Pages

nuffnang

Saturday, January 31, 2009

Natalo Parang Gago ang Idol ko!!!

Natalo ang pinakapaborito kong fighter sa larangan ng madugong bakbakan... hindi sya si Robin Padilla, Oo idol ko si Robin pero hindi sya mananalo sa mga totoong Fighter tulad ni Thiago Silva. Sayang kala ko magiging 14- 0 ang standing nya sa UFC gusto ko pa naman sya makitang maglaro para sa title fight. Tinalo sya ng isa pang brazillian na si Lyoto Machida. Malamang lahat ng magbabasa ng blog na ito eh hindi makakarelate, hayaan nyo na ako at naglalabas lang ako ng sama ng loob. Pero sa mga mambabasa ng blog ko na mahilig sa adventure at exciting na panoorin try nyo manood ng Ultimate Fighting Championship at mageenjoy kayo. Pero sayang talaga at natalo idol ko, nagmukha sya talaga tanga sa loob ng octagon. Wala lang epal lang.




Thursday, January 29, 2009

Basta Kalbo Gwapo

Apat na taon... Oo Apat na taon na akong kalbo. Maraming klase ng pagiging kalbo kung oobserbahan nyong maigi. andyan yung parang kalbo lang o yun bang pwede mo pa rin sabunutan sa pamamagitan ng dalawang daliri at pwede pang lagyan ng konting style, kilala to sa tawag na tres o kwatro ang isang example ng kilalang celebriti na me ganitong klaseng buhok eh si Mark Abaya na bokalista ng kjwan at si Mark Herras. Ang mga lalakeng me ganitong klase ng hair-do eh nagsasabi na hindi pa nila kayang makita ang sarili nila na wala talagang buhok gusto pa rin nila na nakikita ang sarili nila at malaman nila na me buhok pa rin sila. Meron naman na tinatawag na dos or uno meron pa rin makikitang itim sa tuktok nila at kadalasan ginagawa ito para lagyan ng kaunting style pa rin ang buhok, kung nakakakita kayo ng kalbo at parang me zigzag sa gilid or guhit eh dos ang buhok nila kilala ang mga me ganitong klaseng gupit eh yung mga basketball players na nagpapapogi lang at hindi naman magaling. meron naman yung me buhok na uno eto yung kalbo talaga or semi kal kung tawagin. me kongting itim pa rin sa tuktok pero kita na ang anit ng mga lalaking me ganitong klase ng gupit. Madalas mong makikita ito pag summer at madalas mo rin makikita to sa mga basketball player sa mga lansangan at mas madalas ito sa mga taong hiphop at negro Ngayon naman yung zero ito yung kita mo na talaga ang anit ng lalake wala ka ng makikitang buhok sa mga ito bukod sa mga marka ng pinagtubuan ng buhok sadsad at sagad ang pagkakalbo sa mga lalaking to kilala sa tawag na skinhead. kung napanood nyo ang american history X yung mga lalaking puti dun eh ganito ang buhok nila. Meron naman yung shaved eto yung pagkatapos iiskinhead yung buhok eh ishashave pa ng barbero gamit ang tubig at ang labaha nya. wala kang makikitang marka ng buhok dahil nga shaved hellloooo.... Kilala si Mr. Clean sa ganitong klase ng buhok.

Panot ito yung mga lalake na sobra ang kanilang hormones kaya mas maaga silang nauubusan ng buhok. Sila yung mga lalakeng sobrang taas ng hairline eh umaabot na sa gitnang ulo. Sabi nga ng tito ko malalaman kung gaano kagaling ang lalake sa pagdive down there base sa pagkapanot nito. pag harap napapanot di daw magaling kasi daw ang sabunot ng babae eh para ialis ang ulo ng lalake sa down there nila. Pag sa gilid naman daw eto yung mga expert divers lang kasi kinakaskas pa ng babae yung ulo for more pleasure so kulang pa sa experience Pag sa tuktok naman daw eh eto daw yung mga Master divers na kasi eh talaga naman daw sinusubsob at idinidiin at parang ayaw ng pakawalan pa ng chick yung ulo ng lalake for more more more.... aaaaiiiiii. Well kwento lang naman to ng tito ko to justify yung pagkapanot nya.

Di ako napapanot at sa katunayan eh malago ang tubo ng buhok ko salamat sa genetic na namana ko sa aking ama. pero mas gusto ko talaga ang kalbo. Either zero lang or shaved ang buhok ko, kung itatanong nyo kung bakit eh ang sagot ko lang dyan eh hindi ko talaga alam pero nasanay na ako sa ganitong itsura. Pati ang nanay ko concern sa akin pag tinutubuan na ako ng buhok at gusto nyang ipakalbo ko ulit. Nagsimula to nung nasa teletech pa ako yung isang chick dun sabi mas gwapo daw ako pag kalbo... ayun nagpakalbo ako at nainlove sya sa akin ng 4 mos tas after naghiwalay din kami.

Ang tagal ko na palang walang buhok... me lumapit nga sa akin hinimas himas ang ulo ko parang manok tas sinabi... "lam mo sa tingin ko mas gagwapo ka kung me buhok ka lalo na yung me konting Gel"... sabi ko, "Tangina mo wag mo nga ako hawakan! Tarantadong to!!! Hindi kaya kita kilala Gago!!!" Tanginang taong grasa yun gusto kong silaban eh hayup...

Ang magbasa ng walang comment makakalbo!

Sunday, January 25, 2009

Kala nyu Kayo lang?! Ako din Nuh!?

Usong uso ang kamera na malalaki at me malalaking lente na iniikot ikot. Mapa Coño at mapa jologs eh meron nito. Ako wala pero parang gusto ko magkaroon nito hindi dahil gusto ko magpipicture. Gusto ko magkaroon kasi Nakakatawag pansin sya. Eh alam nyo namang lahat na isa akong flirty attention whore. Syempre pag me gadget ka na ganito sikat ka, sasabihin sayo ng mga tao... "wow potograper... parang sa mga binyag, kasal, kumpil, luneta, graduation at class picture lang..." Natatandaan ko dati ang mga me dala ng malalaking camera eh yung mga matatandang napapanot nakapolo sira ang sapatos na naka brown pants at naka aviator shades at pag kinodakan ka eh sisingilin ka ng 25 pesos para sa kopya.

Nagtanong tanong ako kung magkano ang Kamera at napagalaman ko na medyo mahal pala sya... nagdadalawang isip ako kung bibili ako. Una pag ako me hawak ng camera malamang eh mawawala ako sa mga group picture, kung mapasama man ako eh bihira lang dahil sa presyo nito eh parang hindi ko kaya ipahawak sa ibang tao.

Napansin ko din na karamihan sa mga taong me ganitong klaseng camera eh pinapakuhaan ang sarili nila sa ibang tao na me ganung klaseng camera. Ang astig tuloy ng dating kaya parang nainggit ako... At dahil sa dakilang inggitero ako, ginaya ko ang mga taong me ganitong klaseng picture gamit ang telepono ko na pwedeng kamera. ÜÜÜ




Saturday, January 24, 2009

Pagbabago at Pagbabalik Anyo

Medyo hindi maayos ang araw ko ngayon. Dami bumabagabag sa sa isip ko. Dala ito ng Anxiety na pinagdadaanan ko... Ndi ko ito controlado kasi dala ito ng gamot na iniinom ko. Dati ko na iniinom to at dati ko na rin naranasan ang ganitong feeling. Mainit ang pakiramdam ko pero hindi ako naaarouse. Nasa loob ng katawan yung init... nanginginig ang mga laman ko na parang pasmado kasi dala rin ito ng gamot. Anong Gamot? Basta!? Basically Nadodoble nya ang emosyon ko. Kung masaya ako nagigigng sobrang masaya talaga ako, kung irritable ako eh sobrang irritable talaga... Kung Naglulungkot lungkutan ako... eh hindi to kasali kasi nga ndi totoo... wahahaha!!! Taena gusto ko ng ibalik ung dati kong katawan Yung Letter V ang katawan ko kasi halos wala akong wiggly fats sa tyan at maganda ang latismus dorsi ko pati ang trapezius pati na rin malaki ang pectoralis ko kaya ako letter V. Eh lumipas ang 4 na taon na tinamaan ako ng katamaran instead na Letter V eh nagform ang katawan ko ng letter B oo kasi B talaga pag nakaside view kasi malaki ang tiyan ko eh meron akong boobs. Taena talaga... Minsan nga naiisip ko baka mainsecure na ang gelpren ko sa akin kasi baka mas maging malaki na ang boobs ko kumpara sa kanya.

Ngayon sinusubukan kong ibalik ang dati kong katawan... Me mga sinusunod naman akong mga steps. Pero hindi ito madalian kailangan ko gumugol ng sapat na panahon pagod at malaking pera para makuha ko ulit ang gusto kong itsura. Oo kung hindi mo pa rin nagegets eh nagpapapayat ulit ako... Kasi nga hindi na ako healthy puro mantika, asukal, asin, at dyank puds. Nageexercise na ako ngayon, nagbabawas ng pagkain at higit sa lahat eh gumagastos ng malaking pera para sa mga supplements. kailangan ko ng 12 Weeks para dito kelangan ko to hindi para maging mas lalong gwapo ako dahil ayoko maging super gwapo. Ginagawa ko to dahil para sa kalusugan ko dahil sa mga sakit na nakuha ko at makukuha ko pa kung hindi ako aayos. Yung dalawang picture ang sa ilalim ang gusto kong maibalik. Ayoko maging payatot gusto ko matabag at malapad pa rin ang katawan ko pero walang masyadong kulesterol... Bahala na kung ano mangyayari sa akin. Bawal muna kumain ng masyadong masasarap. Kailangan ibuno ang sakit ng katawan at wala mungang magagastos na lakad para me pambili ng gamot. Sabi nga ng tropa ko Tiis-Ganda pero since lalake ako. "Tiis-Gwapo" Toinks!




Sunday, January 11, 2009

Salamat sa mga tumangkilik ng Blog ko

Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng nagbabasa at nakakaapreciate ng blogs ko. Sana tuloy tuloy lang pa rin ang suporta nyo sa lahat ng kagaguhan at mga kwentong barbero ko pati na rin yung minsanang pagiging emo at pagsesenti sentihan ko. Well hindi ako titigil sa pagsusulat. Saka kung gusto nyo iadvertise nyo na rin sa friends nyo na gustong maaliw at mahilig magbasa ang blog ko... sabihin nyo naku me kilala ako mahilig magsulat ng blog na puro kalokohan tas ang cute pa tas ang gwapo pa puntahan mo yung multiply nya http://artiemous.multiply.com or kung mahirap ka at walang multiply site puntahan mo yung blogger nya. http://matabangbyahero.blogspot.com please lang mga kaibigan iadvertise nyo ang blog ko since attention whore ako sa tagalog eh kulang sa pansin at sa salitang kanto eh epal. Sigurado namang maliligayahan sila at kahit papaano ay mapapangiti.

Monday, January 5, 2009

Pseudo

They work together in an ad agency. After office, they would watch movie, have dinner and stroll at Glorietta. She gave him Harry Potter books for his birthday in exchange for posing as her boyfriend to make an ex jealous. They made out during the company outing in Subic and never talked about it. He said "I love you" once but she wasn't sure if she heard him correctly because they were both drunk then. But one thing she is sure of is her feelings for him. She likes him. And she's assuming that with what he's doing to her and with her, he likes her, too. There's just one hitch: he has a girlfriend!

She is a 28-year-old virgin. He's a 35-year-old bachelor. Both mountaineers, they became close during their climbs. After a few dates in posh restaurants, he brings her to his condo where they would make out. They have been doing this for months. She wants to believe
that "sila na" but then she's not really sure about it. "We don't talk about it but it doesn't really matter," she'd tell her friends. "What's important is I am enjoying this -- whatever it is."

The "parang kayo, pero hindi" stage. Others call it MU or mutual understanding. Pseudo-relationship s. Pseudo- boyfriends. Flings. Almost like a relationship, but not quite. It is a phase where the persons involved are more than friends, but not quite lovers.

Puwedeng may verbal agreement, puwedeng wala. One or both of you may have admitted your feelings, possible ding hindi. You just let your gestures do the talking for you. Walang pormal na ligawan na nangyari. Hindi kayo mag-dyowa. Pero sa kilos niyo, sa mga sinasabi niyo, parang kayo, pero hindi.

This kind of "relationship" can happen at different stages for different reasons. It can happen after a break-up. You still love each other, and you want to be with each other but you broke up for a reason. A nd for reasons that you alone know, ayaw niyo na muna magkabalikan.
It can also happen before a relationship, iyong pareho kayong nakikiramdam. Possible din na ayaw niyo munang mag-seryoso kaya kunwa-kunwarian lang muna. Testing lang.

Puwede ring hindi puwedeng maging kayo kasi isa sa inyo --usually the guy --may ka-relasyon na. Kaya habang hindi pa siya nakikipag-break doon sa girl (sabi niya makikipag-break siya soon pero di naman niya ginagawa), wala muna kayong relasyon para nga naman hindi siya nang@g@liwa kasi "hindi naman kayo."

This pseudo-relationship stage, for a time, can be fun. Lalo na kung naghahanap ka lang naman ng "kalaro."

Pero huwag ka lang mag-e-expect na may patutunguhan kayo kasi wala talagang kasiguraduhan. So bakit ang daming nagse-settle sa ganitong set up ganoong hindi naman sigurado kung may patutunguhan? Iba't ibang dahilan. Puwedeng for fun lang.

Puwedeng "buti na iyan kesa w ala" or puwede na iyang "pantawid-gutom. " Meaning, habang wala pa iyong the real thing, doon muna sa kunwa-kunwarian.

For those who are not in a serious relationship, they would think that pseudo-relationship is better than no relationship at all. It would be fun, if all you are after for is that "kilig" feeling. Aminado naman ako na once upon a time, may mga pseudo-relationship s din ako. No commitments involved. For the simplest reason that they couldn't commit, because they were either committed to someone else, or that they weren't ready to commit. My rationalization, "okay na iyun, kesa wala." Ang habol ko lang naman, iyong kilig feeling. Iyong merong nagtatanong kung kumusta araw ko. Iyong merong ka-cuddle sa beach outing. Iyong kapag tumunog ang cellphone, mapapangiti na ako dahil alam kong galing sa kanya ang message. Iyong merong laging kasama. Habang wala pa ang the real thing, puwede na itong pagtiyagaan. But then I learned that although it was only a pseudo-relationship , the emotions were real. And usually, in this kind of set up, ang babae lagi ang lugi.

Una, you can't ask him to commit. Since it's not really a relationship, you can't demand commitment from your partner. Ano ba kayo? May K ka nga ba magpasundo ng hatinggabi? You will always be uncertain about your role in his life. You can't expect him to be always there with you. And if you feel jealous of the other girls, you just have to keep it to yourself. Ano ka ba niya para magselos?

Pangalawa, what if you fall deeply in love with him?
You can't be sure if he feels the same way. Baka nag-a-assume ka lang na mahal ka rin niya. Even if you are dying to tell him you love him, you can't. Because you're not sure if he'll like it. Baka mapahiya ka lang. This stage will always make you wonder where you are in the relationship. Or if there is a relationship at all.

Pangatlo, what if you become attached too much? What if you have invested all your emotions and this man hasn't? What if you remain faithful to him, not entertaining other guys, only to find out that he is seeing other girls?

Isa pang downside ng pseudo-relationship is, it is fleeting. When a disagreement sets in, or when one of you gets cold, then that would be the end of it. Unlike in a serious relationship, hindi mo alam kung saan ka lulugar sa isang pseudo-relationship . Wala kang pinanghahawakan.

Kasi sa pseudo-relationship , there is no "us." Meron lang "you and me," hindi "us."

Buti sana kung pseudo-pain din lang ang mararanasan mo. Kaso, hindi eh. Real pain. And usually, kahit tapos na ang pseudo- relationship, hindi mo maiwasan umasang one day, may karugtong pa rin iyun. And you will be miserable, hoping to bring back what you used to have, only to find out eventually that the guy is in another pseudo-relationship with somebody else.

Ang hirap, ano? You agreed to this kind of set up for fun and then you'd end up hurting yourself in the process.

Pero puwede naman maiwasan ang pain eh.
Puwede naman na hindi mo muna isipin ang future and just enjoy the feeling, without thinking of the consequences.

But if you are certain that you are going to hurt yourself in the process, kailangan mo mamili. You can be happy and live the moment without worrying what would happen next. Or you can stop settling with pseudo-relationship s and wait for the real thing. When I was younger and in a pseudo-relationship with an unavailable guy, a friend told me, "Sige, kung ayaw mong magpapigil, bahala ka. Magpakasaya ka. Pero huwag kang iiyak-iyak pagkatapos, dahil tatadyakan kita."

Ang bottom line lang naman, kung magpapasaya sa iyo, gawin mo.

Ihanda mo lang ang sarili mo sa consequence. Dahil ang "parang kayo pero hindi" stage ay bihirang nagiging totoo. Usually, hanggang doon lang siya ... almost, but not quite.

Friday, January 2, 2009

Masarap Masakit Magulo ang Magmahal


Sabi ko nga sa mga naunang blog ko, kung me pinakamasarap maramdaman sa buhay yun yung magmahal at mahalin. Kagabi umalis kami ng tropa ko nagpalipas ng masalimuot na linggo sa araw ng bakasyon kasi nga dahil me trabaho pa rin. Habang nagkukwentuhan kami naramdaman ko yung pagbabago ng mood me nagiba sa ihip ng hangin para sa kaibigan namin… syempre nauwi sa usapang puso… tangina talaga nagagawa ng pagibig. Yung pinakamatikas, pinakamabangis, at pinakamalupit na tao napapalambot… to the point na parang batang uhugin. So nagkwento na nga sya… habang sinasabi nya yung istorya, unti unting gumagana ang utak ko at napagiisip… Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya, matatawa, maiinis o kung ano man… Eto yung storya nya.

Kinuwento nya sa amin ang nangyari sa kanya ang ng gelpren nya… Grabe kasi naman magmahal ang taong ito, kinakalimutan ang lahat para lang sa pagibig, di ko sya masisisi kasi ganun din naman ako… Tinanong nya kami, “Paano kung alam mo na ang love na binibigay ng gelpren mo eh hindi kumpleto?” so nagtanong kami… “Paanong hindi kumpleto?” para daw kasing kulang… naramdaman na nya kung paano mahalin ng buong buo, at lahat naman siguro ng tao eh naramdaman na yun. Pero sya parang hollow, parang kulang daw… alam naman nya na ganun talaga ang sitwasyon… inamin nya rin naman sa amin na marami syang issues sa relationship. Tinanong namin kung bakit pa sya nagstay kung ganun naman pala ang sitwasyon, sumagot sya ng buong husay at tikas na “Eh mahal ko kasi eh!” Ok ok naiintindihan naman namin yun eh so nagtanong ulit kami kung nagtyatyaga lang sya… sabi nya ulit ng todong bangis na, “Alam ko kasi sa relationship eh parte nun ang commitment at sacrifices…” Fine so tinanong namin kung bakit sya nagmamaktol kung alam naman pala nya ang consequences ng pinasok nya. Hanggang iexplain nya sa amin pero gumamit sya ng analogy. Sinabi nya… “Pare nasubukan nyo na yung batukan mula sa likod pero hindi mo alam kung sino. Nakakainis di ba? Sa totoo lang hindi mo naman papansinin yung sakit nun eh, mas iindahin mo yung inis at kagustuhan na makilala ang yung bumatok sayo. Pero pag binatukan ka naman paharap at alam mo yung bumatok sayo hindi ka na maiinis lang, uunahin mo yung sakit nung batok at pangalawa yung pagganti?” Sa una hindi ko maintindihan yung nais nyang sabihin eh. Pero ipinaliwanag nya na… “Pare kasi ganito eh, alam ko naman na hindi buo yung pagmamahal ng gelpren ko sa akin, alam ko na hindi nya pa ko kayang mahalin ng lubos… Yung thought na yun nakakainis, kasi gusto ko na mahalin nya ko ng buong buo, yung solid na love ang ibibigay nya pare… Pero isang araw kasi nagusap kami, tas inamin nya sa akin na hindi talaga nya pa naibibigay ang buong pagmamahal nya sa akin, at aware yung gelpren ko na mas mahal ko sya kesa sa mas mahal nya ako.” Sa sinasabi ng kaibigan ko nararamdaman ko kung gaano nadudurog ang puso nya at nararamdaman ko na habang kinukwento nya sa amin ang mga pangyayari eh pinapatay sya ng lungkot, inis at yamot. So humirit ako sa kanya, “Oh di ba kakasabi mo lang na about sa sacrifices at commitment ang pagpasok sa relasyon?” sumabad sya na, “Oo nga totoo yun, pero masakit pa rin pala, sa totoong buhay, mas gusto ko ng suntukin ako sa likod na maiinis ako, kesa suntukin ako sa harap ng isang taong mahalaga sa akin.”

Ngayon dahil sa kwentuhan namin ang dami ko naiisip na hindi pa rin nasasagot. Pwede ba na mas mahal ng isang tao ang kapareha nya, ibig kong sabihin eh pwede ba na mas matimbang yung isa kesa sa kasama nya. Naisip ko oo nga pwede nga mas matimbang, pero paano kung hindi buo yung pagmamahal? Paano yun? Siguro pwede nga rin, pero fair ba sya? Hindi ba unfair para dun sa mas nagmahal ng lubos? Pero naisip ko rin… Parang hindi rin yata, mas unfair yung naghahanap, mas unfrair yung nagsasabi ng buo nyang binibigay ang pagmamahal nya pero hindi nya kayang mahalin ang kapareha nyang me pagkukulang… Naisip ko rin ang equality, oo kelangan pantay pero parang imposible yata yun… sabi nga all is fair in love and war.