Pages

nuffnang

Thursday, May 22, 2008

Mahaba-habang Kwetong Pampublikong Sasakyan...

Sa totoong buhay mas gusto ko talaga ang magjeep at magbus kesa magkaroon ng sariling sasakyan kahit tumaas ang pamasahe. Naiirita na nga ang tatay ko dahil binigyan ako ng kotse pero di ko naman nagagamit sya pa rin ang nagmamaneho hehehe. Ndi ako takot magmaneho dahil naitatakas ko rin naman ang sasakyan paminsan minsan. At isa pa mas gusto ko yung mga naeexperience ko sa jeep at bus. yung sa mga regular readers ng blog ko nabasa nyo naman siguro ang tungkol sa havaiabang sa mga hindi pa nakakaalam punta kayo sa mga old blogs ko at mababasa nyo duon. Anyhow, mas maraming exciting na nagaganap pag sumasakay ako ng mga pampublikong sasakyan... andyan yung me mga nadadapa nauuntog at iba pang mga nakakatuwang pangyayari andyan din yung me makakasalubong at makakasabay ka na magandang tsiks tas iaabot mo yung bayad at sasabayan ng mga ngiting pacute... naks! pero yung eto ang mga talaga namang favorite ko


1. Ang mga lalake pag nagbabayad eh kelangan modulated ang boses "mama bayad po oh" or "mama bayad daw" at kala mo galing sa malalim na hukay ang boses nakampating talaga.

2. Yung mga nagpapagpag ng upuan ng jeep at bus, di ko talaga magets kung bakit kailangan pagpagin pero dahil nagresearch ako eto ang napagalamanan ko ayun sa survey... pinapagpag daw nila ang upuan kasi baka daw magka STD sila. namputa naman nakukuha pala sa upuan ang STD. yung iba ang sabi dahil daw babalisawsawin... pero eto ang matinding dahilan bakit nila pinapagpag kasi daw nakita nila sa iba kaya ginagawa din nila.. mga pinoy talaga.

3. yung mga inaantok, nakakatawang pagmasdan yung mga antok na antok na pasahero na parang manok lang na tuka ng tuka pero ang pinaka klasik dun ay yung pag nagugulat sila at parang nahulog yata sa mataas na building at pag nagising sila eh nandidilat ang mata parang hindi alam kung asan sila. Minsan meron pa yung nababali yung leeg at gagawing unan ang balikat mo pero ang hindi happy dun eh yung me kasamang tumutulong laway.

4. yung mga babae na nagtatakip ng likod nila pag bumababa ng jeep. Taena susuot suot ka ng hanging shirt tas mahihiya ka na makitaan. pathetic di ba? pero eto lang naman yung mga naiisip kong rason bakit tinatakpan eh. Una nahihiya sya na makita yung buttcrack nya na maitim or me galis, pangalawa ayaw nya makita na ang suot nya na panty eh yung parang panty ni lola yung kulay beige tas malalaki hanggang pusod yata ang garter. last but i bet not the least eh ayaw nya makita na nakacommando sya... commando walang suot na panty kaya ready to fight. isa lang naman ang gusto ko sabihin dito eh... miss ndi kami naaarouse sa sa garter ng panty at sa buttcrack mo maitim at dahil panget ka ndi ka namin pagiinteresan. well unless you're cute at nakacommando ka...

Pero kung meron mga nakakatuwang eksena marami rin naman yung mga nakakairita minsan mas marami pa yung nakakairita eh

1. yung mga nagsusumiksik sa dulong upuan ng jeep tas makikiabot lang ng bayad. Ok lang naman makisuyo eh pero nakisuyo ka na nga ndi pa nagpasalamat parang sya pa ang pribilehiyo mo pa na ibigay ang bayad nya parang reyna or hari lang shet!

2. yung mga lalakeng nakabukaka kahit gaano na kasikip ang jeep kailangan talaga eh malaki ang pagitan sa hita nya tangina parang ang laki ng itlog malamang ga alatiris naman.

3. yung mga babae na ayaw umupo ng diretso at kailanang nakatagilid talaga. tas pag siniksik mo eh sila pa ang galit at me kasamang palatak pa! taena kung ayaw nya masiksik eh di magtaxi eh malamang naman kaya sya nagjejeep dahil mahirap din sya.

4. yung mga nakahawak sa handrail tas yung siko eh nakatutok sa mukha mo, ndi ba nila napapansin na nakakairita yung siko nila at pwede naman iadjust ng konti di ba.

5. yung mga inutil na maluwag pa pero ayaw sumiksik ayaw yata madikitan ng ibang tao taena nagyayaman yamanan nagjejeep din naman.

6. yung mga pasaherong amoy sunshine and kaboom bread or amoy araw at amoy putok. Tangina eto yung pinaka ayaw ko yung ang lakas talaga ng putok ng katabi mo yun bang me kurot sa ilong parang naiiwan yung amoy sa balat mo... yun bang pagbaba mo ng jeep himasin mo yung pilik mata mo at subukan mong amuyin eh amoy putok na nung katabi mo. nakakahilo talaga.

Pero kahit maraming nakakabwisit eh masaya pa rin naman ang gumamit ng pampublikong sasakyan mas mura mas masaya...

PisLabEnRaknRol

No comments: