Pages

nuffnang

Tuesday, October 27, 2009

Panti

There is this topic that i want to write about a long time ago. Its all about undies... yeah you read it right... its all about the garment that you are wearing underneath your pants and shirts... I think it connotes your attitude and behaviour with what you wear.... pwedeng malinis ka sa katawan, sexy, presko, conservative at kung ano ano pa... Andami klase underwear lalo na sa babae... sa lalaki eh 2 lang naman boxers at briefs... pero sa dalawang yun eh maraming katagian...

BOXERS: marami klase yung me print na simple, me magarbong print, yung plain na white, yung me butas sa gitna, yung me binubotones pa, pambihirang patis meron pa nga yung print eh si spongebob... at ang malupit eh yung glow in the dark. Naisip ko na ah kasi ginagamit yun sa sinehan para kita kaagad kung magbobooting sila (booting stands for butingtingan).

BRIEFS: naku lalo ng maraming klase nito. me mga printed din at plain... meron yung kimbies kung tawagin kasi medyo presko at para kasi sya talaga yung diaper na kimbies yung design nitong brip na to. pero yung t-back na brief ewan ko ba bakit naimbento yun di kaya nila naisip na tetempang tempang yung kabilang pisngi ng karneng bilog nila pagsuot nila yun... wag ka me kilala ko na nagsusuot nito (yuck, peste pag naiisip ko)pero kahit na anong klaseng brip eh me iisang katangian yun eh lahat eh me bulsa.... (mamya na sagot sa trviang to para sa mga di nakakaalam)

PANTIES: naku napakaselan itackle nito since di ako gumagamit nito... pero natawa ko sa dalawang tindero na naguusap, kasi sya daw di daw sya bumibili ng brip, panti daw ang binibili nya kasi daw presko at madaling labhan pero ang the best dito eh mura... makakabili ka ng tatlo sampung piso sa divisoria, un nga lang gamit na... pambihirang patis talaga oh. Sa grinhils at kahit saang tyange eh di mawawalan ng nagtitinda ng panti at bra... me makukulay at me mga simple yung kung tawagin eh granny panties... kasi yun yung malalaking panty na usually eh mga lola ang nagsusuot. natatawa talaga ko pag nakikita ko yung at me mga print pa, teka sino ba naman ang magbabasa nun bukod sa kabekbekan mo, and in the first place eh hinuhubad din naman to di ba anong sense ng me sulat sulat pa di ba? tsk tsk tsk... naiintindihan ko pa yung crotchless panties kasi alam mo na me purpose di ba... pero until now eh marami pa rin ang babaeng me ayaw ng thong panties, ang trip nila eh yung panty ni lola (hmmm... kam to tink op it, me singsing ni lola, bahay ni lola, next na yung horror film na ang panty ni lolaImage pambihira nakakatakot talaga yun) kasi nga naman eh hindi daw sila kumportable... pero maniwala kayo pag nakahapit kayo na pants tapos naka panti ni lola kayo eh di magandang tignan.

Isa pang nakakatawa tungkol sa panti eh yung mga babaeng nakasaka sa jeep. dati ang tinatakpan lang eh yung dibdib kasi baka makita yung bra nila (na wala naman talagang tinatakpan kundi pantal) eh ngayon pati yung likod nila eh tinatakpan na rin.... sheeesh ano ba yun eh kung makita yung panty nila di ba as if naman me maaarouse sa garter nila di ba. or baka naman maitim yung biyak nila sa taas ng pwet kaya tinatakpan.... Isa pang trivia ang panty walang bulsa unlike brip...

sagot... ang brip me bulsa kasi lalagyan ng asin para sa itlog, ang panty walang bulsa kasi maalat na. hwahahhaha. Ang di magcomment nakasuot ng panti ni lola! hwahahahaha!

Sunday, October 25, 2009

Kwento ng Pagbabagong Anyo

October 4, isang araw pagkalibing ni Daddy naisip ko ndi ako pwede ng ganito lang sa bahay kasi maloloko ko sa lungkot. Humarap ako sa salamin, pinagmasdan ang sarili at nasabi ko... "Naku hindot, sobrang taba ko na!" Yumuko ako at nasabi ko nanaman "Naku putang'na hindi ko na makita itlog ko sa laki ng tiyan ko" Oo nilagyan ko ng protective cover ang rock hard abs ko, pero hindi ko inakala na sobra na pala ung nailagay ko na cover... Nagtibang ako at nabigla sa nakita ko... 257lbs!!! a whopping 257lbs!!! ang pinakamabigat na naitimbang ko sa kasaysayan ng buhay ko 235 lbs. Hayop talaga! Paano kasi simula ng nagkasakit si daddy at inalagaan ko, nawalan ako ng oras magpapawis man lang.

So naghanap ako ng pwedeng gawin para magalis ng timbang, naisip ko boxing, muay thai, at workout sa gym... napagdesisyunan ko Gym na lang... kaso saan. So hanap hanap, pasyal pasyal muna. Napunta ko sa Starmall meron kasi dun gym, dati na ako nagtry dun. Ok facilities pero 'di ok mga trainer and assistants, walang spotter, makikiusap ka pa. Pero sige ok na yan Andito na eh...Saka isa pa me pustahan kami ni louie na unahang magpapayat hanggang Dec 21 at dahil competitive ako nagcall ako sa bet na manlilibre pag natalo

October 5 nagpunta ulit ako sa Starmall para magenroll sa gym... gusto ko sana sa Golds pero Golds din ang bayad! Shet! Sabi ko 1K lang naman a month so pwede na to....

October 7 dala ko ang gamit ko pang workout - taena- ayoko umasa sa program nila kasi ginagamit nila pangbading, wala ako makita hardcore. so gagawa ako ng sarili ko program na pampalaki ng masel ndi magmukhang tanga lang. pero since 1st week ko, kailangan i fullbody workout ko muna, high reps 4-8 sets light to med load lang. Ayoko sumakit katawan ko. Kumuha na rin ako notebook para sa plan ko. Eto yung plan ko na ginawa

Long Term Goal - 8 months
15% body fat
180 lbs
34-32 waistline
cut and dry (kita dapat hip flexors)
able to wear XL - L asian size clothes
2000-1500 cal a day diet

Mid Term Goal -4 months
Proportionate the waist size to body size (big size)
200lbs
big muscle size, high fat%
able to wear XXL asian size
2500- 2200 cal a day diet

Short Term Goal - every week
2-3 lbs pound per week weight loss
strict diet and supplementation
sleep and rest like a baby (if possible) everyday
no stress

Diet
very high protein, low carbs, very low fat

Supplements

Muscletech Nitrotech
BSN Cellmass
Dymatize Energized Expand Nitric Oxide
Nutrex Lipo6X
MetRX Bulgarian Tribulus
Muscletech Gakic
Twinlab Amino 1000

Ngayon nasa 3rd week na ko ng ginagawa ko, lumiit na tyan ko, nakikita ko na ulit itlog ko whooohhooo kaso ngayon para ko puno ng akasya sa dami ng stretch marks ko. Update ko kayo everytime about dito

Tuesday, October 20, 2009

Bye Dad!

Maraming nagtatanong bakit ako nawala sa eksena ng pagsusulat. Ang sagot dito eh nagkasakit kasi ang erpats ko. Nagkaroon sya ng super sakit na cancer, ang panget naman kung me sakit na nga sya tas nagsusulat pa ko ng mga kalokohan. Pero ngayon na pumanaw na sya pwede na ulit ako magsulat ng mga kagaguhan ko. Kasi eto naman ang gusto nya yung wag ako malungkot. Ayaw nga nun nakikita na umiiyak ako eh.

Mahirap pala na alam mong mawawala yung taong pinakaimportante sa buhay mo. Iniisip ko nga kung ano mas masakit yung biglaang kukunin ni Lord or yung alam mong anytime kukunin ni Lord at gusto mo na syang kunin agad ni Lord kasi nahihirapan na sya... Oo dumating sa oras na gusto ko ng kunin ni Lord si Daddy kasi hirap na hirap na sya sa sakit nya.

Grabe ang bonding namin ng daddy ko, sabi ko nga hindi lang ako nawalan ng tatay, nawalan din ako ng bestfriend. Sa totoo lang sya lang yung totoong kaibigan ko kasi sya lang yung totoong nakikinig sa akin. Sobrang miss ko na sya. Namimiss ko yung mga joke nya, yung pangungulit nya... Sabi ko nga nuon sa sulat ko sa kanya, kung bibigyan ako ng pagkakataon na pumili ng tatay ni Lord, sya pa rin yung pipiliin ko.

Kahapon habang naliligo ako, napaiyak ako kasi naalala ko yung oras na pinaliliguan ko sya kasi ndi nya na kaya maligo magisa. Tatay ko ang nagturo sa akin paano maligo, di ko inakala na darating yung oras na gagamitin ko yun sa kanya ang itinuro nya. Dami naituro ni daddy sa akin, pati pagdiskarte sa babae tinuro nya sa akin, dumating pa yung time na nambabae kami sabay at wingman namin ang isa't isa. Naisip ko nga nuon pareho kami style ni daddy, kinukuha ang chick sa sense of humor.

Sana di na lang nawala si daddy ng maaga... sana andito na lang sya sa bahay... I miss you dad!

Thursday, October 15, 2009

Blog Hiatus

Sa mga blog followers ko... miss nyo na ba ako!? Wag magalala malapit na ang pagbabalik ng mga sulatin ng gwapong gwapong si artiemous...