Pages

nuffnang

Wednesday, June 18, 2008

Ang mga Pangarap kong Jackpot

Bata pa lang ako marami na ko pangarap sa buhay... well sino bang walang pangarap? Una ko nangarap siguro nung mga 3 months old ako, dumedede pa ko sa nanay ko nun, simple lang naman ang pangarap ko nun eh yung makadede sa kapitbahay naming magandang dalaga tas malaki yung boobs, pero nung mga panahon na yun eh wala pa palang gatas yung dalagang yun... sigurado maaarouse lang yun so sya lang nakinabang, buti sana kung tuli na ko by that time di ba?

Pero seriously, marami talaga kong pangarap... grade 2 ako ng magserve ako sa parish namin, bilang knights of the altar at dahil duon eh nangarap ako na maging isang pari... oo maniwala ka, pangarap ko talaga maging pari nung bata ako. dahilan sa ang tawag sa mga pari ay Father, inakala ko na yun yung english nun kaya naman nung tinanong ako ng kapwa pulis ng tatay ko ng english, "Artie, what do you want to be when you grow up?" ang sagot ko na lang eh "Sir, I want to be a father..." Inakala tuloy ng mga kapwa pulis ng tatay ko eh sa murang edad ko eh gusto ko ng umiyot ng maraming babae para maging tatay agad... Eh ndi pa nga ako marunong mag mariang palad nun di ba?!

Hanggang college ako akala ko talaga magiging pari ako, nasa loob na ko nun ng seminaryo pero pinalabas ako kasi daw bawal ang mga gwapo dun nababading ang mga seminarista. Pero other than that ayaw ko na rin talaga pumasok kasi hindi nila tinupad yung pangako nila na sabay kami maliligo ng mga madre at tabi kami matutulog... tsk too bad so sad... Naku taena baka tamaan ako ng kidlat dito umuulan pa naman. So kung itatanong nyo bakit ndi na ko natuloy sa pagpapari isa lang masasabi ko... Masarap ang ovenfresh na luto ni God... mainit init at greaseless pa.

Pero hindi dahil ndi ako naging pari eh mafufrustrate na ko at ndi na magtutuloy ng pagaaral... nakagraduate din ako sa course na "of", "golf" at nagmaster ako sa course na "inter" so after graduation narinig ko yung kanta ng apo hiking society na blue jeans at gusto ko na magpakamatay lalo na nang marinig ko yung lyrics na "sige sige kayod sa eskwela at balang araw makikita mo, pagkatapos ng iyong paghihirap di ka rin makakahanap ng trabaho..." naku hindot talaga! Akala ko magiging manager na ko ng pinakasikat na KTV Bar or Massage Parlor sa Pilipinas... hidi pala ganun kadali makapasok dun. Naisip ko tuloy gusto ko maging Pulis parang tatay ko, pero gusto ko mag PNPA ako ndi yung pulis pulisan lang no offense sa mga pulis na mababa ang position, pero mababa rin kasi ang sweldo nila kaya ayaw ko. So pag PNPA ako mas maganda ang systema nila mas mataas ang position mas mataas ang sweldo akalain mo na training ka pa lang eh sumusweldo ka na ng 20K isang buwan... imagine kung magkano yun kumpara sa ngayon. Pero hindi yun ang pinka core ng pangarap ko, Gusto ko talaga magpulis para maging hoodlum since opisyal ako ng pulis madali na ko magkakaroon ng access sa drug trafficking, gun smuggling at white slavery or prostitution. Pag naging masamang loob na ko madali akong yayaman, pero hindi nagtatapos yun magtatayo ako ng bar restaurant business tas sa likod nung restau ko gagawin ang mga illegal so hindi ako matatanong ng BIR kung saan ko nakukuha ang limpak limpak na salapi ko at pag mayamang mayaman na ko gagawa talaga ako ng legal na negosyo at pag marami na sila titigil na ko sa pagiging hoodlum at magreresign ako bilang pulis. Pero hindi natuloy yun, kasi sabi nga ng tatay ko, "Tangnamo! Ndi nga kita ginugulpi dito sa bahay tas sa ibang tao papagulpi ka?" Sweet na sana eh, kaso me tangnamong kasama.... shyet! Pero isa pa ayaw ko rin talaga kasi napabalitaan kong yung mga pulis daw na nasa PNPA eh pinagshoshow ng mga superiors nila tangina, baka ako ang mapili tas yayariin lang ako sa pwet!? di na no! magkamatayan pero ndi ko papagalaw to sa kahit kanino...

So basically ndi natuloy yung pagiging pulis ko... napunta ako sa call center, ang account ko nun eh pasig-quiapo, call center yun kasi kami ang taga tawag ng pasahero...barker ako nun eh.

Pero naisip ko lang... kung naging babae ako mayaman na siguro ako. Kasi ang gagawin ko magiinvest ako para maging maganda ako at maging sexy pero ndi ako magmomodel at magaartista konti ang kita dun eh... mageescort service ako, pero ndi ordinaryong PSP or personal service provider, Big time escort ako, dun ako magseservice sa mga politicians or big businessman... pero ayaw ko ng matanda dapat mga up to 35 years old lang... tas eto ang catch, i'll provide service pero walang sex. I'll just provide them a good company sabi nga eh i will provide the best GFE or Girlfriend Experience. Lalandiin ko lang tas yun na pero syempre ndi naman ako ipokrito baka kasi maarouse din ako syempre makikipagsex din ako pero sa piling tao lang... i will call them the regulars. san ka pa nasarapan na ko, kumita pa ko ng limpak limpak na pera... sarap di ba?! well siguro kaya ako ndi ginawang babae ni God kasi dahil sa plano ko na to. hehehe! Ang talino talaga ni God noh?!

Pero sa totoong buhay pakiramdam ko nakuha ko na yung gusto ko talaga paglaki ko... gusto ko talagang mag turo. since high school pa lang ako eh nagtuturo na talaga ako sa mga bata dahil sa katesismo. totoo yun dati akong katekista at nagustuhan ko yun... at nalaman ko na bokasyon pa la ang pagtuturo. Una kong trabaho eh nagtuturo ako wag nyo ng itanong kung ano itinuturo ko pero hindi yun kalokohan... Matino ako dati at sa ngayon isa't kalahating taon na ko na nagtatrain dito sa kumpanya ko ngayon at masaya ako...

Pero sabi ko nga umaandar ang panahon at marami pa kong pangarap... Ndi naman masamang mangarap eh, libre lang nga ito eh kaya nga inaabuso ko!

No comments: