Pages

nuffnang

Wednesday, June 4, 2008

Sinuka....

Prologue
Sa mga sumusubaybay sa blog ko, halos 2 linggo na akong walang kwento puro snippets lang ng mga naiisip ko at nangyari sa buhay-buhay... Gusto ko talaga isulat yung mga nanduon sa listahan ko (see Blog Break) pero ang dami daming pumapasok sa isip ko na gusto ko pang gawan ng kwento. andyan yung tungkol sa itsura ko ngayon, yung katawan ko bago ko pumasok sa kumpanyang ito, yung pagiging makinis, maitim, maitim at maputlang kutis, yung tunkol sa mga geek ah basta marami pang iba kaya abangan na lang....

Ang Totoong Kwento

Ang daming nagtatanong kung sino daw ba talaga ako... karamihan kasi sa mga nagbabasa dito eh mga online buddies lang. Sa totoong buhay marami akong ginampanan dito sa mundo ng blog naks parang si Christopher Deleon lang. Bata pa ko nung nagsimula akong magsulat ng blog siguro mga 6 months ako nun pagkatapos ako padedehen ni yaya (parang ang sagwa pakinggan?!) nung nauso ang blog ang gamit pa nun eh notebook na mas kilala sa pangalang journal or diary... So to protect my anonymity gumamit ako ng mga alter ego.

1. Si young_shakespeare23- Isang Techie person almost nerdy na walang experience sa pambababae computer lang ang kasama nya palagi at ang bespren nyang si Mary ang apelido Palmer (ang magtanong kung sino si Mary eh tatamaan ng kidlat) alam nya ang lahat, kasi all knowing sya kahit di nya alam eh alam nya pa rin kakwentuhan nya si ernie barong nung nabubuhay pa"knowledge power!" kahit ano itanong mo eh me sagot sya. sa madaling salita nagmamarunong kaya walang napala....

2. brokenangelwings - isang uber romantic na tao na too good to be true sya para sa mga babae, well at least sa isip nya lang. Napakagentlemanyak... napaka-galang, mabait, matulungin, sweet and caring sa mga babae, walang malisya, bale wala ang sarili basta para sa babae... in the end walang pa rin nagkakagusto kasi boring...wahahaha! Looser sa madaling salita!

3. Si Paulo - Lalakeng lalake, matipuno, malaki ang pangangatawan. Adventurous, mayaman, mataas ang kumpyansa sa sarili... pag inaya mo kahit saan alam ang diskarte...Sabi nga nila he's every guys dream to be. eh kaso iniwan ng gelpren ng mahabang panahon... ayun nagsulat ng mga love stories at mga kung ano anong kwentong punong puno ng masalimuot at madramang kwento... its so depressing its almost gay! shet talaga!!!! ndi pang rak en rol!

4. Si Kumag - isang lalake na masipag at matiyaga na sinuwerte sa buhay. Trabaho: Sa umaga Sekyuriti Gard sa isang construction site...me sideline na yosi kendi at diyaryo... at sa gabi naman eh manager sya... floor manager sa isang KTV bar at sa harap ng bar eh me sideline sya na balot, penoy, chicharon, condom, kendi at yosi. at pag me okasyon sinasamantala nya para magtinda ng kung ano ano halimbawa, flowers na binili sa dangwa pag valentines day. Since napakagwapo eh lahat tuloy ng GRO eh gusto sya matikman at gahasain at dahil dun sinamantala nya ang pagkakataon eh gagamitin sya ng GRO pero sya ang babayaran... sabi nga ni byenan ni Lumeng eh... Wais! At dahil na rin duon eh nagkaroon sya ng bahay at lupa sa ayala alabang at nagka laptop pero ang internet connection nya ay hacked lang ng mga nagkalat na wireless

5. Si Artie- isang matabang lalake na naghahanap ng trabaho at nauwi sa pagkukutkot ng bubblegum sa ilalim ng upuan ng mga silya ng lumang sinehan... yun lang well corny talaga to kaya ndi sumikat eh... ni walang nagbasa ng blog na to...

6. Si Artie yung savvy guy na babaero na sa call center nagtatrabaho... kung ano gusto nya masusunod. Isa ring gentlemanyak and he knows how to stir womens emotion kaya napapasakamay nya lahat. madali sya magsawa at pagnakakita ng pintas eh ayaw nya na sa babae... Isa lang ang natagalan nyang babae yun yung nanay nya na kinatatakutan nya.

Pero sino nga ba talaga ako.... ano ba ang buhay ni Artieboy? ah... its for me to know and for you to find out! tanong tanong ka lang dyan....

~PisLabEnRaknRol!~

No comments: