Pages

nuffnang

Sunday, June 29, 2008

Sus... Ang Panget mo Uy!

Sabi nila beauty is in the eye of the beholder... sabagay kung panget ka talaga yun na lang yung pwede mong sabihin eh. Wala namang masama sa pagiging panget eh hindi ako nagdidiscriminate ng mga taong masasama ang itsura sa katunayan lahat naman yata ng tao eh me taglay na kapangitan sa sarili... parang ako, ang kapangitan sa akin eh naging mataba ako kasi nga naman pag naging hunk pa ko eh perfect na ko nun, eh di ba sabi ni God nobody's perfect... thus binigyan nya ko ng konting pintas.

Anyhow, naisip ko lang ah... masaya rin naman siguro maging panget, kasi tahimik buhay nila, walang nanliligaw, walang karelasyon therefor mas madalas silang magdasal so mas malapit sila ke lord at mataas ang spiritual life nila kumpara sa atin kasi parang yun na lang ang pwede nila pagaksayahan ng oras and magpray at magmeditate na sana bigyan sya ng mirakulo at himala... pag panget ka mas mayaman ka, kasi di ka gagastos sa mga date, pang motmot, at iba pang activity na pang magkarelasyon. Pag panget ka mas close ka sa pamilya mo kasi sila na lang ang pwedeng magmahal ng lubos syo.... See? mas cool minsan maging panget di ba? Hindi rin yata....

Sabi nga dun sa text na nareceive ko nung unang panahon, it's not your fault if you were born ugly... but its your responsibility if you die that way... well i dunno the exact words but its something like that. Sabi ko nga ndi naman masama maging panget eh... marami akong kaibigan na ubod ng panget pero cool lang kasi tanggap nila ang katotohanan. Ang mais lang eh yung mga panget na nagfefeeling... una ang panget mo na nga nagiinarte ka pa, yun bang mga chick na pag natignan mo eh iirapan ka agad parang gusto kong sabihin... "ulol kaya kita tinitignan kasi mukha kang impakto ndi dahil crush kita!" hayup talaga sa kumpyansa ang mga babaeng to sarap kaltukan eh. Meron pa eh, yun bang panget tas english ng english sa daan? taena parang tanga lang talaga sila eh, kala naman nila eh nakukuha ang ganda pag nagenglish sya... weird!

Ndi ko pa rin magets na ang daming nagaakala na pag maputi ka eh maganda ka... ndi ko alam san nanggaling tong idea na to. take a good look at reema chanco uber sa pagkamorena pero hayup sa ganda di ba?... si LJ moreno dati nung nakita ko sya sa shangri la mall ang itim nya pero parang ang sarap yakapin at parang ang bango bango nya... parang amoy bagong ligo at amoy pulbos... Di lang yun meron akong kilala personally na maitim tong babaeng to pero hayop naman sa kinis ng kutis walang makakatawad sabi nga eh flawless... mapapatunayan yan ng kumpareng JayC ko, sayang wala syang multiply at di nya nababasa ang mga blog ko. Pero marami pa rin ang hindi naniniwala sa ideang ito ang alam pa rin nila mas maputi mas maganda ayun kaya naman limpak limpak na pera ang nagagastos nila sa produktong pangpaputla.... papaya soap, bleaching soap, gluthathione, pati na nga yata agua oxinada at clorox eh sinubukan na nila para lang pumusyaw ang kutis... eto pa masdan nyo mabuti ang mapuputi na yan, masdan nyo yung mukha kung pantay sa leeg at braso karamihan kasi eh mukha lang ang mapuputi pero ung balat naman dyusko parang isda eh.... kasi me kaliskis na sila. nakukuha sa chin chan su... meron akong kaopisinang ganito ang tawag nila eh bridgette.. tinanong ko bakit bridget? kasi daw bridget fonda... so bakit bridget fonda eh hindi nya naman kamukha yun? kasi daw puro foundation sa mukha... naknampatis talaga oh. pero sa totoong buhay nga naman tong babaeng to eh hindi pwedeng ngumiti kasi mabibiyak yung makapal na pulbos na ginamit sa mukha... gusto ko nga irekomenda sa kanya yung pulbos na ginagamit pagnagtatiles ng banyo eh naku effective yun pangpaputi... white cement yata tawag dun eh. taena maputi ka nga ang itim naman ng kili kili mo... me buhok buhok pa... shet talaga major turn off talaga yun.

Wala naman masamang maging panget eh... my point here is wag ka ng maginarte magfeeling at magsuplada, panget ka na nga sama pa ng ugali mo... di ba dapat pag panget mabait ka dapat kasi yung bait na lang ang mamahalin ng tao sayo. panget na nga panget pa ng ugali.... lam ko na tawag sayo... halimaw! Whahahaha!

No comments: