Pages

nuffnang

Wednesday, February 11, 2009

Balentayms Dey...

Shiiyyyeeeooooooottt... araw na naman ng mga puso. Kelang puspusan nanaman ang pagtatrabaho ko nito, baka pumunta ko ng dangwa mamya bibili ako ng mga roses at ititinda ko sa kalsada at pati na rin sampaguita at everlasting para naman dun sa mga hindi makaafford. Naku yung boss ko sa umaga nagiisip na maglayoff ng mga manggagawa, baka itigil ko na ang pagdyadyanitor nito. wag naman sana.... Paano na yung negosyo ko malaki pa naman ang kinikita ng diaryo kendi at yosi ko. Bahala na si batman... shiyet naiisip ko pa naman na magfranchise eh. saka gusto ko rin iexpand yung negosyo ko, susubukan ko bumili ng sirang sim at ng used ink cartridge. at pag lumakilaki na ang kita ko susubukan kong i venture ang ulam at kanin... ano sa palagay nyo? kaso nga baka magkatanggalan dito sa amin yari ako... kasi pag natanggal ako dito wala na ako pwesto mawawalan din ako ng mga parokyano. at ang higt sa lahat hindi na ko makapanglalait ng mga tao na mukhang galis at mukhat tibak sa paa... shiyet yun pa naman ang peborit pasttime ko. nakampatis talaga. bahala na... pero meron na akong plano, magaaply ako maging male strippper... pero hindi ako papagamit, hipo lang. yoko pa magkasakit... saka ayoko ng bading babae lang sana... pwede na rin matrona pero depende sa bigayan... Oo nga pala nakalimutan ko ikwento yun ba namang yaya ng boss ko eh nagpapacute sa akin, kung alam ko lang gusto lang makalibre nun ng kendi at yosi. naku malas sa negosyo yung ganyan. pero baka sabihin nyo naman maangas ako... cute naman si inday eh. seksi ang katawan kaya lang ambaho ng hininga ayoko nun yuck... kahit naman gwardya/dyanitor/vendor lang ako eh malinis ako sa katawan 2x a day ako maligo at after every meal nagtututbras ako kahit isang taon na yung tutbras ko ginagamit ko pa rin. Nga pala sa gabi nawalan ako ng internet koneksyon, kasi naman yung kapitbahay namin na naka wifi eh nakahalata na kumukunek lang ako sa kanya ayun naglagay tuloy ng password. naknangshet talaga. so kung meron kayo maisasuggest na pwedeng pasukin na negosyo sabihin nyo lang sa akin...


Blog ko to 3 years ago... pag nababasa ko naaliw pa rin ako.... PisLabEnRaknRol

1 comment:

kat said...

haha! ang galing.. natuwa rin ako sa pagbasa nito. :)