Pages

nuffnang

Thursday, January 29, 2009

Basta Kalbo Gwapo

Apat na taon... Oo Apat na taon na akong kalbo. Maraming klase ng pagiging kalbo kung oobserbahan nyong maigi. andyan yung parang kalbo lang o yun bang pwede mo pa rin sabunutan sa pamamagitan ng dalawang daliri at pwede pang lagyan ng konting style, kilala to sa tawag na tres o kwatro ang isang example ng kilalang celebriti na me ganitong klaseng buhok eh si Mark Abaya na bokalista ng kjwan at si Mark Herras. Ang mga lalakeng me ganitong klase ng hair-do eh nagsasabi na hindi pa nila kayang makita ang sarili nila na wala talagang buhok gusto pa rin nila na nakikita ang sarili nila at malaman nila na me buhok pa rin sila. Meron naman na tinatawag na dos or uno meron pa rin makikitang itim sa tuktok nila at kadalasan ginagawa ito para lagyan ng kaunting style pa rin ang buhok, kung nakakakita kayo ng kalbo at parang me zigzag sa gilid or guhit eh dos ang buhok nila kilala ang mga me ganitong klaseng gupit eh yung mga basketball players na nagpapapogi lang at hindi naman magaling. meron naman yung me buhok na uno eto yung kalbo talaga or semi kal kung tawagin. me kongting itim pa rin sa tuktok pero kita na ang anit ng mga lalaking me ganitong klase ng gupit. Madalas mong makikita ito pag summer at madalas mo rin makikita to sa mga basketball player sa mga lansangan at mas madalas ito sa mga taong hiphop at negro Ngayon naman yung zero ito yung kita mo na talaga ang anit ng lalake wala ka ng makikitang buhok sa mga ito bukod sa mga marka ng pinagtubuan ng buhok sadsad at sagad ang pagkakalbo sa mga lalaking to kilala sa tawag na skinhead. kung napanood nyo ang american history X yung mga lalaking puti dun eh ganito ang buhok nila. Meron naman yung shaved eto yung pagkatapos iiskinhead yung buhok eh ishashave pa ng barbero gamit ang tubig at ang labaha nya. wala kang makikitang marka ng buhok dahil nga shaved hellloooo.... Kilala si Mr. Clean sa ganitong klase ng buhok.

Panot ito yung mga lalake na sobra ang kanilang hormones kaya mas maaga silang nauubusan ng buhok. Sila yung mga lalakeng sobrang taas ng hairline eh umaabot na sa gitnang ulo. Sabi nga ng tito ko malalaman kung gaano kagaling ang lalake sa pagdive down there base sa pagkapanot nito. pag harap napapanot di daw magaling kasi daw ang sabunot ng babae eh para ialis ang ulo ng lalake sa down there nila. Pag sa gilid naman daw eto yung mga expert divers lang kasi kinakaskas pa ng babae yung ulo for more pleasure so kulang pa sa experience Pag sa tuktok naman daw eh eto daw yung mga Master divers na kasi eh talaga naman daw sinusubsob at idinidiin at parang ayaw ng pakawalan pa ng chick yung ulo ng lalake for more more more.... aaaaiiiiii. Well kwento lang naman to ng tito ko to justify yung pagkapanot nya.

Di ako napapanot at sa katunayan eh malago ang tubo ng buhok ko salamat sa genetic na namana ko sa aking ama. pero mas gusto ko talaga ang kalbo. Either zero lang or shaved ang buhok ko, kung itatanong nyo kung bakit eh ang sagot ko lang dyan eh hindi ko talaga alam pero nasanay na ako sa ganitong itsura. Pati ang nanay ko concern sa akin pag tinutubuan na ako ng buhok at gusto nyang ipakalbo ko ulit. Nagsimula to nung nasa teletech pa ako yung isang chick dun sabi mas gwapo daw ako pag kalbo... ayun nagpakalbo ako at nainlove sya sa akin ng 4 mos tas after naghiwalay din kami.

Ang tagal ko na palang walang buhok... me lumapit nga sa akin hinimas himas ang ulo ko parang manok tas sinabi... "lam mo sa tingin ko mas gagwapo ka kung me buhok ka lalo na yung me konting Gel"... sabi ko, "Tangina mo wag mo nga ako hawakan! Tarantadong to!!! Hindi kaya kita kilala Gago!!!" Tanginang taong grasa yun gusto kong silaban eh hayup...

Ang magbasa ng walang comment makakalbo!

No comments: