Pages

nuffnang

Sunday, December 14, 2008

Parang Hari...

Sa mga oras na ito parang naiisip ko na maging isang hari... pero hindi yung hari ng kalsada (jeepney drayber) Gusto ko ng pagaalaga yung parang binebeybi ako... me naghahatid ng pagkain na trip ko... kung ano gusto kong gawin masusunod, kahit na 24 hours lang ok fine 72 hours para mahaba haba... nakahiga lang sa isang napakalaking kama na me malambot na kutson yung tamang room temperature lang hindi icy cold at hindi rin maiinit... yung temparature na kailangan mo ng kumot pero hindi ka nanginginig sa ginaw... tas yung kumot na gamit eh yung comforter na silky smooth and cotton soft... nakahiga at me nagmamasahe na soft lang... [joke time muna, sa isang massage parlor na me extra service, pumasok ang masahista habang nakadapa na si kuya, tinanong sya ng MPA (massage parlor attendant) Sir "sup po ba or modirit" nagtaka ngayon si kuya kasi nga ang usual na tanong soft or hard, nagtaka sya kung saan galing ang moderate... so tinanong nya "Miss anong soft or moderate?" "Ah sir yung Sup or Modirit? Sir Supsupin ko ba muna or Modiritso na?" canned laugh] ok balik sa topic... gusto ko ung masahing parang himas lang ndi yung sinusundot yung laman ko...habang nakikinig sa smooth jazz music. tas habang me nagsasayaw ng slow exotic dance (pero ayaw ko ng exotic yung itsura ng nagsasayaw) ndi hubad na sayaw, tipong pang tease lang yun bang pag gumiling na ang balakang eh automatic na tutulo ang laway mo. Sana totoo yung genie tas hihilingin ko na sana me nagaalaga sa akin yung parang baby lang ako, hindi lang physical pati sana emosyonal... haaay kakalungkot tong panahon na to...

No comments: