Pages

nuffnang

Friday, October 22, 2010

Ang Pangarap kong Pagpapari

Kanina lang habang naliligo ako naisip ko yung mga magagandang nangyari sa akin nung bata pa ko. Narealize ko lang na tangina mahaba haba na rin pa pala ang nararating ko sa buhay ko... Ang dami ng mga pagbabago dati maliit pa ko ngayon eh ang laki laki ko na at ang taba pa. Woooott woooot!

Hindi ko ineexpect na mararating ko ang kinalalagyan ko ngayon na kumikita ng pera. Oo kaibigan tama ang narinig mo na hindi ako umaasa na magtatrabaho ako at kikita ko ng pera sa trabaho ko! Marami sa inyo mga dear readers na magsasabi na "Artie tanga ka ba? or tanga ka lang talaga!? Sino ba ang taong magtatrabaho na hindi nageexpect ng pera!?" at me mga magsasabi rin na "Weh!? Di nga?! Pakyu ka! Ulol!" Ito ay dahil sa.... Nangarap akong maging pari! Oo! Tumpak nananaman ang narinig mo! Nung bata ako eh nangarap ako na maging pari... ang bait ko kasi nun talaga eh... Gago maniwala ka mabait talaga ako dati.

So paano ba nagsimula ang ilusyon ko na maging isang alagad ng simbahan at ng Diyos... (kinikilabutan ako habang sinusulat ko yun)

Grade 2 ako nun nang ayain ako ng isang kaibigan at kaklase na sumali sa Knights of the Altar sa isang maliit na kapilya sa lugar namin sa Daang Bakal st., Baranggay Harapin ang Bukas. Nakita ko yung classmate ko na nakasuot kulay puti na kung tawagin ay sutana at nasa harap ng altar at naka daop palad (naka -amen sign). Wow putangina parang artista lang yung gago! Akalain mong ganun ang itsura nya tuwing linggo pero sa school eh utusan sya ng titser na tagabura ng blackboard at taga benta ng nutriban sa klase. Dahil sa isa akong attention whore at sa murang edad ko na yun eh naisip ko na pagmabait ang lalake at palasimba eh maraming babae ang magkakagusto sa kanya (maling mali ang idea ko na to), although di ko pa naiisip nung mga panahon na yun na pwede kong isex yung mga babae na magkakagusto sa akin, eh tangina naman di pa ko tuli nun at maliit pa sya helloooo!

Sa madaling salita nagustuhan ko ang pagsisilbi sa altar at sa Diyos (kinilabutan nananaman ako) Nagserve ako at naging youth leader! See?! di mo inaasahan na naging mabuting ehemplo ako sa mga kabataan at for the record wala akong pinagsamantalahang youth na babae sa parokya namin, kasi nga ang pakiramdam ko eh mabait talaga ko at magpapari ako. Nung High School ako eh alam yun ng mga classmate ko na gusto kong magpari talaga kahit kasama kong namboboso ng mga babae na bakat ang utong dahil di pa uso nun yung padded bra at sumisimple ng siko sa boobs ng mga classmate namin na babae at walang pakialam. Pero di ko pa rin narerealize nung mga panahon na ito na hindi ako para sa pagpapari. Hindi ako nagkagelpren nung High School dahil sa ilusyon ko na maging pari pa rin ako pagtungtong ko ng college.

Nagcollege ako pero feeling ko eh magpapari pa rin talaga ko kahit sumisipa na yung testosterone sa katawan ko at unti unti na ko tinutubuan ng libog. Hanggang sa magkagelpren ako! Yari na! Nung simula ng relasyon eh kiss lang, yakap at konting hawak sa suso eh panatag na ko nun. Hanggang sa hindi ko na mapigil ang nagpupumiglas na tawag ng laman at nakatikim at nakadila na ko ng.... Umulos, sumikad, umindayog ang aking kaalaman tungkol sa larangan ng pagmamahal. At dito ko narealize na hindi pala talaga ako para sa pagpapari. Dahil hindi ko kayang ipagpalit ang lasa at sarap ng totoong luto ni bathala sa pagpapari.... ang sarap eh wooottt woooottt!

12 comments:

The Gasoline Dude said...

Meron din naman atang mga pareng manyak. (Pero hindi ko sinasabing manyak ka ha. LOL!)

glentot said...

Akon aman parang ngayon pa lang nakakaisip mag-pari. Payagan kaya ako?

Tags said...
This comment has been removed by the author.
Tags said...

pwede pa rin naman eh... sa Parokya ni Edgar! woooot woooot!!! naisip ko rin ya nung hayskul tuwing retreat namin, kasi crush ng mga klasmeyts ko yun pari... pero di pwede kasi iba religion ko eh. hahaha... so sabi ko yun counterpart na lang nun sa religion namin kasi ganun din ang effect, parang chick magnet. yun nakatatak sa utak ko, hanggang mabigyan ako ng tsansa na makapag-aral sa Pamantasan Malapit sa Airport... naglaho na yun pangarap na yun. Lalo na nung matikman ko na yun luto ni Bathala... Then lately may narinig ako na profession sa US na mukhang mas maganda kesa sa pagpapari... narinig mo na rin yata yun eh... yun Orgasm Coach... mas astig yun kesa mag OB-GYN ka... hahaha... sana may iskul nun dito para makapag short-course... lol .

Xprosaic said...

Bwahahahahahaha... ala lang...wala na akong masabi... hehehehehe... ituloy mo na lang kaya magpari... hehehehehhe

Ako si Yow said...

Medyo naramdaman ko na libog ang humadalang sa iyong pagpapari. Bakit ngayon na lang ako nalibot dito? Lagi ako nagbabasa dito ah? Haha. Nagiba ka ba ng link?

mots said...

hahah buti di ka natuloy! kundi kawawang mga madre yan

Artiemous said...

@gasoline dude - salamat at naisip mo na hindi talaga ko manyak, marami lang talagang bad girls eh biktima lang ako

@glentot - idol try mo baka nga me calling ka. hahaha!

@tags - gusto ko rin maging orgasm coach, pangarap ko yun nung grade2 ako.

@xprosaic - iniisip ko rin kung itutuloy ko, kaso di ko maiwanan at tuluyang makalimutan ang luto ni bathala

@yow - salamat sa pagbisita, hindi ako nagpapalit ng link. lagay mo na lang sa blogroll or xlinks tayo para masaya.

@mots - naku ako ang kawawa, isa sa mga reason ko bakit ako magpapari kasi sabi nung pari na nagaya sa akin eh, masaya daw sa seminaryo kasi sabay kami maliligo ni sister... di pala totoo yun

@lahat na bumabasa na hindi nagcocomment - me sumpa ang blog na ito, pag di ka nagcomment mababaog ka!

thegreatmaldito.com said...

laking pasalamat ko at hindi ka talaga tumuloy..kahihiyan sana sa buong simbahang katoliko kung may paring manyak.

ahahahhaa....joke.

dati din ako utusan ng simbahan...ayon....pero sabi nila, once you go black..you will never go back...

basta parang ganun..masarap ang gumawa ng kaslanan kung minsan e.ahaaha

humanbullshit said...

whoa! didn't see this one cuming.

i mean, coming.

pare, pag nag-pari ka...isipin mo na lang...hanggang pang-ihi na lang yan sige ka..

Artiemous said...

@thegreatmaldito.com - hahaha once you go black, you'll never go back... di ba sa mga porn movies to?! :D

@humanbullshit - yun nga rin isang kinatakot ko pangihi na lang ang gamit, baka magkaprostate cancer ako di kasi nagagamit ng tama :D

Avee said...

Fotah! hindi nga Artie?! Magpapari ka dapat?! Haha. Biro lang. Pero lam mo dude, pare naniniwala akong mabait ka... Dahil di ka magugustuhan ng friendship ko kung hindi :D :D :D See you soon! Visit mo blog ko ha thoughtbubble-avee.blogspot.com and my photoblog shoot-happens.blogspot.com :)