Pages

nuffnang

Sunday, June 29, 2008

Sus... Ang Panget mo Uy!

Sabi nila beauty is in the eye of the beholder... sabagay kung panget ka talaga yun na lang yung pwede mong sabihin eh. Wala namang masama sa pagiging panget eh hindi ako nagdidiscriminate ng mga taong masasama ang itsura sa katunayan lahat naman yata ng tao eh me taglay na kapangitan sa sarili... parang ako, ang kapangitan sa akin eh naging mataba ako kasi nga naman pag naging hunk pa ko eh perfect na ko nun, eh di ba sabi ni God nobody's perfect... thus binigyan nya ko ng konting pintas.

Anyhow, naisip ko lang ah... masaya rin naman siguro maging panget, kasi tahimik buhay nila, walang nanliligaw, walang karelasyon therefor mas madalas silang magdasal so mas malapit sila ke lord at mataas ang spiritual life nila kumpara sa atin kasi parang yun na lang ang pwede nila pagaksayahan ng oras and magpray at magmeditate na sana bigyan sya ng mirakulo at himala... pag panget ka mas mayaman ka, kasi di ka gagastos sa mga date, pang motmot, at iba pang activity na pang magkarelasyon. Pag panget ka mas close ka sa pamilya mo kasi sila na lang ang pwedeng magmahal ng lubos syo.... See? mas cool minsan maging panget di ba? Hindi rin yata....

Sabi nga dun sa text na nareceive ko nung unang panahon, it's not your fault if you were born ugly... but its your responsibility if you die that way... well i dunno the exact words but its something like that. Sabi ko nga ndi naman masama maging panget eh... marami akong kaibigan na ubod ng panget pero cool lang kasi tanggap nila ang katotohanan. Ang mais lang eh yung mga panget na nagfefeeling... una ang panget mo na nga nagiinarte ka pa, yun bang mga chick na pag natignan mo eh iirapan ka agad parang gusto kong sabihin... "ulol kaya kita tinitignan kasi mukha kang impakto ndi dahil crush kita!" hayup talaga sa kumpyansa ang mga babaeng to sarap kaltukan eh. Meron pa eh, yun bang panget tas english ng english sa daan? taena parang tanga lang talaga sila eh, kala naman nila eh nakukuha ang ganda pag nagenglish sya... weird!

Ndi ko pa rin magets na ang daming nagaakala na pag maputi ka eh maganda ka... ndi ko alam san nanggaling tong idea na to. take a good look at reema chanco uber sa pagkamorena pero hayup sa ganda di ba?... si LJ moreno dati nung nakita ko sya sa shangri la mall ang itim nya pero parang ang sarap yakapin at parang ang bango bango nya... parang amoy bagong ligo at amoy pulbos... Di lang yun meron akong kilala personally na maitim tong babaeng to pero hayop naman sa kinis ng kutis walang makakatawad sabi nga eh flawless... mapapatunayan yan ng kumpareng JayC ko, sayang wala syang multiply at di nya nababasa ang mga blog ko. Pero marami pa rin ang hindi naniniwala sa ideang ito ang alam pa rin nila mas maputi mas maganda ayun kaya naman limpak limpak na pera ang nagagastos nila sa produktong pangpaputla.... papaya soap, bleaching soap, gluthathione, pati na nga yata agua oxinada at clorox eh sinubukan na nila para lang pumusyaw ang kutis... eto pa masdan nyo mabuti ang mapuputi na yan, masdan nyo yung mukha kung pantay sa leeg at braso karamihan kasi eh mukha lang ang mapuputi pero ung balat naman dyusko parang isda eh.... kasi me kaliskis na sila. nakukuha sa chin chan su... meron akong kaopisinang ganito ang tawag nila eh bridgette.. tinanong ko bakit bridget? kasi daw bridget fonda... so bakit bridget fonda eh hindi nya naman kamukha yun? kasi daw puro foundation sa mukha... naknampatis talaga oh. pero sa totoong buhay nga naman tong babaeng to eh hindi pwedeng ngumiti kasi mabibiyak yung makapal na pulbos na ginamit sa mukha... gusto ko nga irekomenda sa kanya yung pulbos na ginagamit pagnagtatiles ng banyo eh naku effective yun pangpaputi... white cement yata tawag dun eh. taena maputi ka nga ang itim naman ng kili kili mo... me buhok buhok pa... shet talaga major turn off talaga yun.

Wala naman masamang maging panget eh... my point here is wag ka ng maginarte magfeeling at magsuplada, panget ka na nga sama pa ng ugali mo... di ba dapat pag panget mabait ka dapat kasi yung bait na lang ang mamahalin ng tao sayo. panget na nga panget pa ng ugali.... lam ko na tawag sayo... halimaw! Whahahaha!

Monday, June 23, 2008

Eh masakakit talaga yun....

Nasaktan ka na ba? Ako oo, lahat na yata ng sakit na pwdeng matanggap eh naranasan ko na. From physical pain to emotional pain eh natanggap ko na rin lalo na yung sakit sa bulsa... naku hindot eto ang pinakamahirap gamutin sa lahat yet hindi ito ang pinakamasakit

Pinakamasakit talaga sa lahat eh yung iwanan ka ng taong pinakamamahal mo mapa girlfrend, boyfriend, pamilya, kaibigan, o kahit na yung hindi mo gaano kakilala... Ang hirap di ba? Minsan nga sa sobrang tindi di mo na alam saan mo pupulutin yung sarili mo. Hindi ka kasi handa, hindi mo matatanggap na mawawala na sya... Grabe yung kirot nito bawat oras na lumilipas para kang dinudurog... bawat minuto parang tinatarak yung puso mo tuwing maaalala mo yung tao na yun pero wala na sya ndi na pwedeng ibalik yung iba umaasa pa rin kahit habang buhay yung iba sumusuko na lang...

Lahat na yata ng tao napagsabihan mo na ng nangyari sayo, pero parang wala pa rin... kasi nga masakit. Lalo na pag yung mga di mo talaga inaasahan mangyari... yung bang sobrang saya mo ngayon kasama yung tao na pinakamamahal mo tapos sa isang iglap eh biglang masisira ang pagsasama na hindi mo alam kung bakit. ang hirap makabangon sa ganung sitwasyon. Minsan nga sa sobrang sakit ang tanging magagawa mo eh ang tumulo ang luha mo at isiping "ano ba ang naging kasalanan ko? ano ba ang pagkukulang ko?" pero kahit matapos ang buhay mo sa mundo... eh hindi mo pa rin maisip ang rason kung bakit kayo nagkasira. nandyan na manghihinayang ka... magsisisi... at kung ano ano pang emosyon ang papasok.

Pagkinuwento mo yung pangyayari sa ibang tao magaadvice sila pero kahit gaano kaganda yung abiso sayo nung tao na yun ndi pa rin akma sa nangyari sayo... kahit sabihin nila na naiintindihan kita parang mas nakakalungkot lang lalo isipin kasi nga sa totoong buhay ndi ka nila maiintindhihan kasi ndi nila naranasan yung pinagdadaanan mo ngayon maaaring me pagkakahalintulad pero iba pa rin talaga eh

Oo ako nasaktan na rin ako... maraming beses na. pero salamat na lang at nakayanan ko yung sakit. kasi siguro nandyan ang mga kaibigan ko na handang umintindi sa akin at ang pamilya ko na laging sumosuporta sa lahat ng aksyon at desisyon ko sa buhay. haay... minsan ang lupit talaga ng tadhana. wala naman tayong ginagawang mali sa buhay pero tayo pa yung nasasaktan... minsan nga nasasabi natin sa sarili natin, tangina yung iba nga mga patapon na yung buhay at walang ng puso bakit hindi sila yung makaranas ng sakit ng nararamdaman ko ngayon? hanggang sa sisisihin mo na ang sarili mo at pati na ang diyos idadawit mo at sasabihin mo na " ang lupit mo lord, bakit ako pa ang pinili mong masaktan?" na nakalimutan na nating magpasalamat sa mga natanggap nating magagandang bagay... ironic di ba?

"Masakit ang ginawa nya sa akin... kelangan maranasan nya rin to!!!" Eto yung common dialogue ng karamihan ng nasasaktan. gusto gumanti. Injustice nga naman yung nangyari. Funny lang kasi kahit anong higanti natin, in the end tayo pa rin ang talo. Una walang satisfaction ang pag ganti... oo nasaktan mo na yung tao na nakasakit sayo pero gusto mo pa na mas masaktan sya. hanggang sa walang katapusan na yung galit

Pero isa pang nakakatawa eh, bakit pag tayo ang nakakasakit ng damdamin ng ibang tao eh parang wala lang? " Eh ano naman ngayon kung masaktan ko sya? Ok lang yan makakarecover din sya!" Again guilty ako dito sa point na to... ilang beses na ko nakasakit ng tao. Meron na ko napagsisihan at me mga pinalagpas na pangyayari. Siguro gagawmitin ko tong pagkakataon na to na Magsorry sa lahat ng nasaktan ko.

Ewan ko ba... pero masyado lang ako naaapektuhan ng mga nangyayari sa paligid ko... Para sa mga kaibigan ko na nasaktan, nasasaktan at kung masasaktan man, tandaan nyo na lang na nandito lang ako kung kelangan nyo ng makakausap at ng karamay. Ü

Wednesday, June 18, 2008

Ang mga Pangarap kong Jackpot

Bata pa lang ako marami na ko pangarap sa buhay... well sino bang walang pangarap? Una ko nangarap siguro nung mga 3 months old ako, dumedede pa ko sa nanay ko nun, simple lang naman ang pangarap ko nun eh yung makadede sa kapitbahay naming magandang dalaga tas malaki yung boobs, pero nung mga panahon na yun eh wala pa palang gatas yung dalagang yun... sigurado maaarouse lang yun so sya lang nakinabang, buti sana kung tuli na ko by that time di ba?

Pero seriously, marami talaga kong pangarap... grade 2 ako ng magserve ako sa parish namin, bilang knights of the altar at dahil duon eh nangarap ako na maging isang pari... oo maniwala ka, pangarap ko talaga maging pari nung bata ako. dahilan sa ang tawag sa mga pari ay Father, inakala ko na yun yung english nun kaya naman nung tinanong ako ng kapwa pulis ng tatay ko ng english, "Artie, what do you want to be when you grow up?" ang sagot ko na lang eh "Sir, I want to be a father..." Inakala tuloy ng mga kapwa pulis ng tatay ko eh sa murang edad ko eh gusto ko ng umiyot ng maraming babae para maging tatay agad... Eh ndi pa nga ako marunong mag mariang palad nun di ba?!

Hanggang college ako akala ko talaga magiging pari ako, nasa loob na ko nun ng seminaryo pero pinalabas ako kasi daw bawal ang mga gwapo dun nababading ang mga seminarista. Pero other than that ayaw ko na rin talaga pumasok kasi hindi nila tinupad yung pangako nila na sabay kami maliligo ng mga madre at tabi kami matutulog... tsk too bad so sad... Naku taena baka tamaan ako ng kidlat dito umuulan pa naman. So kung itatanong nyo bakit ndi na ko natuloy sa pagpapari isa lang masasabi ko... Masarap ang ovenfresh na luto ni God... mainit init at greaseless pa.

Pero hindi dahil ndi ako naging pari eh mafufrustrate na ko at ndi na magtutuloy ng pagaaral... nakagraduate din ako sa course na "of", "golf" at nagmaster ako sa course na "inter" so after graduation narinig ko yung kanta ng apo hiking society na blue jeans at gusto ko na magpakamatay lalo na nang marinig ko yung lyrics na "sige sige kayod sa eskwela at balang araw makikita mo, pagkatapos ng iyong paghihirap di ka rin makakahanap ng trabaho..." naku hindot talaga! Akala ko magiging manager na ko ng pinakasikat na KTV Bar or Massage Parlor sa Pilipinas... hidi pala ganun kadali makapasok dun. Naisip ko tuloy gusto ko maging Pulis parang tatay ko, pero gusto ko mag PNPA ako ndi yung pulis pulisan lang no offense sa mga pulis na mababa ang position, pero mababa rin kasi ang sweldo nila kaya ayaw ko. So pag PNPA ako mas maganda ang systema nila mas mataas ang position mas mataas ang sweldo akalain mo na training ka pa lang eh sumusweldo ka na ng 20K isang buwan... imagine kung magkano yun kumpara sa ngayon. Pero hindi yun ang pinka core ng pangarap ko, Gusto ko talaga magpulis para maging hoodlum since opisyal ako ng pulis madali na ko magkakaroon ng access sa drug trafficking, gun smuggling at white slavery or prostitution. Pag naging masamang loob na ko madali akong yayaman, pero hindi nagtatapos yun magtatayo ako ng bar restaurant business tas sa likod nung restau ko gagawin ang mga illegal so hindi ako matatanong ng BIR kung saan ko nakukuha ang limpak limpak na salapi ko at pag mayamang mayaman na ko gagawa talaga ako ng legal na negosyo at pag marami na sila titigil na ko sa pagiging hoodlum at magreresign ako bilang pulis. Pero hindi natuloy yun, kasi sabi nga ng tatay ko, "Tangnamo! Ndi nga kita ginugulpi dito sa bahay tas sa ibang tao papagulpi ka?" Sweet na sana eh, kaso me tangnamong kasama.... shyet! Pero isa pa ayaw ko rin talaga kasi napabalitaan kong yung mga pulis daw na nasa PNPA eh pinagshoshow ng mga superiors nila tangina, baka ako ang mapili tas yayariin lang ako sa pwet!? di na no! magkamatayan pero ndi ko papagalaw to sa kahit kanino...

So basically ndi natuloy yung pagiging pulis ko... napunta ako sa call center, ang account ko nun eh pasig-quiapo, call center yun kasi kami ang taga tawag ng pasahero...barker ako nun eh.

Pero naisip ko lang... kung naging babae ako mayaman na siguro ako. Kasi ang gagawin ko magiinvest ako para maging maganda ako at maging sexy pero ndi ako magmomodel at magaartista konti ang kita dun eh... mageescort service ako, pero ndi ordinaryong PSP or personal service provider, Big time escort ako, dun ako magseservice sa mga politicians or big businessman... pero ayaw ko ng matanda dapat mga up to 35 years old lang... tas eto ang catch, i'll provide service pero walang sex. I'll just provide them a good company sabi nga eh i will provide the best GFE or Girlfriend Experience. Lalandiin ko lang tas yun na pero syempre ndi naman ako ipokrito baka kasi maarouse din ako syempre makikipagsex din ako pero sa piling tao lang... i will call them the regulars. san ka pa nasarapan na ko, kumita pa ko ng limpak limpak na pera... sarap di ba?! well siguro kaya ako ndi ginawang babae ni God kasi dahil sa plano ko na to. hehehe! Ang talino talaga ni God noh?!

Pero sa totoong buhay pakiramdam ko nakuha ko na yung gusto ko talaga paglaki ko... gusto ko talagang mag turo. since high school pa lang ako eh nagtuturo na talaga ako sa mga bata dahil sa katesismo. totoo yun dati akong katekista at nagustuhan ko yun... at nalaman ko na bokasyon pa la ang pagtuturo. Una kong trabaho eh nagtuturo ako wag nyo ng itanong kung ano itinuturo ko pero hindi yun kalokohan... Matino ako dati at sa ngayon isa't kalahating taon na ko na nagtatrain dito sa kumpanya ko ngayon at masaya ako...

Pero sabi ko nga umaandar ang panahon at marami pa kong pangarap... Ndi naman masamang mangarap eh, libre lang nga ito eh kaya nga inaabuso ko!

Monday, June 9, 2008

Pornograpiya Kasaysayan at Sibika

Warning: Adult Content - The following blog contains vivid expression of explicit sexuality and nudity and may be offensive to some readers. Therefore, readers discretion is advised

Malamang sa lamang eh, pagkakita pa lang ng Title ng blog na ito ang magiging reaksyon ng mga mambabasa ay "eeeewwweee....its so kadiri huh (kolehiyala accent)" since karamihan sa mga nagbabasa ng blog ko eh mga babae at dalagang filipina... right(insert sarcasm here)... Sa mga dalaga at NBSB or No boyfriend since birth, ang unang itatanong nila, bakit nga ba kailangan manood ng porn? sa me mga boyfriend at nagkaraoon na ng boyfriend, kasama na rin ng me asawa yung iba alam nila ang dahilan bakit nanonood ng porn ang kalalakihan yung iba naman hanggang ngayon eh nagtataka pa rin. Kung sabagay ano ba nga naman ang mapapala sa "kabastusang" video na ito?

Ang lalake kasi ay more on visaual pagdating sa erotic arousal or stimulation, meaning mas naaeL ang lalake pag meron nakikita or napapanood. di ba kayo nagtataka kung bakit naimbento ang mga bar na me nagsasayaw ng hubad, pero pag girlfriend na or asawa or kahit karelasyon (kabit) ng lalake ang nagsayaw ng hubad, maniwala kayo sa akin...tangina SUPER AWKWARD! Naitanong ko na to sa karamihan ng lalake at based sa statistics ni Tiboy, karamihan sa mga nakaexperience na sayawan sila ng asawa, gf or karelasyon (kabit) eh hindi talaga bagay. Papasok pa rin kasi ang respeto...

Ang sabi ng ibang moralista, kababuyan yang porno na yan, well sabi ko naman "they are entitled to their wrong opinion" normal lang naman ang manood ng porn eh, wala akong makitang masama sa kanya sa katunayan malaki ang naitutulong nya sa relasyon. sa tingin nyo ba kung hindi nanonood ng porn ang boyfriend, asawa at kabity nyo eh matututunan nya ba lahat ng mga position at techniques na ginagawa nya... syempre hindi! kung hindi nanood ng porn ang lalake eh baka sa pwet ng babae nya maipasok yun o mas masama eh baka sa ilong nyo nya ipasok. Oh di ba maraming kapakinabangan sa porno. Hindi rin naman gusto ng babae na hihiga lang sya at papatong ang lalake at parang itik lang na tutuka tuka at tapos na? Parang action films lang, corny kung isang scene lang yung me labanan.... mas enjoy pag iba ibang pwesto... iba ibang paraan.

Hindi naman gusto ng lalake na maglagay ka ng chin chan su sa mukha maginstall ng red light sa kwarto nyo at magsuot ka ng ten inch clogs or pumps... at sumayaw, gumiling sa tugtog ng "dont you know that we both belong... dont you know that we will last forever..." ndi rin gusto ng lalake na makita ka nga na parang pornstar pero ndi ka naman nageenjoy. Oo its a fantasy na magkaroon ng pornstar experience, pero kaya nga fantasy di ba kasi ndi mangyayari... masaya na kami ng napapanood ang mga pornstars ang gumagawa nun. Oo you want to fulfil your bf, husbands, kabit's fantasy kasi mahal mo sya... pero its not always the case na gusto namin kayo gumawa nun...

Maraming klase ng porn sa totoo lang, softcore, hardcore, fetish porn, amateurs, gonzo at kung ano ano pa... pero again these movies, literatures, at any type of media eh still consider as art.... kung itatanong nyo kung paano naging art ang sagot ko dyan eh ewan basta alam ko at sabi sa akin eh art daw sya kaya nawili ako. pero ndi ko masasabi na pervert ako, pinupulot ko lang yung mabuti at tinatapon ang masasama.

Grade 3 ako nung una ako nakapanood ng porn di ko malimutan ang title nya, gypsy ball. at simula nun nangarap ako maging pornstar, pero sa totoo lang naranasan ko na yung feeling ng maging pornstar ndi sya masaya... at pagkatapos nun naisip ko na ang pangarap ko sa buhay eh makapagproduce ng porn movies at website parang bangbros at reality kings... haaay! magiging milyonaryo ako nun for sure....

Note: pustahan walang magcocomment dito parang kunwari wala silang interest basahin since tungkol ito sa porn...Bwahahahahahah! Dont worry you're secret is safe kung sino man ang mga nagbasa....

Wednesday, June 4, 2008

Sinuka....

Prologue
Sa mga sumusubaybay sa blog ko, halos 2 linggo na akong walang kwento puro snippets lang ng mga naiisip ko at nangyari sa buhay-buhay... Gusto ko talaga isulat yung mga nanduon sa listahan ko (see Blog Break) pero ang dami daming pumapasok sa isip ko na gusto ko pang gawan ng kwento. andyan yung tungkol sa itsura ko ngayon, yung katawan ko bago ko pumasok sa kumpanyang ito, yung pagiging makinis, maitim, maitim at maputlang kutis, yung tunkol sa mga geek ah basta marami pang iba kaya abangan na lang....

Ang Totoong Kwento

Ang daming nagtatanong kung sino daw ba talaga ako... karamihan kasi sa mga nagbabasa dito eh mga online buddies lang. Sa totoong buhay marami akong ginampanan dito sa mundo ng blog naks parang si Christopher Deleon lang. Bata pa ko nung nagsimula akong magsulat ng blog siguro mga 6 months ako nun pagkatapos ako padedehen ni yaya (parang ang sagwa pakinggan?!) nung nauso ang blog ang gamit pa nun eh notebook na mas kilala sa pangalang journal or diary... So to protect my anonymity gumamit ako ng mga alter ego.

1. Si young_shakespeare23- Isang Techie person almost nerdy na walang experience sa pambababae computer lang ang kasama nya palagi at ang bespren nyang si Mary ang apelido Palmer (ang magtanong kung sino si Mary eh tatamaan ng kidlat) alam nya ang lahat, kasi all knowing sya kahit di nya alam eh alam nya pa rin kakwentuhan nya si ernie barong nung nabubuhay pa"knowledge power!" kahit ano itanong mo eh me sagot sya. sa madaling salita nagmamarunong kaya walang napala....

2. brokenangelwings - isang uber romantic na tao na too good to be true sya para sa mga babae, well at least sa isip nya lang. Napakagentlemanyak... napaka-galang, mabait, matulungin, sweet and caring sa mga babae, walang malisya, bale wala ang sarili basta para sa babae... in the end walang pa rin nagkakagusto kasi boring...wahahaha! Looser sa madaling salita!

3. Si Paulo - Lalakeng lalake, matipuno, malaki ang pangangatawan. Adventurous, mayaman, mataas ang kumpyansa sa sarili... pag inaya mo kahit saan alam ang diskarte...Sabi nga nila he's every guys dream to be. eh kaso iniwan ng gelpren ng mahabang panahon... ayun nagsulat ng mga love stories at mga kung ano anong kwentong punong puno ng masalimuot at madramang kwento... its so depressing its almost gay! shet talaga!!!! ndi pang rak en rol!

4. Si Kumag - isang lalake na masipag at matiyaga na sinuwerte sa buhay. Trabaho: Sa umaga Sekyuriti Gard sa isang construction site...me sideline na yosi kendi at diyaryo... at sa gabi naman eh manager sya... floor manager sa isang KTV bar at sa harap ng bar eh me sideline sya na balot, penoy, chicharon, condom, kendi at yosi. at pag me okasyon sinasamantala nya para magtinda ng kung ano ano halimbawa, flowers na binili sa dangwa pag valentines day. Since napakagwapo eh lahat tuloy ng GRO eh gusto sya matikman at gahasain at dahil dun sinamantala nya ang pagkakataon eh gagamitin sya ng GRO pero sya ang babayaran... sabi nga ni byenan ni Lumeng eh... Wais! At dahil na rin duon eh nagkaroon sya ng bahay at lupa sa ayala alabang at nagka laptop pero ang internet connection nya ay hacked lang ng mga nagkalat na wireless

5. Si Artie- isang matabang lalake na naghahanap ng trabaho at nauwi sa pagkukutkot ng bubblegum sa ilalim ng upuan ng mga silya ng lumang sinehan... yun lang well corny talaga to kaya ndi sumikat eh... ni walang nagbasa ng blog na to...

6. Si Artie yung savvy guy na babaero na sa call center nagtatrabaho... kung ano gusto nya masusunod. Isa ring gentlemanyak and he knows how to stir womens emotion kaya napapasakamay nya lahat. madali sya magsawa at pagnakakita ng pintas eh ayaw nya na sa babae... Isa lang ang natagalan nyang babae yun yung nanay nya na kinatatakutan nya.

Pero sino nga ba talaga ako.... ano ba ang buhay ni Artieboy? ah... its for me to know and for you to find out! tanong tanong ka lang dyan....

~PisLabEnRaknRol!~

Monday, June 2, 2008

Naisip ko lang...

...There's a thin line between pleasure and pain...

...At aminin man at hindi ang tao mas nasasaktan mas nageenjoy...

...This is true figuratively and literally...

Namiss ko magblog ng kwentong barbero... keep posting and visiting my site... tas kung me time kayo write na rin kayo sa guestbook ko... Salamat!