Pages

nuffnang

Wednesday, April 9, 2008

Pagbilan nga po...

Manang pagbilan nga po ng gelpren yung matino saka walang hassle... ay ubos na po ba? sige pagbilan na lang ng beer.... Sana pwede mangyari to sa totoong buhay, yung pwede ka makabili ng gelpren sa mga suking sari sari store nationwide. Eh kasi naman tumatanda na ko, yung mga kabatch ko ng college (wag nyo na alamin kung kailan) eh me mga asawa at anak na. Tas tong tatay ko kinausap ako nung isang araw, sabi sa akin magasawa na raw ako... kung ganun nga lang ba kadali makakuha ng asawa di sana ginawa ko na. Dati me plano na kami ni Precious, pati si Mitchee nagplano na kami sa kasal pero at the end of the day wala rin... parang tanga lang. Well si Precious me asawa at anak na. Si mitchee naman... wala ako balita. Taena ano ng nangyayari sa akin napagiiwanan na ako ng panahon... Sa totoo lang gusto ko ng totoong relasyon yung totohanan na... yung ndi na joke time at lalong ndi yung panglandian lang.... shhyyiiiieeeeoooooootttt.... Gusto ko ng magkagelpren!

No comments: