Pages

nuffnang

Tuesday, May 6, 2008

walang maisulat...

Sa totoong buhay ang dami kong gustong isulat...ang daming humahalukay sa isip ko sa mga oras na ito. Ang tagal ko ng walang blog. Di ko alam kung anong uunahin ko. Minsan sa jeep or sa MRT habang papasok ako ang dami pumapasok na ideas na nakakainis, nakakatuwa, nakakagalit at nakakalungkot. Gusto kong makuha ang emosyon ng mga mambabasa ko since karamihan ng friends ko sa blogsite ko eh mga babae. Pero sa kadalasan ang pumapasok sa isip ko eh mga topic na panglalake na alam kong ndi maeenjoy ng karamihan sa mga mambabasa ng blog ko, dangan ay kailangan kong ifilter at iconvert ang topics na pwede sa mga babae... Pero isa lang naman ang totoong gusto ko mangyari eh... yun ay yung makapagbigay ng kakaibang emosyon sa mga mambabasa ko. Full Entertainment sabi nga. Andyan yung matutuwa sila, malulungkot, maiinis, mapipikon, at kung ano ano pa. tulad ngayon sa sobrang wala ako idea ni hindi ako gumamit ng notepad para sa blog na to. direkta na lang... Bigyan nyo nga ako ng idea na pwede kong gawan ng kwento...

No comments: