Pages

nuffnang

Friday, May 30, 2008

Blog Break...

Dahilan sa sunod sunod at tuloy tuloy na training ni Artie eh pansamantalang titigil ang ang pagsusulat nya ng blog. Although marami na rin namang mga topics na tumatakbo sa mapaglarong isip ni Tiboy sadyang kapos lang ang oras nya para sumulat ng mga kwentong barbero at kwentong kutsero... Sa mga masugid kong taga basa pasensya na... Abangan nyo na lang po. mga 1 hanggang 2 linggo lang naman ang pagtigil ng daloy ng imahinasyon nya... Below are the list of topics na gustong gusto nya ng isulat.

Pornograpiya Kasaysayan at Sibika (Ang mundo ng Porn)

Sino si Artie, si Kumag, si Paul at si Tiboy... (Ako at ang mga alter-ego ko sa mundo ng blog)

Ang Mudcap ng Jeep Track at Tricycle (Ang mga nababasa nyong message sa mudcap or ibabaw ng mga jeep track at trycicle)

Bakit tagalog ang Blog mo? Jologs ka ba? (Bakit nga ba tagalog ang ginagamit kong salita sa paglikha ng mga artikels ko)

Magdalena... (Isang sariling pagsusuri sa mundo ng mga babaeng bayaran sa makabagong panahon)

Paglaki ko gusto kong maging... (Ang mga pangarap sa buhay ni Artieboy)

Paki post na lang kung ano gusto nyo unahin ko at kung me idadagdag pa kayo.... Mabuhay kayo!

PisLabEnRaknRol

Wednesday, May 28, 2008

Asian Poker Tour

Asian Poker Tour sa Dusit Hotel. Dami onaks dami pinoy pero tangina dami Koreanong mababaho. Dami din celebrity that time pero isa sa mga favorite part ko eh yung tumulong ako sa isang promoter ng Philippine Poker Tour para sa signature campaign nya in exchange of Picture at PPT Buttons at syempre konting pacute. above is our photo (Tangina magang maga ang mata ko dahil wala ako tulog since nagtrain pa ako ng newbies nung gabi before the event)

Thursday, May 22, 2008

Mahaba-habang Kwetong Pampublikong Sasakyan...

Sa totoong buhay mas gusto ko talaga ang magjeep at magbus kesa magkaroon ng sariling sasakyan kahit tumaas ang pamasahe. Naiirita na nga ang tatay ko dahil binigyan ako ng kotse pero di ko naman nagagamit sya pa rin ang nagmamaneho hehehe. Ndi ako takot magmaneho dahil naitatakas ko rin naman ang sasakyan paminsan minsan. At isa pa mas gusto ko yung mga naeexperience ko sa jeep at bus. yung sa mga regular readers ng blog ko nabasa nyo naman siguro ang tungkol sa havaiabang sa mga hindi pa nakakaalam punta kayo sa mga old blogs ko at mababasa nyo duon. Anyhow, mas maraming exciting na nagaganap pag sumasakay ako ng mga pampublikong sasakyan... andyan yung me mga nadadapa nauuntog at iba pang mga nakakatuwang pangyayari andyan din yung me makakasalubong at makakasabay ka na magandang tsiks tas iaabot mo yung bayad at sasabayan ng mga ngiting pacute... naks! pero yung eto ang mga talaga namang favorite ko


1. Ang mga lalake pag nagbabayad eh kelangan modulated ang boses "mama bayad po oh" or "mama bayad daw" at kala mo galing sa malalim na hukay ang boses nakampating talaga.

2. Yung mga nagpapagpag ng upuan ng jeep at bus, di ko talaga magets kung bakit kailangan pagpagin pero dahil nagresearch ako eto ang napagalamanan ko ayun sa survey... pinapagpag daw nila ang upuan kasi baka daw magka STD sila. namputa naman nakukuha pala sa upuan ang STD. yung iba ang sabi dahil daw babalisawsawin... pero eto ang matinding dahilan bakit nila pinapagpag kasi daw nakita nila sa iba kaya ginagawa din nila.. mga pinoy talaga.

3. yung mga inaantok, nakakatawang pagmasdan yung mga antok na antok na pasahero na parang manok lang na tuka ng tuka pero ang pinaka klasik dun ay yung pag nagugulat sila at parang nahulog yata sa mataas na building at pag nagising sila eh nandidilat ang mata parang hindi alam kung asan sila. Minsan meron pa yung nababali yung leeg at gagawing unan ang balikat mo pero ang hindi happy dun eh yung me kasamang tumutulong laway.

4. yung mga babae na nagtatakip ng likod nila pag bumababa ng jeep. Taena susuot suot ka ng hanging shirt tas mahihiya ka na makitaan. pathetic di ba? pero eto lang naman yung mga naiisip kong rason bakit tinatakpan eh. Una nahihiya sya na makita yung buttcrack nya na maitim or me galis, pangalawa ayaw nya makita na ang suot nya na panty eh yung parang panty ni lola yung kulay beige tas malalaki hanggang pusod yata ang garter. last but i bet not the least eh ayaw nya makita na nakacommando sya... commando walang suot na panty kaya ready to fight. isa lang naman ang gusto ko sabihin dito eh... miss ndi kami naaarouse sa sa garter ng panty at sa buttcrack mo maitim at dahil panget ka ndi ka namin pagiinteresan. well unless you're cute at nakacommando ka...

Pero kung meron mga nakakatuwang eksena marami rin naman yung mga nakakairita minsan mas marami pa yung nakakairita eh

1. yung mga nagsusumiksik sa dulong upuan ng jeep tas makikiabot lang ng bayad. Ok lang naman makisuyo eh pero nakisuyo ka na nga ndi pa nagpasalamat parang sya pa ang pribilehiyo mo pa na ibigay ang bayad nya parang reyna or hari lang shet!

2. yung mga lalakeng nakabukaka kahit gaano na kasikip ang jeep kailangan talaga eh malaki ang pagitan sa hita nya tangina parang ang laki ng itlog malamang ga alatiris naman.

3. yung mga babae na ayaw umupo ng diretso at kailanang nakatagilid talaga. tas pag siniksik mo eh sila pa ang galit at me kasamang palatak pa! taena kung ayaw nya masiksik eh di magtaxi eh malamang naman kaya sya nagjejeep dahil mahirap din sya.

4. yung mga nakahawak sa handrail tas yung siko eh nakatutok sa mukha mo, ndi ba nila napapansin na nakakairita yung siko nila at pwede naman iadjust ng konti di ba.

5. yung mga inutil na maluwag pa pero ayaw sumiksik ayaw yata madikitan ng ibang tao taena nagyayaman yamanan nagjejeep din naman.

6. yung mga pasaherong amoy sunshine and kaboom bread or amoy araw at amoy putok. Tangina eto yung pinaka ayaw ko yung ang lakas talaga ng putok ng katabi mo yun bang me kurot sa ilong parang naiiwan yung amoy sa balat mo... yun bang pagbaba mo ng jeep himasin mo yung pilik mata mo at subukan mong amuyin eh amoy putok na nung katabi mo. nakakahilo talaga.

Pero kahit maraming nakakabwisit eh masaya pa rin naman ang gumamit ng pampublikong sasakyan mas mura mas masaya...

PisLabEnRaknRol

Tuesday, May 20, 2008

Usapang Lalake...

Kung sa tingin nyo alam nyo lahat ng pinaguusapan ng boyfriend nyo at asawa nyo habang hindi kayo kaharap well nagkakamali kayo. Ganito ang usapan ng mga lalake pag walang babae na kasama... Si Lalake 1 me asawa si Lalake 2 me asawa rin, si Lalake 3 binata, at si Lalake 4 ikakasal na. WARNING: ADULT CONTENT- if you are easily offended by this topic pls close this blog and pretend to be a moralistic idiot...

Naglalakad ang apat palabas ng opisina.

L1: Tangina ang daming trabaho ngyon
L2: Oo nga dami inuutos ng amo nyo
L1: Pffftt...amo mo rin yun eh
L4: Wahahaha
L3: (Tahimik lang)

Me babaeng maganda na dadaan...

L3: hot nun men oh
L1: Oo nga tangina ng puwet yan bilog na bilog
L2: kaya lang sulit eh
L4: Anong sulit?
L2: Eh di suso maliit
L1: tangina parang pantal lang eh
(lahat tatawa)
L2: Men ndi naman ga pantal, parang itlog naman...
L3: oo itlog pero sunny side up.... wahahaha

tahimik lang... me dadaan na maganda ulit
L1: (pasigaw) ayun yun eh oh...
L2: (kakanta) how sweet it is to be loved by you...
L4: ang lupit nun oh.... parang ang sarap banatan
L1: tanginang yan ihi lang pahinga sa akin nyan
L3: oo ihi ang pahinga me boso pang kasama
L1: pero parang palaban eh... parang buong ilog mo isusubo
L3: oo buong itlog mo isusubo paano parang alatiris lang... wahahaha!
L1: ulol mo pak yu!
L3: di ba nga me motto ka... maliit man at pangit sa paningin nakakabuntis pa rin
L1: ayun pa ang isa oh... laki ng balakang sarap patuwarin tas hawak mo sa balakang tas papaluin mo pa yung pwet...
L2: oo tas dalawa silang babae men... sarap nun
L3: tangina threesome ayus yun
L4: pero ayaw ko ng 3 some dalawang lalake tas isang babae... magiispadahan kayo nun
L3: oo masarap dalawa tsiks men tas papanoorin mo lang sila muna
L1: lam nyo ba yung massage parlor sa me e-rod dude pwede 2 kunin mo babae ganun din room rate = to extra service.
L3: ayus alam na alam ah
L1 di naman porket alam ko na walang gravity sa moon eh kailangan nakapunta na ko sa buwan
L4: ulol umamin ka na... pero ako di ako magbabayad para lang kumantot.. gusto ko ako babayaran wahahaha!
L1: oo magababayad sayo bading tangina tas ikaw titirahin sa pwet! wahahaha
L4: di na uy virgin pa ko dun
L3: mukha mo di ba dinadate mo yung isang kaopisina nating bading? wahhahaha! niyari ka nun sa pwet eh
L2: pero nakayari na ba kayo sa pwet? tangina dati kumana ako sa pwet eh ganun din naman parang pekpek din
L3: tanginang to namakla ka? yuck boy wag ka lumapit sa amin
L2: pak yu!
L1: men men ayun yung chick naka tback oh....
L2: oo nga ganda ng pwet men
L4: mukhang maganda eh... teka sipatin natin.(maglalakad ng konti para silipin ang mukha) hayop boy hiponesa! tanggal ulo kain katawan! waahah
L3: tangina dating me titi yan
L4: alam na alam mo ah.... mukhang sanay ka sa mga ganyan ah
L3: ulol mo...
L1: lam nyo ba yung bagong cover ng FHM? di ko gusto fake yung boobs
L3: eh sino naman nagsabi na gusto ka nya?
L2: tanga pag tumuwad sa harap ko yun tatadyakan ko saka ko duduran
L3: mais ka!
L2: Oo tatadyakan ko para tumuwad tas duduraan ko para dumulas... wahahah!
(tatawa ang lahat)

example lang po ito kung paano magusap ang mga lalake araw araw. wahahaha!

Tuesday, May 6, 2008

walang maisulat...

Sa totoong buhay ang dami kong gustong isulat...ang daming humahalukay sa isip ko sa mga oras na ito. Ang tagal ko ng walang blog. Di ko alam kung anong uunahin ko. Minsan sa jeep or sa MRT habang papasok ako ang dami pumapasok na ideas na nakakainis, nakakatuwa, nakakagalit at nakakalungkot. Gusto kong makuha ang emosyon ng mga mambabasa ko since karamihan ng friends ko sa blogsite ko eh mga babae. Pero sa kadalasan ang pumapasok sa isip ko eh mga topic na panglalake na alam kong ndi maeenjoy ng karamihan sa mga mambabasa ng blog ko, dangan ay kailangan kong ifilter at iconvert ang topics na pwede sa mga babae... Pero isa lang naman ang totoong gusto ko mangyari eh... yun ay yung makapagbigay ng kakaibang emosyon sa mga mambabasa ko. Full Entertainment sabi nga. Andyan yung matutuwa sila, malulungkot, maiinis, mapipikon, at kung ano ano pa. tulad ngayon sa sobrang wala ako idea ni hindi ako gumamit ng notepad para sa blog na to. direkta na lang... Bigyan nyo nga ako ng idea na pwede kong gawan ng kwento...

Thursday, May 1, 2008

Ang Bango Bango mo

Eto nananaman me naisip nananaman ako... pero gusto ko lang ipaalala sa lahat na hindi ko gawain ang mamintas ng ibang tao. Pinahahayag ko lang ang nasasagunita ko. shhhiieeeyyyooottt ang lalim! So basically disclaimer ko na to na bato bato sa langit tamaan eh tanga. Hindi ako nakakain kagabi dahil sa sobrang pagod ko at syempre dahil late ako nagising ndi na rin ako nagalmusal. tubig lang at bula mula sa toothpaste ang laman ng tyan ko. pag dating ko sa opisina medyo nagaalburoto na ang tiyan ni artieboy hayun na nga at pagdating ng 9:10 nagpaalam na ko sa kasamahan ko na kakain ako. 2 lang kami sa shift kaya 30 mins maximum lang ang break dapat bawat tao. Taena naman kasi walang training kaya balik ako sa gawain ng isang taga suri ng deposito ng mga sugarol sa larangan ng texas hold'em poker. Habang naglalakad ako nakasalubong nanaman ako ng isang chick di naman super yung kagandahan at ndi rin kasexyhan pero me dating naman sya. Hindi yung tipong pag nakasalubong mo eh mapapakanta ka ng "How sweet it is to be loved by you...." so habang papalapit na ko sa kanya naku naman talaga ang halimuyak ng babaeng ito amoy sya.... amoy anu eh.... ummm amoy gulaman! yun bang palamig! amoy arnibal dude. nahilo ko sa amoy. iniisip ko nga kung yung bang pabango nya eh mc cormick vanilla extract or yung nabibili lang sa palengke mukha naman syang sosyal siguro mc cormick yung gamit nya nakakatakot lang baka langgamin sya sa sobrang tamis ng amoy nya.

Sa totoo lang ndi ko trip ung amoy nung chick... oo amoy pagkain pero ndi sya yummy ang sakit sa ulo talaga. Syempre sasabihin eh kasi uso yun kaya ganun yung amoy... aba uso naman pala amoy gulaman bakit kaya ndi sila magimbento ng amoy hopia yun ang terno at yun ang amoy ng yummy talaga.

Paano kaya kung ang pabango eh amoy ng pagkain? well sabagay ang bumbay amoy sibuyas na bulok eh. lalo na yung bilad sa arawan at nakamotorsiklo naku naman talaga... o sige para sosyal amoy sya over ripe red onion. ayun yun eh... Paano yung kung amoy ulam ang pabango ng chick.... miss ang bango mo amoy ka menudo, o kaya miss ano yan pabango mo amoy ka sinigang tangina ang asim nun shet! o kaya kung mayaman yung chick syempre ang pagkain nun pang hotel restau tipong amoy sya country herb meatloaf yun ang yummy pero paano kung amoy sya grilled lamb chop with rosemary and thyme? tangina ang anggo ng amoy nya nun...

Teka pag nagpapabango ka ba eh para sa ilong mo or sa ilong ng ibang tao,ako kasi pag bumibili ng pabango nagtatanong muna sa ibang tao kung cool yung amoy... kasi iniisip ko kaya ako nagpapabango eh para maamoy ng ibang tao papampam ba.... pero hindi ko lang talaga magets eh ang nanay ko pag galing ako sa basketbolan sasabihin sa akin... "ang baho mo, amoy ka tao!" amoy tao? eh ano ba ko? whew hanggang ngayon di ko pa rin ma-dig...sige hanggang sa sususnod na kwento muli