Pages

nuffnang

Tuesday, October 20, 2009

Bye Dad!

Maraming nagtatanong bakit ako nawala sa eksena ng pagsusulat. Ang sagot dito eh nagkasakit kasi ang erpats ko. Nagkaroon sya ng super sakit na cancer, ang panget naman kung me sakit na nga sya tas nagsusulat pa ko ng mga kalokohan. Pero ngayon na pumanaw na sya pwede na ulit ako magsulat ng mga kagaguhan ko. Kasi eto naman ang gusto nya yung wag ako malungkot. Ayaw nga nun nakikita na umiiyak ako eh.

Mahirap pala na alam mong mawawala yung taong pinakaimportante sa buhay mo. Iniisip ko nga kung ano mas masakit yung biglaang kukunin ni Lord or yung alam mong anytime kukunin ni Lord at gusto mo na syang kunin agad ni Lord kasi nahihirapan na sya... Oo dumating sa oras na gusto ko ng kunin ni Lord si Daddy kasi hirap na hirap na sya sa sakit nya.

Grabe ang bonding namin ng daddy ko, sabi ko nga hindi lang ako nawalan ng tatay, nawalan din ako ng bestfriend. Sa totoo lang sya lang yung totoong kaibigan ko kasi sya lang yung totoong nakikinig sa akin. Sobrang miss ko na sya. Namimiss ko yung mga joke nya, yung pangungulit nya... Sabi ko nga nuon sa sulat ko sa kanya, kung bibigyan ako ng pagkakataon na pumili ng tatay ni Lord, sya pa rin yung pipiliin ko.

Kahapon habang naliligo ako, napaiyak ako kasi naalala ko yung oras na pinaliliguan ko sya kasi ndi nya na kaya maligo magisa. Tatay ko ang nagturo sa akin paano maligo, di ko inakala na darating yung oras na gagamitin ko yun sa kanya ang itinuro nya. Dami naituro ni daddy sa akin, pati pagdiskarte sa babae tinuro nya sa akin, dumating pa yung time na nambabae kami sabay at wingman namin ang isa't isa. Naisip ko nga nuon pareho kami style ni daddy, kinukuha ang chick sa sense of humor.

Sana di na lang nawala si daddy ng maaga... sana andito na lang sya sa bahay... I miss you dad!

No comments: