito.


  • Hindi porket binigyan ka ng regalo, chocolate, at bulaklak, eh kailangan palitan mo yun ng ibang bagay lalong lalo na ang katawan mo. 


  • Kung hindi mapigilan, gumamit ka ng proteksyon. 


  • Matuto kang magmaneho ng sasakyan, wag kang aasa sa boypren mo o sa mga kaibigan mo. 


  • Hindi mo kailangan mahalin ang larong basketball, boxing, at MMA pero kailangan mong alamin ang rules at kilalanin ang mga players. 


  • Huhusgahan ka ng mga tao sa kung ano itsura mo, ganun talaga ang mundo anak, kaya sa umaga pa lang alamin mo na ang isusuot mo at kung papaano mo dadalin ang sarili mo. 


  • Magmahal ka ng tapat at wag na wag kang mamamngka sa dalawang ilog. Ang lalake pag nangaliwa tanggap ng mga tao, ang babae pag nangaliwa habang buhay yuyurakan ang pagkatao. 


Anak marami pa kong gustong ibilin syo na hindi ko naisulat dito pero sana humihinga pa ko pag nagdalaga ka hanggang sa magasawa ka para magabayan kita. Pero hangga't buhay pa ko wag kang magalala. Ipagtatanggol hanggang sa dulo ng mundo. I love you anak, hanggang sa huling hininga ko.

Love,
Tatay

Wednesday, January 15, 2014

Sulat Para sa Ikatlong Taong Anibersaryo ng Kasal


Mahal kong Misis,

3 taon na pala ang nakalipas nung ibinigay ko ang matamis kong "I do" sayo. Para kasing 3 weeks and 4 days pa lang ang nakakaraan nung nagaayos tayo ng kasal natin, yung para tayong natatarantang daga sa pag prepare ng mga bagay-bagay para sa gayak. Naluha pa nga ako nung  naglalakad ka sa gitna ng simbahan papalapit sa altar at hinahatid ka ni Daddy at Mommy. Nakakatuwang isipin na 3 taon na rin pala ang nakalipas nung nagsuot ako ng barong habang kinukunan ng picture na parang vice mayor lang ng isang liblib na probinsya.

Parang kailan lang din noong mag syuta pa lang tayo at lagi mo kong inaayang mamasyal na tayong dalawa lang tas kakain tayo ng pansit sa restauran na me aircon at me TV na me cable. Parang kailan lang na nung tanungin kita kung gusto mong magpakasal sa isang poging poging lalake na katulad ko at inabot ko ang singsing na gawa sa tinunaw na bente sinko sentimos na me dyamanteng hinukay sa apdo ng diwata sa Sorsogon.

Natatandaan mo pa ba nung sinabi ko sayo na "...from the time that we first met up until now, you never fail to put a smile on my fat round face and give meaning and color to my life. You're the best thing that ever happened to me..." hindi pa rin nagbabago yan hanggang ngayon. Salamat din sa pagpapasensya mo kung minsan eh sobrang kulit ko at napipikon ka na, salamat mahal kung me mga oras na nagsusungit ako. Kahit ganun pa man eh hindi naman nababawasan ang pagmamahal ko syo, sabi nga sa kanta eh "habang nagtatagal lalong tumitibay" Parang sapatos lang si Syon pag nilagyan ng biton...

Natatandaan mo pa rin ba nung sinabi ko syo na "I love coming home to you everyday, listening to your stories, talking to you about anything, singing with you our favorite and not so favorite songs, and laughing with you all the time. These small reasons made me complete as an ordinary husband to an extraordinary wife. Every day with you has been a blessing. I still thank my lucky stars that you said “Yes” when I proposed and “I do” at the altar to think that you just ask little in return, just my love, my support, my friendship, and my appreciation." Ako kasi muntik ng makalimutan ng isipan ko yan, pero nung hinalughog ko ang puso ko at damdamin ko, nandun pa rin ang mga sinabi ko na yan sayo at hindi na mabubura pa.


Eh nung sinabi ko na "Hinding hindi ako magsasawa syo, ang pagsilbihan ka, alagaan ka pag nagkakasakit ka, buhatin ang lahat ng gamit mo (except sa girly bag mo), ipagluto ka ng lahat ng maisipian mong pagkain, lalong lalo na ang mahalin ka... Mahal kita by, hindi lang dahil sa napakataas mong pasensya sa katulad kong masungit, mapanginis at makalat. Mahal kita forever by! We don't know how long our journey will be, but we know we'll be together to the end and this makes the bad times more bearable, and the good times even better.  I love you babygirl… super!" Nakalimutan mo na ba? Sana wag, kasi ako hanggang ngayon yan pa rin ang pinanghahawakan ko at itinatago sa puso ko para manatiling malakas ang pagsasama natin. Eh yung kinuwento ko na "Si aling Ibyang yung kapitbahay natin na nagpapautang ng 5-6 eh me syotang disisyete anyos na aswang sa Siquijor..." Kalimutan mo na yun kasi hindi pala totoo yun eh.

Bukod sa mga salitang isinulat ko at mga pangako na binitawan ko, ngayon nadagdagan nanaman ng isa pang magpapatibay at magbibigay ng saya sa ating pagsasama. Isang cute na cute na anghel na talaga naman nagbibigay ngiti sa atin parehas. Isang biyaya na matagal na rin nating hiningi ke Papa Jesus. Thank you sa pagaalaga sa kanya at pagtitiis ng 9 months sa lumalangoy langoy lang sya sa tiyan mo at sinisipa sipa ka ng walang kang kalaban laban. Salamat sa pagbibigay ng aruga at pagmamahal sa kanya nung inilabas na sya sa sinapupunan mo kahit biniyak ng doctor ang tyan mo para lang ilabas ang cute na cute na batang yan.

Anak ko nga to!

Alam ko na marami pa tayong pagdadaanan, marami pa tayong pagaawayan malamang, at mga pagsubok na susuungin sa relasyon natin. Basta masaya lang tayo palagi at hindi natin binibigayang pansin ang mga "Bad Vibes" sa buhay natin eh tatagal tayo ng forever.

I love you by, you are really capable of making me realize how good it is to feel alive, how good it is that your presence makes me grow and transform into a better person, capable of turning dreams into reality and make the result of those dreams, now shared by us both, and eternalizing then into an ambience of harmony, care and love. I shall never let this feeling that joins us perish. Never, by any chance, let us drift away from love’s true path, built on complicity and affection.

Nagmamahal at ang Forever ng buhay mo,
Artiemous

Tuesday, December 4, 2012

Medyo Nagbabalik...

Habang naghihintay para sa oras ng trabaho ko, naisip kong buksan ulit ang blog ko, nagulat ako na puro sya agiw at alikabok. Oo me access ako sa matabangbyahero, nagulat ng ako eh baka 'kako nawaglit sa isip nilang me pagka porn ang blog na ito. Well hindi ito porn, medyo porn lang mga 17.32% probability ganyan. Sabi ko nga sa huling blog ko eh hindi na muna ko magsusulat, susubkan kong magpapahinga muna sa mga kagaguhan, magpapakabait ako at magtitino na talaga. Parang gusto ko munang maging ermitanyong gumagamot ng mga karamdaman, nagbibigay ng kahilingan at magbabasbas ng anting-anting sa mga salbahe at malalanding babae. Pero dahil sa tawag ng laman, at mga daliring parang me sariling pagiisip, eh napasulat nanaman ako at nagsalitype. Sinasabi ko na nga na ayaw ko at pinipigilan ko ang kamay ko sa pagfingger ng keyboard eh sadyang mas makapangyarihan sya at mas malakas kumpara sa akin kaya naman para akong pinagsamantalahan at pilit na kinuha ang aking malinis na puri ng sapilitan... nagpaubaya na lang ako kahit na labag sya sa kalooban ko ang mga pangyayari

So kamusta na nga ba ang puging pugi, at kyot na kyot na matabangbyahero? Eto kyot, pugi at purmang purma pa rin 'baga. Naiba ako ng linya ng trabaho, dati ako yung lider na nagsasabi ng quack quack quack, pero ngayon nalinya ako sa pagtuturo. Oo nagtuturo ako, pero di ako titser, nagtuturo ako kung paano gawin ang mga bagay bagay para sa maging episyente ang trabaho ng mga nagkukutkot ng babolgam na nakadikit sa ilalim ng upuan sa mga lumang sinehan na nagpapalabas ng double picture. Masaya ang pagtuturo lalo na kung hilig mo ito. Dati na akong naging trainer sa luma at dati kong pinagtatrabahuhang pabrika, pero tulad nga ng sabi ko, sinubukan kong umiba ng karera at napasok sa 'kel sener' at ngayon eh nabalik ako sa larangan ng pagtuturo. Iba ang naibibigay na satifaction ng pagtuturo para sa akin, para bang sa tuwing tumatayo ako sa harap ng maraming tao/ studyante eh merong namumuong sarap sa kailaliman at kaibuturan ko at dahan dahan lumalabas at dadaloy na wari bang sabik na sabik kumawala sa aking naghuhumindig na kaluluwa. At dahan dahan kong dinilaan ang kanyang malambot na kaangkinan habang sumasabay ang indayog ng kanyang balakang

Maraming nakakatuwa at miminsanang mga nakakainis na eksena sa pagiging ttchuurraaiinneerrr, nandyang me estudyanteng makulit, estudyanteng buwiset at mga estudyanteng sabay lang sa agos, yun bang wala naman talaga silang pakialam, mga estudyanteng mahuhusay, at pinaka nakakairita sa lahat eh yung mga estudyanteng kamot ulo, yun bang ang alam na sagot eh 'ummm.. ahhhh... ehhh...oo'. Pero kahit ano pa man ang ugali ng mga estudyante eh masaya silang kasama, kahit yun mga buraot sa klase eh kahit papaano eh nakikibagay naman parang new sets of friends lang, ganyan. Bago ang opisina namin dito sa BGC, bago upuan, bago computer, carpet at lahat ng bagay bagay dito sa opisina. Ang tanging luma dito eh yung mga kaopesina ko na parang ako eh galing din sa lumang kumpanya na inivacuate na parang skwater lang na inilipat sa magandang pabahay ng gobyerno. Marami pa sana akong gusto ikwento sa inyo dear readrers, tulad ng mga gwardyang masungit na nagfafacebook lang, yung canteen na ang pagkain eh langing lasang magic sarap lang, at ang scented rest room (amoy mapanghi palagi) So til next time dear readers. Ciao ciao!

Saturday, September 15, 2012

Last Hurrah ng Isang Kaibigan

Ang sulating kong ito ay para sa isa sa pinakamatalik kong kaibigan, ikakasal na kasi sya wahahahha! Oo pag naiisip ko kasi na ikakasal ang hinayupak na to eh natatawa talaga ako. Sa mga matagal ng sumusubaybay sa blog ko, sya si Matt, si Mata, si Berba, ang isa sa mga maraming karakter na pinakilala ko sa blog ko.

Ok, ok... sino ba si Ryan - Ryan Berba isang lalakeng wala yatang kaplano plano sa buhay nya dati. Isang bagamundo, mahilig maginom at tumingin sa mga babaeng maganda at sabay sisigawan ng "ate palong palo ah!" Isang lalake na akalain mong graduate ng UP Manila at head ng isang malaking fraternity sa pamosong eskwelahan ng mga matatalino, eh kung titignan mo ang itsura eh parang undergrad lang ng Provincial Manpower and Vocational Development Center sa Kalinga Apayao ... hindi joke lang, maayos itsura ni Ryan kaya mukha syang graduate sa Ricky Reyes Learning Institute sa kursong Tailoring. Pero joking aside, isa si Berba sa mga taong matalino at responsableng lalake na nakilala ko, dating trainee na ngayon eh Shift Manager na ng Orbis Risk Management Team. Si Berba ang bukod sa pagiging matalik na kaibigan eh sya ang kapatid ko na lalake na hindi iniluwal ng nanay ko, makapatid kami sa prinsipyo, idelohiya, at lalo na sa kalokohan, at malamang sa lamang eh last hurrah na namin yung ginawa namin nung Byernes nung stag party nya. Wahahhahahaha!
*editors note: si artiemous lang ang nagplano at nagorganize, pero hindi sya humawak at humipo at nagmasid lang sya... pramis!*

Dahil sa kasal mo eh walang bestman speech, dito na lang ako magbibigay ng mensahe sayo kaibigan...

Men, ito na ang araw na ng kasal mo, wahahahaha! At talaga namang seryoso ka na, sabi nga eh, "dun na tayo sa daan na matuwid"... sa mundo ng pagaasawa! Buti na lang at nakilala mo si Shey na nagpatibok at bumihag ng puso mo para dalin ka sa tuwid na landas na hindi nagawa ng mga libo-libo mong naging babae... joke lang daan -daan lang. Shey, wag ka magsasawa sa kaibigan ko, isipin mo na lang isa syang ligaw na lobo sa ilang, mahirap patinuin laging naglalandi, pero nakukuha naman sa tiyaga yan. Men, bilang isang taong kinasal, hayaan mo na payuhan kita na hindi sya parang isinubong utong ng babae na me buhok buhok na pwede mong iluwa at iduwal. Maraming pagsubok dyan, lalo na sa umpisa. Kapit lang palagi at wag kang bibigay. Eto na yung tuwid na landas na sinasabi natin dati pa, yung pagpapakabait natin. Marami rami kang igigive up lalo na sa mundo ng pagkabinata. Sya na yung huling babae na mamahalin mo. Hindi na pwedeng tumibok ang puso mo sa ibang chicks, at di ka na pwedeng lumandi pa sa iba. Sa tingin ko naman eh na ke Shey na lahat ng hinahanap mo, maganda, mabait, maalaga, mapagmahal sayo at sa pamilya mo na alam naman natin na kung gaano kaimportante syo. Natatandaan ko pa kung gaano ka kinikilig-kilig nung dumadalaw ka sa training room para silayan si Shey, at natatandaan ko pa kung paano mo hiningi sa akin yung number nya kasi nga eh talagang kras na kras mo sya noon pa man, hiningi mo pa nga sa akin na ilagay sya sa shift mo para maalagaan mo, at hindi naman kami nabigo dun, naalagaan mo nga sya literally at figuratively. Men sa mundong papasukin mo, wala naman talagang masyadong magbabago kasi nga matino tayo dati pa man. Mahirap ang magpakasal, pero kakaibang ligaya t at sarap ang ibibigay nya syo. Kung kailangan mo ng kasama, at mahihingan ng payo, kahit sa tingin mo hindi ko makapagbibigay ng matinong payo syo, dito ako para samahan ka pa rin brad! Saka maniwala ka man or sa hindi, natutuwa ako na ikakasal ka na, at nangyari pa sa hindi sinasadyang pagkakataon. Ang galing talaga ni Lord, yung isang bagay na hindi mo nakikita sa sarili mo eh, biglang dumating sayo na parang kidlat at eto na nga at manunumpa ka na sa ngalan ng pagibig at pagdurusa. Para sa kaibigan ko at sa kapatid ko! Maligayang kasal at eto na ang araw na hindi ko ineexpect na pagdaraanan mo at makikilala mo ang iyong forever. Cheers! 








Ok medyo matagal na ko hindi nagsusulat kaya walang masyadong updates at talaga namang kinakalawang na ang utak, mata at daliri ko sa mundo ng blogusperya. Ang huling sinulat ko pa eh yung tungkol sa anibersaryo namin ng asawa ko at nakakatawang isipin na ang isunulat ko nananaman eh tungkol ulit sa kasal. Huling sinulat tungkol sa kasal, oo baka nga ito na rin ang huling isusulat ko na blog na ito, last hurrah na ng matabang byahero... malamang wala namang malulungkot or matutuwa sa thought na yun, dahil wala namang nagbabasa ng blog ko sa totoong buhay. Hahaha! Paalam mga mambabasa, babalik ang matabangbyahero pero malamang sa ibang hanay na. Til we meet again dear readers. Bye!


Sunday, January 15, 2012

Happy 1st Wedding Anniversary to My Dearest Wife

Thanks Ate Angel for the wonderful picture

Dear By,

I dunno where to start with this blog/ letter... Time really flies so fast, 1 year na tayong magasawa!!!  Parang kalian lang nung itinakas mo ko sa mga magulang ko para itanan… Nung gumawa ka pa ng eskandalo sa Daang Bakal, Brgy. Harapin ang Bukas at nagamok ka hawak mo yung jungle bolo tas sumisigaw ka ng “Ilabas nyo si Artie! Pag di nyo nilabas yan, magkakasubukan tayong lahat!” Pagkatapos nun lumabas ako at dali dali mo kong sinakay sa taxi, at nagpalakpakan ang lahat ng miron sa eksenang yun. Natatandaan mo pa ba yung 3 pulis at 5 baranggay tanod na sumubok na umawat syo pero hindi sila nagtagumpay? Pinakain pa nga daw nila Ate ng egg sandwich saka litro pack na iced tea yung mga yun.  Ang bilis ng panahon talaga.
 
Pero alam mo by, sa totoong buhay, ikaw ang rason kung bakit ako gumigising ng maaga sa araw araw, joke lang me pasok kaya ako. But kidding aside, from the time that we first met up until now, you never fail to put a smile on my fat round face and give meaning and color to my life. You're the best thing that ever happened to me, Uu totoo yun. I love coming home to you everyday, listening to your stories, talking to you about anything, singing with you our favorite and not so favorite songs, and laughing with you all the time. These small reasons made me complete as an ordinary husband to an extraordinary wife. Every day with you has been a blessing. I still thank my lucky stars that you said “Yes” when I proposed and “I do” at the altar to think that you just ask little in return, just my love, my support, my friendship, and my appreciation.

Hinding hindi ako magsasawa syo, ang pagsilbihan ka, alagaan ka pag nagkakasakit ka, buhatin ang lahat ng gamit mo (except sa girly bag mo), ipagluto ka ng lahat ng maisipian mong pagkain, lalong lalo na ang mahalin ka... Mahal kita by, hindi lang dahil sa napakataas mong pasensya sa katulad kong masungit, mapanginis at makalat. Mahal kita forever by! We don't know how long our journey will be, but we know we'll be together to the end and this makes the bad times more bearable, and the good times even better.  I love you babygirl… super!


Always and forever,
Artiemous ng Buhay mo