Pages

nuffnang

Friday, March 20, 2009

Ggggrrrr....Feisty!

Nararamdaman mo kung gaano kagalit si Haring Araw? Yun bang pag pumunta ka sa ilalim ng init ng araw eh lahat ng balahibo mo tatayo at parang natutunaw ang balat mo sa sobrang init. Naknamputa talaga! Hayop sa Init... Nakakagigil... pero hindi ka magagalit, mangigigil ka lang. Para bang nakakita ka ng seksing chick na nakaskimpy bikini. Hindi yung gigil na "aaarrrggghhh".... pero yung gigil na.. "ggrrrrrr... feisty!" Hindi mo magagawang magalit ng todo sa init ng araw dahil kaagapay nito sa isip nating ang salitang BEACH... SWIMMING... BIKINI AT CAMEL TOE.

Oo, alam ko na wala ako beach bods na pwedeng ipangalandakan sa boracay, "Who Kers?!" Yung mga Samoan nga mas matataba pa sa akin pero naglalakad ng nakahubad at wala silang paki. Sa mga hindi nakakaalam Hindi mataba si Artieboy, Nilagyan ko lang ng protective cover ang mga chiseled, rock hard, muscles ko... takot ako kasi baka magasgasan! Basta ieenjoy ko ang sun, sand, and sea! Yung alat at lamig ng tubig. Tas makakakita ka ng magagandang tsiks na ang taning masasabi mo eh.... "ggrrrooowwwwlll.... feisty!"

Marami akong mga magagandang experience sa beach... lahat memorable. Ewan ko ba, siguro nga nung past life ko Killer Shark ako kaya ganito ko kahilig sa beach at ganito itsura ko. "Killer Shark... Grrr.... feisty!" Pero naisip ko... mas mukha yata akong Dugong... Hinde! Killer Shark pa rin ako.... feisty!

Eto na Summer na talaga.... Hindi na mapipigilan pa. Gelera, Bora, Pagudpod, Bohol, Palawan at kahit Beach sa Batanggas pwede na!!! Tara Swimming na mga Kabayan

"Grrroowwwwllll.... feisty!"

No comments: