Pages

nuffnang

Thursday, May 1, 2008

Ang Bango Bango mo

Eto nananaman me naisip nananaman ako... pero gusto ko lang ipaalala sa lahat na hindi ko gawain ang mamintas ng ibang tao. Pinahahayag ko lang ang nasasagunita ko. shhhiieeeyyyooottt ang lalim! So basically disclaimer ko na to na bato bato sa langit tamaan eh tanga. Hindi ako nakakain kagabi dahil sa sobrang pagod ko at syempre dahil late ako nagising ndi na rin ako nagalmusal. tubig lang at bula mula sa toothpaste ang laman ng tyan ko. pag dating ko sa opisina medyo nagaalburoto na ang tiyan ni artieboy hayun na nga at pagdating ng 9:10 nagpaalam na ko sa kasamahan ko na kakain ako. 2 lang kami sa shift kaya 30 mins maximum lang ang break dapat bawat tao. Taena naman kasi walang training kaya balik ako sa gawain ng isang taga suri ng deposito ng mga sugarol sa larangan ng texas hold'em poker. Habang naglalakad ako nakasalubong nanaman ako ng isang chick di naman super yung kagandahan at ndi rin kasexyhan pero me dating naman sya. Hindi yung tipong pag nakasalubong mo eh mapapakanta ka ng "How sweet it is to be loved by you...." so habang papalapit na ko sa kanya naku naman talaga ang halimuyak ng babaeng ito amoy sya.... amoy anu eh.... ummm amoy gulaman! yun bang palamig! amoy arnibal dude. nahilo ko sa amoy. iniisip ko nga kung yung bang pabango nya eh mc cormick vanilla extract or yung nabibili lang sa palengke mukha naman syang sosyal siguro mc cormick yung gamit nya nakakatakot lang baka langgamin sya sa sobrang tamis ng amoy nya.

Sa totoo lang ndi ko trip ung amoy nung chick... oo amoy pagkain pero ndi sya yummy ang sakit sa ulo talaga. Syempre sasabihin eh kasi uso yun kaya ganun yung amoy... aba uso naman pala amoy gulaman bakit kaya ndi sila magimbento ng amoy hopia yun ang terno at yun ang amoy ng yummy talaga.

Paano kaya kung ang pabango eh amoy ng pagkain? well sabagay ang bumbay amoy sibuyas na bulok eh. lalo na yung bilad sa arawan at nakamotorsiklo naku naman talaga... o sige para sosyal amoy sya over ripe red onion. ayun yun eh... Paano yung kung amoy ulam ang pabango ng chick.... miss ang bango mo amoy ka menudo, o kaya miss ano yan pabango mo amoy ka sinigang tangina ang asim nun shet! o kaya kung mayaman yung chick syempre ang pagkain nun pang hotel restau tipong amoy sya country herb meatloaf yun ang yummy pero paano kung amoy sya grilled lamb chop with rosemary and thyme? tangina ang anggo ng amoy nya nun...

Teka pag nagpapabango ka ba eh para sa ilong mo or sa ilong ng ibang tao,ako kasi pag bumibili ng pabango nagtatanong muna sa ibang tao kung cool yung amoy... kasi iniisip ko kaya ako nagpapabango eh para maamoy ng ibang tao papampam ba.... pero hindi ko lang talaga magets eh ang nanay ko pag galing ako sa basketbolan sasabihin sa akin... "ang baho mo, amoy ka tao!" amoy tao? eh ano ba ko? whew hanggang ngayon di ko pa rin ma-dig...sige hanggang sa sususnod na kwento muli

No comments: