Pages

nuffnang

Saturday, January 24, 2009

Pagbabago at Pagbabalik Anyo

Medyo hindi maayos ang araw ko ngayon. Dami bumabagabag sa sa isip ko. Dala ito ng Anxiety na pinagdadaanan ko... Ndi ko ito controlado kasi dala ito ng gamot na iniinom ko. Dati ko na iniinom to at dati ko na rin naranasan ang ganitong feeling. Mainit ang pakiramdam ko pero hindi ako naaarouse. Nasa loob ng katawan yung init... nanginginig ang mga laman ko na parang pasmado kasi dala rin ito ng gamot. Anong Gamot? Basta!? Basically Nadodoble nya ang emosyon ko. Kung masaya ako nagigigng sobrang masaya talaga ako, kung irritable ako eh sobrang irritable talaga... Kung Naglulungkot lungkutan ako... eh hindi to kasali kasi nga ndi totoo... wahahaha!!! Taena gusto ko ng ibalik ung dati kong katawan Yung Letter V ang katawan ko kasi halos wala akong wiggly fats sa tyan at maganda ang latismus dorsi ko pati ang trapezius pati na rin malaki ang pectoralis ko kaya ako letter V. Eh lumipas ang 4 na taon na tinamaan ako ng katamaran instead na Letter V eh nagform ang katawan ko ng letter B oo kasi B talaga pag nakaside view kasi malaki ang tiyan ko eh meron akong boobs. Taena talaga... Minsan nga naiisip ko baka mainsecure na ang gelpren ko sa akin kasi baka mas maging malaki na ang boobs ko kumpara sa kanya.

Ngayon sinusubukan kong ibalik ang dati kong katawan... Me mga sinusunod naman akong mga steps. Pero hindi ito madalian kailangan ko gumugol ng sapat na panahon pagod at malaking pera para makuha ko ulit ang gusto kong itsura. Oo kung hindi mo pa rin nagegets eh nagpapapayat ulit ako... Kasi nga hindi na ako healthy puro mantika, asukal, asin, at dyank puds. Nageexercise na ako ngayon, nagbabawas ng pagkain at higit sa lahat eh gumagastos ng malaking pera para sa mga supplements. kailangan ko ng 12 Weeks para dito kelangan ko to hindi para maging mas lalong gwapo ako dahil ayoko maging super gwapo. Ginagawa ko to dahil para sa kalusugan ko dahil sa mga sakit na nakuha ko at makukuha ko pa kung hindi ako aayos. Yung dalawang picture ang sa ilalim ang gusto kong maibalik. Ayoko maging payatot gusto ko matabag at malapad pa rin ang katawan ko pero walang masyadong kulesterol... Bahala na kung ano mangyayari sa akin. Bawal muna kumain ng masyadong masasarap. Kailangan ibuno ang sakit ng katawan at wala mungang magagastos na lakad para me pambili ng gamot. Sabi nga ng tropa ko Tiis-Ganda pero since lalake ako. "Tiis-Gwapo" Toinks!




No comments: