Pages

nuffnang

Sunday, January 25, 2009

Kala nyu Kayo lang?! Ako din Nuh!?

Usong uso ang kamera na malalaki at me malalaking lente na iniikot ikot. Mapa Coño at mapa jologs eh meron nito. Ako wala pero parang gusto ko magkaroon nito hindi dahil gusto ko magpipicture. Gusto ko magkaroon kasi Nakakatawag pansin sya. Eh alam nyo namang lahat na isa akong flirty attention whore. Syempre pag me gadget ka na ganito sikat ka, sasabihin sayo ng mga tao... "wow potograper... parang sa mga binyag, kasal, kumpil, luneta, graduation at class picture lang..." Natatandaan ko dati ang mga me dala ng malalaking camera eh yung mga matatandang napapanot nakapolo sira ang sapatos na naka brown pants at naka aviator shades at pag kinodakan ka eh sisingilin ka ng 25 pesos para sa kopya.

Nagtanong tanong ako kung magkano ang Kamera at napagalaman ko na medyo mahal pala sya... nagdadalawang isip ako kung bibili ako. Una pag ako me hawak ng camera malamang eh mawawala ako sa mga group picture, kung mapasama man ako eh bihira lang dahil sa presyo nito eh parang hindi ko kaya ipahawak sa ibang tao.

Napansin ko din na karamihan sa mga taong me ganitong klaseng camera eh pinapakuhaan ang sarili nila sa ibang tao na me ganung klaseng camera. Ang astig tuloy ng dating kaya parang nainggit ako... At dahil sa dakilang inggitero ako, ginaya ko ang mga taong me ganitong klaseng picture gamit ang telepono ko na pwedeng kamera. ÜÜÜ




No comments: