Pages

nuffnang

Thursday, November 11, 2010

Kasalan na!

Maraming nagtatanong bakit daw wala akong blog 2 weeks na, ang sagot ko eh dahil busy ako sa trabaho at busy ako sa pagiisip at pagaasikaso ng kasal ko.... Oo tama tanginang yan, ikakasal na ko. Iaalay ko na ang buhay ko sa aking babaeng iniirog. Wag ka ng kumontra! Totoo nga ito at hindi ito talk shit lang. At kung sa tingin nyo eh napakasalbahe ko na lalake eh nagkakamali kayo, hindi ako badboy, marami lang talagang bad girls at biktima lang ako.... syempre ang yummy ko eh. Pero alam naman ng lahat ng tao na hindi ako nagpapasalbahe kahit kaninong babae. Kahit alam ko na gustong gusto na nilang papakin at tikman ang aking masarap na puri eh hindi sila magtatagumpay.

Oo tama kayo, nakatagal ang gelpren ko sa akin at pumayag sya na magpakasal sa akin... epektib talaga yung pawis ng salagubang tas ihahalo mo sa laway ng langgam sa puno ng mangga. Yung malalaking langgam na pula ah. (yung me gusto ng sangkap nito PM nyo ko) Kaya nga napapayag ko sya na mahalin ako ng buo kahit sirang sira na ang aking kaluluwa at ang aking puri dahil sa dami ng babae na nagsamantala sa akin eh tinanggap nya pa rin ako.

Mahirap na masarap pala ang ikakasal parang first sex lang. nakakatakot, nakakaexcite, nakakalungkot, nakakatuwa, me mga oras na parang nakakatae din pag naiisip ko na itatali na ko sa babaeng aking minamahal. Bubuo na ako ng sarili ko pamilya at talaga namang paglilingkuran ko sila ng palong palo!

Parang kailan lang eh naalala ko pa kung paano kami nagkakilala... Nagtext sya sa akin na nakita nya daw ang number ko sa banyo ng babae sa mall "hanap text mate, text me 0917... .... girls only... pogi here" ayun at dahil kakaiba daw pangalan ko eh nagtext sya at yun ang simula ng aming matamis na pagsasama. Pero seriously speaking eh nagkakilala kami dahil sa blog... Oo multiply pa uso nun, nagbabasa sya ng blog ko na bastos at puro kagaguhan, di ko rin maisip na pumapatol sya sa abnoy na katulad ko... nagchat, nagmeet at ayun yumabong na ang aming masayang relasyon. Maraming marami na ang nangyari sa amin. Masaya, malungkot, nakakagimbal at maaksyon, parang pelikulang pilipino (me dance number pa nga eh, parang regal films lang).

Natatandaan ko pa nuon nung nangibang bansa ako para maging hosto, eh akala ko eh hindi na tatagal ang aming relasyon. Pero nagtagal pa rin kami at umabot ng 2 taon ang aming pagsasama at ngayon nga eh susumpa na kami sa maykapal na kami ay magiisang dibdib na. yiiiheeee!!!! Dati sinasabi ko pa nuon nung binata pa ako at libre pa ang katawan ko sa mga babaeng gustong umangkin "Hindi ko pwedeng gustuhin na maging dalawa ang puso ko... kasi ngayon pa nga lang na iisa eh, marami na ko minamahal yun pa kayang dalawa di mas marami na ko mamahalin nun" eto katwiran ko dati, pero ngayong dumating na sya sa buhay ko eh sinasabi ko na sya na lang ang pakamamahalin ko habang buhay at sya lang ang me ari ng puso ko forever!

Pero pramis, gago man ako at mukhang di gagawa ng matino at hindi magpapahuli ng buhay eh marunong ako magmahal, at pag nagmahal ako eh sumasagad talaga, yung todong todo, yung naguumapaw at walang paghugot na pagibig. Kahit di maniwala ang karamihan eh loyal talaga ako... gago maniwala ka loyal nga ako!

******************************************************************************

Para sa aking minamahal na si Ruth Ann :)

Thank you....

For your patience, understanding, acceptance, love and care. Thanks for being sweet and being makulit. Thanks for all the good times and even the bad times. Thanks for making me smile and laugh all the time. Thanks for appreciating the food I cook even if its not good. Thanks for staying with me even if im "masungit" sometimes. I really do appreciate everything about you... Pramis!

I love you by!

23 comments:

- A n n - said...

wow naman, nakakataba ng puso! ♥ thanks by for this sweet post...i love you!!!

The Gasoline Dude said...

WAH! Napangiti ako ng post mong 'to. Nakakatuwang makabasa ng kuwentong puno ng kakiligan at pagmamahalan. Good luck sa pagbuo ng bagong pamilya. :)

Ako si Yow said...

Wow. Congratulations. :) Ang sweet ng post na to. Cheesy kung keso. Haha. Nakakatuwa pag ikakasal. At ang cool kung pano kayo nagkakilala. Blogger din pala si Ate. Sobrang cool. Best wishes. :) God bless. Stay in love.

Artiemous said...

@ruthann - hehehe mahal din kita. yyiihhhheeeee

@gasoline dude - salamat naman at napangiti ka ng blog na to

@yow - oo ayun yung blog nya sa itaas :D

glentot said...

WOW CONGRATULATIONS!!!!!!!!!!!!!!!!

hArTLeSsChiq said...

huwaw!! ang sweet naman ng post na ito, nakakakilig. Naiihi tuloy ako..LOL

CONGRATULATIONS!

- A n g e l - said...

Ayunoooh! Woohoo! Haba ng hair ni Ruth Ann natatapakan ko na dito all the way from The Fort!

Hexcited na ko! Welcome to our crazy and abnormal family! Haha! Just always remember the love you have for each other when everything else in your world is going tough, and you'll be alright.

Stay happy and in love. ♥

Greta said...

naman!congrats...hang sweet...may pagiibigan pa lang mabubuo mula sa pagbblog!ahooooo

best wishes! :)

Artiemous said...

@glentot - maraming salamat sa pagbati! :D

@hartlesschiq - marami rin salamat sa pagbati! sana di ka naihi sa panty

@ate angel - kasama ko lang si ruth ann ramoso kanina lang sa me earles. thanks! :D

@greta - oo isa kami sa mga taong nabuo ang pagiibigan sa mundo ng blog at internet. :D

Moks™ said...

Par, salamat sa pagbisita sa blog ko....kaya bibisitahin din kita.

BTW Congrats!!! and Welcome to the Real World...ang buhay may asawa!

Chingoy said...

uy congrats...

welcome sa magulo at masarap na mundo ng pag-aasawa

Avee said...

Awww... Eto lang masasabi ko: *teary-eyed while reading this*

Artiemous said...

@moks - maraming salamat sa pagbati sana maging tuloy tuloy ang saya ng aking mundo ng pagaasawa! :D

@chingoy - salamat din ng marami, sana konti yung gulo at maraming yung sarap! :D

@avee - naiyak ka ba kasi natouch ka? or naiyak ka sa mga kaabnoyan na sinulat ko? hahaha! :D

ro anne said...

wow congrats naman!!! :) i blog ang wedding :)

C.C. said...

AWWWW sana magkakaganito rin ako someday! sa blog pa nagkakilala e ang kulit!

OO NA IKAW NANG IKAKASAL! di ka magiging masaya! hahaha biro lang.

congrats!

Artiemous said...

@ro anne - salamat, oo pag natapos na yung kasal iboblog ko ang buong experience

@CC - hahaha Oo sa blog kami nagkakilala sa multiply... saka pramis gagawin ko lahat para maging masaya kami. Clown ako nun eh hahaha!

goyo said...

Maraming salamat sa pagdalaw mo sir sa kuta ko at pagbati ng sa Blosarry ko.

Congrats sayo sir. Ikakasal ka na pala. Mas matindi ang selebrasyon na yan kumpara sa kahit ano pang pangyayari.

Tama na ang pambababae, ibalato nyo na lang sa'meng mga kabataan yun. HAHA!

Michael said...

NAKS! Ayossss! Congrats to you both and may the Lord bless you with years and years of happy marriage...

Show Me Your Look Today

Artiemous said...

@goyo - slamat sa pagbati mo, ndi naman talaga ko babaero eh, sila yung lalakero biktima lang talaga ako

@Michael - maraming salamat sa pagbati! heheeh! :D

Oliver said...

ang sweet naman!
pero, natawa ako sa pawis ng salagubang, haha. epektib ba? kelangan ba tuwing kabilugan ng buwan naghaharvest? =p
i think you'll have a fun marriage. sa sobrang kalog mo baka parehong laging masakit ang tyan nyo.... sa kakatawa, hindi sa jerbaks, hahaha.
sana ikwento mo ang iyong wedding preparations dito!
Congrashuleshons!

thegreatmaldito.com said...

blog ba to ni kim and gerald? parang nawala ata ako..ahahhaa..

oo na..kayu na ang maligaya...kayu na ang nakakita ng pag ibig....oo na....OO NA!!!!!!!!!!!!!


bitter? feeling may ari ng blog? amputcha..

pero pare...im happy for u...walang halong biro...

kahit na hindi ako naniniwala na mabait ka. lols

Tsina said...

best wishes!!

Artiemous said...

@oliver - salamat sa pagbati, hayaan mo pag natapos ang lahat ibablog ko ang lahat ng preparations na ginagawa namin

@thegreatmaldito - hahaha salamat sa pagbati saka oo pramis mabait talaga ko! wooott wooott! :D

@tsina - salamat sa pagbati, natuwa ako sa blog mo kaya inadd kita sa blogroll ko :D