Pages

nuffnang

Monday, August 2, 2010

Bastos na Sinulat

Habang nasa trabaho ko eh bigla kong naisipang buksan ang facebook ko... Oo tama ka, isa ako sa mga sinuwerteng empleyado na me full access sa internet ang workstation. Pagbukas ko ng site nakita ko na me nagadd sa akin, isang teenager na lalake, wala kaming mutual friends ni isa at nagtaka ko... sino ba tong hindot na to na nagaadd sa akin, dalawang bagay lang naman, spammer or bading na desperado na magkabooking at humahanap sa internet na pati matabang mama na katulad ko eh papatusin. chineck ko yung account nya at hindi sya mukhang spammer, mukha syang matinong estudyante ng UST at hindi rin sya bading kasi me gelpren sya. Ok at dahil friendly ako inadd ko na rin sya. Hanggang isang araw na nagbukas ako facebook at nagmessage sya sa akin

Binatilyo: Hi! Ikaw ba si Artiemous
Tiboy: Ako nga... sino po sila, ayoko maging rude, pero hindi kita matandaan


At hindi na sumagot ang binatilyo... Nagtataka ako kung saan ko sya nakilala, hindi naman sya blogger. At lalong hindi ako sikat na blogger para makilala ng kung sino man. Hellooooo eh 300+ lang ang bumibisita sa website ko sa loob ng 3 taong pamamalagi nito sa world wide web.

Nagiisip pa rin ako kung sinong bata to... Isa ba syang espiya ng NBI, FBI, CIA, or Baranggay Tanod at sinusubaybayan nya ang facebook at online activity ko? Hindi ko pa rin sya makilala hanggang sa isang araw nagchat ulit sya sa facebook...

Binatilyo: Hi Ikaw ba si Artiemous
Tiboy: Oo, sino ka? (medyo naiirita ako kasi medyo busy ako)
Binatilyo: Ikaw ba yung artiemous na sumulat sa pantasya.com?
Tiboy: Ah... eh... Oo ako nga yun.
Binatilyo: Hehehe nabasa ko kasi eh!
Tiboy: Marami pa ko sinulat kung gusto mo punta ka sa blog ko
Binatilyo: Fiction ba yun?
Tiboy: Hindi blog ko yun, mga kuro kuro at kung ano ano pang kalokohan...


After 30 minutes...

Binatilyo: Ang galing mong magsulat!

Napaisip ulit ako... Tanginangshet! me fan ako! Whoooo! Pero hindi sya natuwa sa blog ko natuwa sya sa isang storya na sinulat ko 5 taon na ang nakakaraan... Oo storya to at hindi basta blog. Sumulat ako ng isang istoryang bastos ang topic sex story na parang xerex. Malamang bastos sya kasi napost sya sa pantasya.com! Hindi ko alam kung matutuwa ako or manliliit ako sa nangyari. Matutuwa kasi me nakaappreciate ng sulat ko, pero parang gusto kong manliit kasi nga bastos at kwentong malaswa ang ginawa ko. Nakakapangliit kasi malamang nabasa nya yun nung high school pa sya... Parang mali talaga eh

Pero kung iisipin ko at ijujustify, di ko naman kasalanan na nagbasa sya ng kwentong bastos, meron namang warning sa umpisa ng page. Kung pumasok man sya ng wala sa edad kasalanan nya na yun! hehehehe!

Ngayon, sino ba talaga ang mas bastos, ako na sumulat or syang nagbasa!?

Kung me magtatanong saan sa pantasya.com yung sinulat ko, bahala na kayo maghanap. Nakakahiya lang eh. Hahahaha!

~PisLabEnRaknRol

16 comments:

Oliver said...

hahanapin ko nga ung sinulat mo sa pantasya.com, hahaha

Artiemous said...

hahaha! sige sir gudlak sa paghahanap! :D

kikilabotz said...

naks..may fans siya. hanep. astig...

Ayie said...

Isa ka palang artist-ahin! Hahanapin ko ba???? hmmmmnn.. eheheh!

Salamat po sa pagdalaw sa blog ko. Sana magtagal ang palitan natin ng kuro kuro.

Ingats.

Jag said...

at dito ko lng nalaman ang tungkol sa pantasya.com na yan uhmmm...hehehe...salamat sa panagalawang beses n pagdalaw sa mundo ko parekoy!

Artiemous said...

@kikilabotz - oo nga wooohooo! celebrity na ako! :D

@Ayie - nahanap mo ba yung storya? cge sana mas marami pa kong blogs na maisulat :)

@Jag - talaga bang dito mo lang sya nalaman? hahahah! salamat din sa pagbisita :)

NoBenta said...

dati na akong nagbabasa sa pantasya. mahanap nga ang kuwento mo! blogenroll! \m/

in-add din kita sa fb. baka magulat ka ulit. bwahahaa

Greta said...

ang importante may fan at nakaappreciate sa sinulat mo!pak na yun ah!heheh..nacurious tuloy ako...

Rah said...

feeling ko at some point in our lives lahat tayo nag sulat, or nagattempt na magsulat (or magdrawing) ng something na bastos.

Rah said...

feeling ko at some point in our lives lahat tayo nag sulat, or nagattempt na magsulat (or magdrawing) ng something na bastos.

Coco said...

wow. influential ka na hehe -- www.thephilguild.weebly.com

Leah said...

Ang ganda ng blog nyo... Ooiii..may fan siya. hehe! san ba makikita yung pantasya.com na yan? nacurious tuloy ako.. wahaha! Dumaan na rin po kayo sa blog ko ha.. =)

http://neneleah30.blogspot.com/

Dylan Dimaubusan said...

Ah eh, ewan ba..

Hanapin ko kaya.. kaso baka mapunta ko sa porn sites.. wak na lang.

Lolz

At least may fan di ba..
Cheers!

glentot said...

homaygaaaaaaaaaad! Paboritong website ko yan, in fact dinownload ko ang buong website para mabrowse kahit offline! babasahin ko ang mga gawa mo dun pag-uwi ko mamamya! potahshit. Puro kasi Farut Barbakusi yung nababasa ko dati ahiihihi

YAKEE RICO said...

hahaha aus ah sana may magfan din sakin btw hahanapin ko ung pantasya.com para nman di na ko maging inosente hehehee

Tigasnapogipa said...

kung ang kabataan ay pag-asa ng bayan, ano na nagawa mo sa isang yun?