Pages

nuffnang

Friday, February 6, 2009

San ba nagmula ang Mais na yan?

"Mais!" Ito yung ekspresyon na naging paborito ko. Para lang syang "epal" sa mga bata at "echos" at "charing" pag mga bading ang naguusap.

Origin: translation of english to tagalog

Definition: Ang mais ay nagsimula sa salitang corny at tinagalog na ma-mais hanggang naging "mais". Expression na sinasabi ng sinumang walang masabi.

Ang susmusunod na kwento ay hango sa tunay na buhay at pangyayari....

Paano ba nagsimulang gamitin ko ang salitang to?... tandang tanda ko pa nung unang marinig ko ang salitang to, bumalik tayo sa year 2005. pariwara ang buhay ko ni JayC at Meech ang tatlong matalik kong kaibigan. Kakabreak lang namin ng gelpren ko nun nga limang taon, at si JayC ay kakabreak lang sa gelpren nya at si Meech naman eh kasama ang boypren nyang si Jim na isang bangkero (hindi taga banko, isa syang mamamangka sa dalawang ilog at sa totoong buhay...seaman po sa mga hindi pa rin makagets) Ang usapan eh magbibilyar kami by that time at magiinom kasama nga si meech yung boypren nya by that time at si JayC pati ang pinsan nyang nakalimutan ko na ang pangalan. so dapat pupunta kami ng Malate para sundan si Meech at ang boypren nya. Nagkita kami sa crossing pero iba ang napagkasunduan subaybayan natin ang mga kaganapan...

Paul (Ako ito): Kumag saan tayo?
JayC: Sa Malate
Paul: Andun na raw ba si Meech? Tara na?!
JayC: Teka me hinihintay ako, yung pinsan ko (na hindi ko maalala ang pangalan)


After 15 minutes dumating yung pinsan ni JayC na hanggang sa mga oras na ito ay iniisip ko ang pangalan... so pangalanan na lang natin syang "Pinsan ni JayC na hindi ko maalala ang pangalan."

JayC: Tangina ang tagal mo anung oras na to?!
Pinsan ni JayC na hindi ko maalala ang pangalan: Ang traffic eh "mais!"

Para ke JayC wala lang ang salitang ito, pero ng mga oras na yun eh nagtataka ko kung ano ang mais na sinabi nya... iniisip ko kung ito yung cause ng traffic or bumili sya ng mais kaya natraffic.

Paul (Ako nga ito si)ab: Ndi pa nagtetext si Meech, tinatawagan ko nakaoff ang cellphone
JayC: so anung plano natin
Pinsan ni JayC na hindi ko maalala ang pangalan: Kayo bahala kayo, Mais!

Napaisip nanaman ako sa mais na yan...

Paul (Si Artie to): Dude (katawagan ng mga lalaking tagacallcenter noon, na ngayon ay naging pangbading na katawagan) Nagtext na ba si Meech?
JayC: Wala pa Dude eh
Pinsan ni JayC na hindi ko maalala ang pangalan: So paano tayo?
JayC: Kayo na magisip
Paul (ito totoong pangalan ko): Kahit saan, gusto ko maginom naglulungkot lungkutan ako
Pinsan ni JayC na hindi ko maalala ang pangalan: Hehehe Mais!

Narinig ko nanaman ang magic word na "mais!"

Paul: Cubao kaya tayo?
JayC: Anong gagawin natin dun
Pinsan ni JayC na hindi ko maalala ang pangalan: Eh di manonood ng show at bibitinin ang sarili
Paul: Oo di naman tayo kakana ng babae dun, manonood lang tayo ng sumasayaw, teka me alam ba kayo dun? Wala ako alam dun eh...
JayC: Basta punta na lang tayo, marami dun
Pinsan ni JayC na hindi ko maalala ang pangalan: Tara tara, Mais kayo!

Sa scene na ito kanina mais lang sya ng mais, ngayon eh ako na ang naging Mais...

So nagbus kami papunta dun, at pagdating namin sa lugar eh para kaming bata na nawala sa toyshop... Wwwooooowww!!! Daming Club!!!!

Paul (excited): San tayo, dami dito?
JayC: Easy ka lang... mamimili tayo, Try natin dito...
Pinsan ni JayC na hindi ko maalala ang pangalan: Wag dyan Mais dyan!!!

Sa mga oras na ito... naguguluhan na ko sa mais na yan, at nagpalipat lipat na nga kami para makapili ng magandang club. hanggang sa nakahanap na nga kami ng isang maganda at cool na pagiinuman at pagpapanooran. Dun ko unang napagalaman na ang chemistry ng chin chan su, pulang ilaw at dalawang boteng beer eh nagiging makapangyarihan... yung mukha ni inday eh nagiging cindy curleto at maya salvador.

Habang nasa lamesa kami ndi na ko nakatiis at tinanong ko kung ano yung mais... at inexplika nya sa aking ang meaning nito, pero since busy ako sa panonood ndi ko sya inintindi at kinabukasan sa opisina ko na nalaman... hanggang sa nagamit ko ang expresyon na ito hanggang ngayon

Kung itatanong nyo kung ano na ang nangyari ke Meech? Ayun binreykan sya ni Jim kasi nakabuntis at magaasawa na... umuwi si Meech ng luhaan at magisa. At naguilty ako at kinaibigan ko na rin sya...

Hanggang ngayon di ko par in maisip ang pangalan ng pinsan ni JayC