Pages

nuffnang

Friday, January 2, 2009

Masarap Masakit Magulo ang Magmahal


Sabi ko nga sa mga naunang blog ko, kung me pinakamasarap maramdaman sa buhay yun yung magmahal at mahalin. Kagabi umalis kami ng tropa ko nagpalipas ng masalimuot na linggo sa araw ng bakasyon kasi nga dahil me trabaho pa rin. Habang nagkukwentuhan kami naramdaman ko yung pagbabago ng mood me nagiba sa ihip ng hangin para sa kaibigan namin… syempre nauwi sa usapang puso… tangina talaga nagagawa ng pagibig. Yung pinakamatikas, pinakamabangis, at pinakamalupit na tao napapalambot… to the point na parang batang uhugin. So nagkwento na nga sya… habang sinasabi nya yung istorya, unti unting gumagana ang utak ko at napagiisip… Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya, matatawa, maiinis o kung ano man… Eto yung storya nya.

Kinuwento nya sa amin ang nangyari sa kanya ang ng gelpren nya… Grabe kasi naman magmahal ang taong ito, kinakalimutan ang lahat para lang sa pagibig, di ko sya masisisi kasi ganun din naman ako… Tinanong nya kami, “Paano kung alam mo na ang love na binibigay ng gelpren mo eh hindi kumpleto?” so nagtanong kami… “Paanong hindi kumpleto?” para daw kasing kulang… naramdaman na nya kung paano mahalin ng buong buo, at lahat naman siguro ng tao eh naramdaman na yun. Pero sya parang hollow, parang kulang daw… alam naman nya na ganun talaga ang sitwasyon… inamin nya rin naman sa amin na marami syang issues sa relationship. Tinanong namin kung bakit pa sya nagstay kung ganun naman pala ang sitwasyon, sumagot sya ng buong husay at tikas na “Eh mahal ko kasi eh!” Ok ok naiintindihan naman namin yun eh so nagtanong ulit kami kung nagtyatyaga lang sya… sabi nya ulit ng todong bangis na, “Alam ko kasi sa relationship eh parte nun ang commitment at sacrifices…” Fine so tinanong namin kung bakit sya nagmamaktol kung alam naman pala nya ang consequences ng pinasok nya. Hanggang iexplain nya sa amin pero gumamit sya ng analogy. Sinabi nya… “Pare nasubukan nyo na yung batukan mula sa likod pero hindi mo alam kung sino. Nakakainis di ba? Sa totoo lang hindi mo naman papansinin yung sakit nun eh, mas iindahin mo yung inis at kagustuhan na makilala ang yung bumatok sayo. Pero pag binatukan ka naman paharap at alam mo yung bumatok sayo hindi ka na maiinis lang, uunahin mo yung sakit nung batok at pangalawa yung pagganti?” Sa una hindi ko maintindihan yung nais nyang sabihin eh. Pero ipinaliwanag nya na… “Pare kasi ganito eh, alam ko naman na hindi buo yung pagmamahal ng gelpren ko sa akin, alam ko na hindi nya pa ko kayang mahalin ng lubos… Yung thought na yun nakakainis, kasi gusto ko na mahalin nya ko ng buong buo, yung solid na love ang ibibigay nya pare… Pero isang araw kasi nagusap kami, tas inamin nya sa akin na hindi talaga nya pa naibibigay ang buong pagmamahal nya sa akin, at aware yung gelpren ko na mas mahal ko sya kesa sa mas mahal nya ako.” Sa sinasabi ng kaibigan ko nararamdaman ko kung gaano nadudurog ang puso nya at nararamdaman ko na habang kinukwento nya sa amin ang mga pangyayari eh pinapatay sya ng lungkot, inis at yamot. So humirit ako sa kanya, “Oh di ba kakasabi mo lang na about sa sacrifices at commitment ang pagpasok sa relasyon?” sumabad sya na, “Oo nga totoo yun, pero masakit pa rin pala, sa totoong buhay, mas gusto ko ng suntukin ako sa likod na maiinis ako, kesa suntukin ako sa harap ng isang taong mahalaga sa akin.”

Ngayon dahil sa kwentuhan namin ang dami ko naiisip na hindi pa rin nasasagot. Pwede ba na mas mahal ng isang tao ang kapareha nya, ibig kong sabihin eh pwede ba na mas matimbang yung isa kesa sa kasama nya. Naisip ko oo nga pwede nga mas matimbang, pero paano kung hindi buo yung pagmamahal? Paano yun? Siguro pwede nga rin, pero fair ba sya? Hindi ba unfair para dun sa mas nagmahal ng lubos? Pero naisip ko rin… Parang hindi rin yata, mas unfair yung naghahanap, mas unfrair yung nagsasabi ng buo nyang binibigay ang pagmamahal nya pero hindi nya kayang mahalin ang kapareha nyang me pagkukulang… Naisip ko rin ang equality, oo kelangan pantay pero parang imposible yata yun… sabi nga all is fair in love and war.

No comments: