Pages

nuffnang

Monday, June 23, 2008

Eh masakakit talaga yun....

Nasaktan ka na ba? Ako oo, lahat na yata ng sakit na pwdeng matanggap eh naranasan ko na. From physical pain to emotional pain eh natanggap ko na rin lalo na yung sakit sa bulsa... naku hindot eto ang pinakamahirap gamutin sa lahat yet hindi ito ang pinakamasakit

Pinakamasakit talaga sa lahat eh yung iwanan ka ng taong pinakamamahal mo mapa girlfrend, boyfriend, pamilya, kaibigan, o kahit na yung hindi mo gaano kakilala... Ang hirap di ba? Minsan nga sa sobrang tindi di mo na alam saan mo pupulutin yung sarili mo. Hindi ka kasi handa, hindi mo matatanggap na mawawala na sya... Grabe yung kirot nito bawat oras na lumilipas para kang dinudurog... bawat minuto parang tinatarak yung puso mo tuwing maaalala mo yung tao na yun pero wala na sya ndi na pwedeng ibalik yung iba umaasa pa rin kahit habang buhay yung iba sumusuko na lang...

Lahat na yata ng tao napagsabihan mo na ng nangyari sayo, pero parang wala pa rin... kasi nga masakit. Lalo na pag yung mga di mo talaga inaasahan mangyari... yung bang sobrang saya mo ngayon kasama yung tao na pinakamamahal mo tapos sa isang iglap eh biglang masisira ang pagsasama na hindi mo alam kung bakit. ang hirap makabangon sa ganung sitwasyon. Minsan nga sa sobrang sakit ang tanging magagawa mo eh ang tumulo ang luha mo at isiping "ano ba ang naging kasalanan ko? ano ba ang pagkukulang ko?" pero kahit matapos ang buhay mo sa mundo... eh hindi mo pa rin maisip ang rason kung bakit kayo nagkasira. nandyan na manghihinayang ka... magsisisi... at kung ano ano pang emosyon ang papasok.

Pagkinuwento mo yung pangyayari sa ibang tao magaadvice sila pero kahit gaano kaganda yung abiso sayo nung tao na yun ndi pa rin akma sa nangyari sayo... kahit sabihin nila na naiintindihan kita parang mas nakakalungkot lang lalo isipin kasi nga sa totoong buhay ndi ka nila maiintindhihan kasi ndi nila naranasan yung pinagdadaanan mo ngayon maaaring me pagkakahalintulad pero iba pa rin talaga eh

Oo ako nasaktan na rin ako... maraming beses na. pero salamat na lang at nakayanan ko yung sakit. kasi siguro nandyan ang mga kaibigan ko na handang umintindi sa akin at ang pamilya ko na laging sumosuporta sa lahat ng aksyon at desisyon ko sa buhay. haay... minsan ang lupit talaga ng tadhana. wala naman tayong ginagawang mali sa buhay pero tayo pa yung nasasaktan... minsan nga nasasabi natin sa sarili natin, tangina yung iba nga mga patapon na yung buhay at walang ng puso bakit hindi sila yung makaranas ng sakit ng nararamdaman ko ngayon? hanggang sa sisisihin mo na ang sarili mo at pati na ang diyos idadawit mo at sasabihin mo na " ang lupit mo lord, bakit ako pa ang pinili mong masaktan?" na nakalimutan na nating magpasalamat sa mga natanggap nating magagandang bagay... ironic di ba?

"Masakit ang ginawa nya sa akin... kelangan maranasan nya rin to!!!" Eto yung common dialogue ng karamihan ng nasasaktan. gusto gumanti. Injustice nga naman yung nangyari. Funny lang kasi kahit anong higanti natin, in the end tayo pa rin ang talo. Una walang satisfaction ang pag ganti... oo nasaktan mo na yung tao na nakasakit sayo pero gusto mo pa na mas masaktan sya. hanggang sa walang katapusan na yung galit

Pero isa pang nakakatawa eh, bakit pag tayo ang nakakasakit ng damdamin ng ibang tao eh parang wala lang? " Eh ano naman ngayon kung masaktan ko sya? Ok lang yan makakarecover din sya!" Again guilty ako dito sa point na to... ilang beses na ko nakasakit ng tao. Meron na ko napagsisihan at me mga pinalagpas na pangyayari. Siguro gagawmitin ko tong pagkakataon na to na Magsorry sa lahat ng nasaktan ko.

Ewan ko ba... pero masyado lang ako naaapektuhan ng mga nangyayari sa paligid ko... Para sa mga kaibigan ko na nasaktan, nasasaktan at kung masasaktan man, tandaan nyo na lang na nandito lang ako kung kelangan nyo ng makakausap at ng karamay. Ü

No comments: