Pages

nuffnang

Friday, December 2, 2011

Happiness Strikes!

Disclaimer: Ang inyong mababasa eh isang matino at seryosong blog ni Artiemous, patnubay ng nakakatanda ay kailangan....

Minsan sa isang parte ng buhay ko eh naging OFW din ako. Hindi matagal, almost 4 months lang ,nang pinadala ako ng kumpanya ko para mag train ng mga puti. Isa sa mga pinakamasaya at pinakamalungkot na bahagi yun ng buhay ko. Excited ako noon, pero at the same time malungkot, iiwan ko kasi ang pamilya ko, at ang kakaumpisa pa lang na relasyon namin ng gelpren ko (na ngayon eh asawa ko na). 

Yung unang tatlong linggo ng pamamalagi ko sa ibang bansa, literal na iyak ako ng iyak, miss na miss ko ang pamilya ko. Ito ang unang pagkakataon sa buhay ko na hindi ko sila makikita ng napakahabang panahon. Salamat sa technology at kahit papaano eh nakakausap ko sila at nakikita sa webcam. Miss na miss ko ang Nanay ko at Tatay ko na nung oras na yun eh buhay pa sya. Namiss ko nuon ang mga kapatid ko at ang mga pamangkin ko. Kahit ba sabihin mo na nakakausap mo sila at nakakakwentuhan via Internet eh iba pa rin yung nandyan lang sila. 

Ang lugar na pinuntahan ko eh isang bansa sa Eastern Europe, na sobrang lamig. Nakakamatay ang lungkot lalo na pag malamig talaga. Mahirap mahiwalay sa minamahal sa mga panahon na ganun. Hindi pala sya madali, kahit ba sabihing inuukopa ng trabaho ang oras ko, pagdating ng gabi at magisa na lang ako sa kwarto, duon ako papasukin ng lungkot. Namimiss ko yung totoong kwarto ko, yung amoy ng totoong unan ko, yung kama ko, yung TV, yung mga sapatos na minsang nakakalat sa sahig... Sabi nga, 'there's no place like home'

Yung experience ko bilang OFW eh sandali lamang. Paano na yung ibang kababayan natin na 5 hanggang 10 taon nang hindi umuuwi at nakakapiling ang sarili nilang pamilya. Hindi sila makauwi dahil sa tindi ng responsibilidad nila sa Pilipinas. Pag di sila kumayod sa ibang bansa, hindi magiging maganda ang kinabukasan ng kani-kanilang pamilya. Isang matinding sakripisyo ang ginagawa ng iba nating kababayan. Isang matamis ngunit mapait na pagdaraanan, hindi dahil sa gusto nilang mahiwalay sa pamilya, ngunit dahil gusto nilang maging masaya at maayos ang kinabukasan ng naiwan nila sa Pilipinas. Kung marami nga lang ba na oportunidad sa sarili nating bansa, sino ba naman ang gusto pang mawalay sa kani-kanilang pamilya at tahanan. Hindi madali, masakit, mahirap ang pinagdaraanan ng mga kababayan natin. Andyan yung, hindi nila nasasaksihan ang mga magagandang bahagi sa buhay ng myembro ng pamilya... Yung unang hakbang ng anak, unang salita at unang pakikipaglaro. Yung pagdadalaga ni Nene, at yung pagbibinata ni Junior. Sino ba naman ang me ayaw na masaksihan yung Graduation ni Ate at ni Kuya. Yung Birthday celebration ni Nanay at ni Tatay. Marami pang pagkakataon ang namimiss ng ating mga kababayan. Tanging dasal ko na lang eh sana maging maayos, kampane at panatag sila at pati ang pamilya nilang pinagaalayan nila ng pagod at hirap.

Napanood ko sa facebook yung Youtube ads ng Coca-Cola na 'Where Will Happiness Strikes Next: The OFW Project' hindi ko napigilan ang sarili ko na maluha sa saya at lungkot sa video na ito. Sana maraming marami ang natulungan ang coke sa ginawa nilang ito. Napakaswerte ng pamilya na napili ng Coca-Cola para sa project na ito. Binuo ng video na ito ang araw ko... Salamat Coke



Tuesday, November 22, 2011

Wrong Love


Sabi ko nga sa isa sa mga blog ko, isa sa pinaka masarap maekspiryens sa buhay ng isang tao eh ang magmahal at yung mahalin, iyun bang kinikilig kilig ka pa at parang me kumukurot kurot sa eggs mo pag magkasama kayo or sumusundot sundot sa kuntil mo pag nagkukwentuhan kayo... Karamihan sa mga magsing-irog eto yung hinahanap-hanap sa relasyon, yung kilig factor. Yung magic, yung spark, yung 'it' at marami pang katawagan. Maraming naniniwala na importante daw yung 'magic' na yan sa relasyon, kasi nga naman, ito daw yung nagbibigay ng sarap sa isang relasyon, yung nagwawater water sila tuwing maiisip nila ang isa't isa.

Ok ang mainlove, pero hindi ko lang magets kung bakit me mga tao na pag naiinlove sila eh kagalit nila ang mundo. Yun bang 'You and me against the world' ang drama nya. Yung kinakalaban nya ang buong mundo pag me karelasyon at kinakalimutan ang lahat basta me boypren or gelpren.

Meron kasi akong kilala, na pag wala syang kasintahan eh kaibigan nya ang lahat, kailangan kaawaan sya ng sambayanan kasi nga wala syang relasyon. Kailangan makisimpatya ang universe sa pagiging singol nya. At syemrpre dahil kaibigan mo kailangan tulungang makahanap ng makakasex makakadate nya. Pero ang pinaka mais sa lahat eh yung pag nahanap nya yung tao na yun eh kakalimutan na nyang magkaibigan kayo. Pag inlove sya gagawa sya ng eksena sa pagkakaibigan at sa barkada at guguluhin nya ang mundo nyong nanahimik. Oh di ba ang sarap lang ihagis sa kumulong mantika dahil sa ugaling ipinapakita. Dahil nga sa ugaling asal nitong hinayupak na to eh wag ka ng umasa na magtatagal ang relasyon nya. Pagkatapos lang ng tatlong buwan eh malamang hiwalay na sila ng sing-irog nya na inalayan nya ng buhay nya. After that eh magkakaibigan na ulit kami.

Hindi ko alam kung ako lang ang me kakilalang ganito ang ugali or marami ang naglipana sa earth na parehong kwento. Ang alam ko lang kasi eh marami ang nababaliw sa pagibig, isa na nga rito yung kaibigan ko although sya naman eh nagbabaliw-baliwan. Nagpapapansin lang ba. Kulang sa atensyon baga. Isa lang naman ang masasabi ko sa kanya eh, ang buhay ng tao eh hindi parang Burger King, you can't always have it your way...

Marami rin akong kilala na ginagawang laruan ang pagibig, ginagawa nyang kasangkapan ang pagmamahal para makatikim ng iba. Marami kasi sa mga babae eh hopeless romantic lalo na yung mga shunga shunga. Kakaibiganin sandali tas sasabihan ng 'i love you... syo ko lang naramdaman ang ganitong klase ng pagmamahal' tas after nun maniniwala si babae, tas sasagutin si lalake after 3 days magsesex na sila after maka score si lalake ng marami-rami, iiwanan si babae. Ganun kasimple para sa isang tropa ko ang sinasabing pagmamahal. Sabi ko nga sa kanya eh... "Sige lang, banat ka lang ng banat, ingat ka lang kasi baka bukas eh mahulog na lang yang dulo ng etits mo sa inidoro..." aba mahirap kayang habulin yun, lalo na pag lumubog na talaga sa ilalim, buti sana kung lulutang eh.

Wednesday, November 9, 2011

Me Sakit si Artiemous

ninakaw ang pichur dito

Medyo matagal nanaman yung hindi pagpost ng gwapong gwapo at poging pogi na si Artiemous, nagkaroon ng medyo malubhang sakit ang inyong lingkod. 5 araw akong pinagpapahinga ng doctor, pero yung limang araw na yun eh nasa hospital clinic lang ako palagi. Maghapon ako nagaantay para sa resulta ng kung anik anik na test, (bugbog na ang ugat ko kakakuha nila ng dugo) maghantay sa doctor na sobrang late, at magantay sa isang genie na maga-grant sa akin ng 3 wishes... pasensya na nadala lang ako nung napanood kong aladin kanina sa clinic!

Hindi masaya magpabalik balik sa ospital, kahit ba sabihin mong nasa loob ng mall ang mga clinic ngayon. Nakakapagod at nakakainip, yun pa naman yung pinaka ayaw ko sa lahat yung naiinip ako, yung wala akong ginagawa at nakatunganga lang. Gusto ko sanang maglakad lakad sa mall para cool, pero syempre dala ng dinaramdam kong sakit, wala akong choice kundi maupo, maghintay, at mainip.

Ok lang naman sana yung magantay at maupo basta meron kang nakikitang kanais nais, ang kaso walang magandang view sa ospital. Marami sa inyo ang malamang magaadvice na, "Artie dapat pinagana mo yung radar mo at sumipat-sipat ka ng mga nurse na hot!" Putangna! Anong hot dun? Eh puro betlog yung mga nurse dun sa clinic, at tatlo sa limang betlog na nurse eh gusto yata magkaroon ng keps base sa inaarte nila! Ang saya di ba?! Wala na yung mga nurse na chick, yung mga nakikita mo sa mga porn video yung nakalabas yung cleavage nung fake na boobs tas maikli ang skirt tas walang... sabay sa saliw ng slow music na 'bowwow- chicka -wow-wow, chicka-chicka-wow-wow'. Wala na rin yung mga sexy at palung-palo na mga doctor na babae. Ang mga doctor duon sa clinic kung hindi matandang babae o kaya eh lalake... talo ang bigayan mga brod! Oh my gosh, syempre kung meron man na ganun eh di ko papatusin yung nurse at doctor na yun, magagalit ang misis ko kasi bad yun eh! Kung totoo man yun, hinding hindi nya ko mahahawakan ni hibla ng buhok ko!

Habang nagaantay ako nagmamasid masid lang ako ng mga taong naglalabas pasok sa clinic. Andyan yung mga taga call center na pumunta sa clinic para kumuha ng Med Cert kasi umabsent, marami sila dun sa Family Medicine. Kung itatanong mo kung paano ko nalaman na taga call center din? Eh kasi kung magsalita me 'twang' at me 'meeerican ackhzzzzent. Pero yung itsura parang aattend lang ng rally sa Mendiola or nautusan lang ng nanay na bumili ng kangkong sa palengke. Meron din naman na mga konyotik ang itsura, ang ganda ng itsura ni ate, alagang belo ang kutis tas ganda ng ngiti parang ang bango ng hininga parang pati singit at kuyukot amputi-puti, pero puta pag nagsalita na... Yari ka! Parang tambay lang din sa kanto ang putangna! Parang tumatagay lang ng gin- bulag pag ala una ng tanghali!

Pag magisa ka lang talaga marami ka marerealize, ang dami dami kong napagisip-isip tungkol sa buhay ko. Pero nung ginamitan ko ng fishbone  at 6 sigma analysis yung naiisip ko, ang root pala ng gusto ko eh ang yumaman. Sabi nila hindi nabibili ng pera ang kaligayahan... pero parang kaya ko yun basta me budget. Hanggang dito na lang muna at kukunan pa ko ulit ng dugo!

Wednesday, November 2, 2011

Earn Online


Again, I apologize for my readers if I’ll write again in English, I just need to practice this way of writing since I’m thinking of getting paid for blogging. I know, I know, I’m a freakin’ sell out, so curse me and stone me to death…  I just need an extra income so I can live 1 scratch 1 peck (isang kahig isang tuka puta… oh di ba ang hirap talaga ng English, nakakadugo ng ilong pati nakakabulok ng daliri sa pagtatype) my golly banana!

I was thinking of utilizing the World Wide Web for me to earn a few bucks as a sideline. I was looking at some ads if they’re in need of a fat guy, big bellied, handsome Asian porn star so I can apply… it took me almost 24 hours and the big result is… EPIC FAILURE  


Ok I know I could write a few words here and there, yeah it ain’t a perfect grammar, it’s far from being good actually and thanks to MSOffice Word spell checker it can correct my misspelled words, so I’m still thinking of using it to get some dollars from some people who is looking for big fat blogger like me. I hope they would hire me, but then again, I’m a humor blogger, who wants comical review from their products, or funny point of view if the topic is about religion or if the topic is about mistresses and infidelity (Geesh, I don’t even have an idea about this infidelity of men specially in womanizing)… Do I need to get serious here? Really? This is going to be tough for sure…


I’m browsing the net and I saw this post of a blogger about pay to click, it says that I’ll get paid by just clicking their ads. OK it’s quite interesting and the curious and inquisitive inside of me checked it with Mr. Google and Alas, I found a lot of information about this pay to click. They will pay you few cents for every click on their ads, not bad right? I read some blogs from people (Filipino) and they’re saying that its for real and they’re actually earning showing you their receipts and all. 


I actually registered myself with the sites and click some ads myself, and guess what… Not really bad, it was actually fun… Now you can click the links below so you can also try this thing. Some of you might say, “Artie, I thought you’re logical, and thinking clearly… your current work is for you to think objectively, and by doing this… you’re crazy!” Yes, I might be crazy, but I’m not wasting any money here… I’m just clicking ads.  You might want to try this one too if you like, and for some of you who got experience in this pay to click business… I need your advice... I need to earn money.

Oh by the way, you can donate to my Paypal account if you want, just click the banner on the side. 

Tuesday, October 25, 2011

Soulmate what?!

My wife and I were discussing a few weeks ago regarding soul mates and in reality I don’t actually believe it this theory. I believe that people make their own destiny and its based on their decisions and how they will work on it to happen.  I don’t believe that its destiny's fault why two person meet, unless the person's name that introduce them to each other is Destiny. (its beri beri dipikolt to inglish here, its bloody nose ebriwer!)  



My wife really believes in this shenanigan (i still don’t see any logical explanation for it) As much as I don’t believe in stars, signs and horoscopes... Ok she's my wife and I dearly love her so I won't argue, I’ll just respect her belief thus I need to have an open mind regarding this concept. I researched a bit  regarding 'soulmate' and its not difficult to find this topic on the net, but most of them are really girly stuff and the only thing that caught my attention about it is written by old philosophers. As I learned it was Aristophanes, a well-known comic satirist, who invented this concept or theory he said that before there were 3 sexes (ayos me bading na pala talaga dati pa nung panahon ni Zeus)  a man, a woman and an androgynous Primeval man, he said that Androgynous had four hands and four feet, one head with two faces, four ears, two privy members (genitals) and was round, with his back and sides forming a circle. 

The Androgynous beings were very strong, ambitious and proud. They tried to scale Mount Olympus and attacked the Gods. As punishment, Zeus split them into two to weaken them and increase their numbers so they would be more profitable for the gods, because more people would pay homage to them.

After the division, continued Aristophanes, the two parts of man, each desiring its other half, came together, throwing their arms about one another, longing to grow into one... Each of us when separated, having one side only like a flat fish, is always looking for its other half.  ( o hindi ba isang malaking kagaguhan yung concept noon pa man!? Ha!) 

According to one of the articles that I read,” Soulmate is your perfect partner, one whom you feel a deeper connection to than anyone else. You can also call it true love. Some people have different beliefs about a soulmate. Some people believe that a soulmate is a lover from a previous life. Others think that a soulmate is a piece of your soul that was placed within another person. That is why you spend your life looking for the other half. Whatever you happen to believe, a soulmate is more than just simple physical attraction. It goes deep and can make you more complete than any crush or infatuation.” 


So if that’s the case then it’s just a simple attraction between two people amplified by situation and preference. If it’s the case of liking the same thing, thinking the same thing, and doing almost the same thing, then in truthful I haven’t found that soulmate yet…. Liking what she likes and doing what she does, this would make me gay right?! Now if it’s the case of one person completing you and just simply can’t live without seeing her smile, hearing her talk, listening to her day to day activity over and over again without getting tired of it... Living with her without pretentions what so ever, and just laughing our asses off all the time…  If that person is the one that never gets tired of being with me and having a heluva of patience to my kasungitan and pagkakalat… If that person is the one that really makes me happy every single day…  Then even if I don’t believe in the concept of it I think I already got my soulmate and no one can take her away from me




Friday, October 21, 2011

Blog para sa Idol ko...

Eksayted na ko mapanood ulit ang laban ng isa sa mga idolo ko, sasabak nanaman kasi sya sa isang bakbakan na itataya nya ang kanyang dangal at ang pangalan ng bansa natin... Hindi si Lito Lapid ah! Si Manny 'Pacman' Pacquiao. 

Sa mga hindi nakakaalam fan ako ni Manny bilang boxer hindi lang ngayon na sikat na sya kundi dati pa mga 6 months pa lang ako nun eh... Pero hindi lang ako fan ng boxing dahil ke Pacquiao, fan ako ng larong ito simula dati pa, nagsimula ito nung naglaro ako ng Punchout sa Family Computer dahil ke Tyson. Natatandaan ko pa ang pinakaunang boxing match na pinanood ko nun, yun yung laban ni Mike Tyson vs. Michael Spinks... Knock out si Spinks sa 1st round pa lang. Eksayting talaga ang boxing pero syempre mas eksayting pa rin panoorin yung torohan.

Napanood ko ang isang laban ni Pacman kasama ang erpats ko sa Mandaluyong Gym, kalaban nya nun yung taga Thailand para sa Oriental and Pacific Boxing Federation Flyweight Championship. Napabagsak ni Pacquiao yung kalaban nya sa 5th round... Simula nun sinabi ko na sa susubaybayan ko ang laban ni Manny Pacquiao. Hindi pa sya sikat nuon pero nagustuhan ko yung laban nya. Wala pa kong alam sa mga teknikal na aspeto ng boksing nun. Nagustuhan ko lang yung laban nya kasi nanalo sya at pers taym ko makapanood ng live na boksing.

Sinubaybayan ko ang lahat ng mga laban ni Pacquiao, dinownload ko pa ang mga laban nya na international fights na hindi pinalabas sa TV, or kung pinalabas man eh hindi ko napanood. Pero perfect knockout talaga yung laban nya ke Ricky 'Hitman' Hatton.

Sa mga hindi nakakaalam lumubog na ang sports na boxing hindi lang sa Pinas kundi sa buong mundo, hindi na sya napapansin ng karamihan pagkatapos ng kasikatan ni Hollyfield nawala na ang ningning ng larong ito. Nauso na kasi ang mga Drama rama at yung mga teleserya. Mapapansin din dito na talaga namang mas marami ng babae kesa sa lalake at yung mga lalake eh mas gustong maging babae. Isa si Pacquiao na nagbalik sa estado ng boxing sa buong mundo.

Aaminin ko, hinding hindi ko nagustuhan si Pacquiao bilang Politiko, Artista, Host, TV Personality, at lalong lalo na bilang Singer... Pero sa mundo ng boxing, sya ang pinaka magaling para sa akin...

Wednesday, October 19, 2011

Ang Pagbabalik ng Matabang Byahero sa Blogosperyo

Limang Buwan...

Limang Buwan na Nawala sa Mundo ng Blogosperya....

Limang Buwang Tigang sa Pagsusulat at Pambuburaot...

Hindi na Matiis ang Pangungulila sa mga Sulating Kagaguhan...

At Higit sa Lahat.... 

Namiss kayo ni Artiemous



ABANGAN....






Tuesday, May 24, 2011

Orayt na Pormahan

Ang aga ko pumasok kanina sa opisina kasi nga dahil me naunang nagpareserve ng training room kelangan ko mag adjust sa kanila. Di tuloy ako nakapagbuhat ng mga bakal na amoy kalawang dun sa gym sa kabilang baranggay.

At syempre dahil nga maaga ako sa opis hindi na rin ako nakapag pagupit.... 3 weeks na ko hindi nagpapakalbo kaya mukha ng pang rugby boys yung buhok ko! Nyeta!

Naisip ko na babawi na lang ako paguwi, tatakbo ako from RCBC to Mandaluyong medyo natagalan na kasi ang huling matinding cardio ko, last week pa nung nagbasketball kami sa kumpanya at syempre panalo kami! Oo panalo kami sa puso namin at panalo kami pagkakaibigan, pero talo kami sa game... Shet!

Bago ko umalis kaninang umaga nagprepare na ko ng gamit ko na pangtakbo! Running Shoes - check! Shorts - check! Sando - check! Music player arm strap - check! Condom - check! Sinalampak ko na lahat sa bagpack ko at handa ng umalis ng bahay...

At dahil me training ako kailangan pala medyo spooting ako, kelangan me kwelyo ang suot ko! Shet kailangang pumorma ni Artiemous, ayoko namang sabihin ng mga trainees ko na "Putanginang trainer namin mukhang hampaslupa! at mukhang mahirap! Shetness!" Nagisip ako maigi ng isusuot ko, nagsimula ako magmuni muni ng alas kwatro ng umaga hanggang alas otso ng umaga.... Ting! Ayan me desisyon na ako!

Since di pa ko nagpapagupit at hindi nagshashave sakto na pang rugged look, kaya sinuot ko ang checkered na long sleeves na black and white, suot ko yung tatered pants ko at syempre ang paborito ko na Timberland shoes na kulay dilaw na tae ng asong me parbo!

Orayt na! Pwede na yung porma ko... County classic! parang model lang ng MCJ at ng Guess! Ohmayghaliwaw! (Hindi RRJ, punyeta! pang jologs yun shet ka!)

Natapos ang araw ko sa opisina at bago ko umuwi eh talaga namang bumuhos na ang ulan at ang aking mundo'y lunuring tuluyan... hatid mo may bagyo dalangin ito ng puso kong... sumaaaasammoooo! (Oh kumanta pa!? hahaha!) At dahil sa ulan eh hindi ako nakapagjogging, malay ko ba naman kasi na magiging accurate ang PAGASA sa forecast nila!

Sumugod na ko sa ulan bahala ng magkasakit ayoko sa lahat ng naghahantay sa wala... ayoko rin naman na bumalik sa opisina dahil malamang eh magtatrabaho lang ako! Nakasakay na ko ng bus pero basang basa ako talaga, narealize ko na me extra shirt pa pala ko sa bag at dahil magisa lang ako sa likod ng bus, nakapagpalit ako ng damit na hindi nabobosohan... walang nakakita sa pink ko na utong at mabuhok ko na dibdib. Sinot ko ang sando ko, pero di na kaya na magpalit pa ko ng pantalon, over na yun mga ate mga kuya... Pagbaba ko ng bus eh me narealize ako. Narealize ko na Orayt na orayt ang pormahan ko ah! Palong palo eh... Para lang ako kontraksyon worker.

Basketball jersey, sira sirang pantalon, sapatos na leather na kulay tae at syempre bag na malaki. Isama mo pa ang buhok na hindi napapagupitan at balbas na hindi inaahit! Tamang tama kamukha ko si manong na naghahalo ng semento at si kuya na nagjajackhammer para sa Manila Waters "We don't just lay pipes…We improve lives!” Putangnang pormahan yan CB na CB! Construction Boy! Eh choosy pa!? Wag na! Pwedeng pwede na yan! Hindi ka talo eh oh?! Pormang porma lang eh! Pwede na di ba? Apir!

Tuesday, March 22, 2011

Summer Luvin'

Wow its olreydi summer en i can olreydi feel the smoldering heat of the sun...homeyfekincow! Super arte much lang?! Eniweys,nararamdaman nyo na ba yung init at ang galit ni haring araw? Umpisa na talaga ng summer! Uso nanaman ang mga diet dietan, gym, workout, pagpapaopera at kung ano ano pang paraan para lang mangayayat at magkaroon ng Ebs sa tyan... ay Abs pala! Shet!

Sa totoong buhay, tulad ng nabanggit ko sa mga previous posts ko, eh mahilig din ako sa adventure, paglalakbay at paliligo sa dagat (hindi sa dagat ng basura, shet ka!) Oo lalo na ang dagat na me puting buhangin, gusto ko yung mga dagat na hindi pa alam ng maraming tao yun bang virgin island (Oh me nasabi lang "virgin" iniisip mo nananaman bastos ang patutunguhan ng post na ito!?) Unexploited water teritory! Gusto ko yung beach na walang resort, yung maglalagay lang ng tent at dun para matulog at dun na rin kayo magluluto ng pagkain.

Masaya sa ganitong klase ng trip... ang mahirap lang dito eh ang pagtae! Oo wala kasing CR hellloooo Virgin Island at walang resort so walang takubets. Kung talagang kailangan mo ng ilabas eh magpapakalayo layo ka, kukuha ka ng diaryo or pag minalas ka eh dahon ng kung ano anong pananim ang gagamitin mong pandewang or pampunas sa wetpu. Pero syempre nakakahiya yun! So bago ka tumae eh kailangan ang pakiramdam mo eh yung nagpapawis ka ng malamig, nagdidilim ang mga paningin mo at tumatayo na ang lahat ng balahibo mo sa katawan... yung kilabot na pati sa bulbol umaabot, then dun ka pa lang pwede tumae. Well pwede ka rin naman tumae sa dagat pero dun ka sa malalim na part para hindi naman obvious saka dapat sa konti ang tao para hindi ito mapulot ng mga batang naglalaro sa dalampasigan at isipin na isa tong maliit na bangka or submarine na lumulutang sa tubig.

Isa sa mga challenge sa akin sa mga camping trip na tulad nito eh ang pagkain, gusto ko kasi ako ang nagluluto para sa mga kasama ko at mga kaibigan. At tuwing me outing ng mga tropa na kasama ko eh walang palya na ako ang talagang magluluto. Ang saya lang ipagluto at busugin ng mga tao, lalo na pag sasabihin at pupurihin nila ang niluto mo! Nung naganawangin kami ni JR at Ryan ako ang official na taga luto ng pagkain. Sa awa ng diyos eh nailuluto ko naman ng maayos ang pagkain at sa tingin ko eh nageenjoy din naman sila.

Ngyon me outing ulit kami papunta ulit sa San Narciso at ako ulit ang magiging tagapagluto. Exciting much! at this time mas marami akong ipagluluto. Ngayon pa lang iniisip ko na ang menu na kakainin namin! gusto ko kasi espesyal! Parang kayo lang na mambabasa ng blog na ito... Espesyal kayo para sa akin! Arte lang ulit!

Sunday, March 13, 2011

Pagpayat ng Matabangbyahero

Umpisa ulit ako sa plano ko na pagpapanipis ng taba at pagpapaganda ng katawan. Kung matatandaan nyo Nagtry na akong maging 180 from 220 nung January of 2008 at nung October 2009 after mailibing si erpats eh nagplano rin ako magpapayat dahil sobrang taba ko na. 257lbs ako nun na purong taba lang talaga. At sa awa at biyaya ni bathala eh nagawa kong ibaba yun sa 220lbs sa 4 na buwan. Nagawa kong palakihin ang katawan ko at bumuhat ng mabibigat na bakal.

75lbs per hand and 'look mom no spot!'


After ko magawang ibalik sa 220 ang katawan ko eh nagpabanjing banjing ako sa pagwoworkout, kasabay pa nun ang pagbawal sa akin na pumasok na hindi lalagpas ng ala una ng hapon, eh sa kasamaang palad at pag kinantot ka talaga ng malas eh ang gym na pinagbubuhatan ko eh nagbubukas ng 10:30 ng umaga, basically mall hours kasi nasa loob sya ng pipitsuging mall. Ok fine enough of justification... Tinamad na rin talaga ako dahil nakuha ko na ang goal ko at lumuluwag na ang mga brief ko at nung mga panahon na yun eh wala ako pambili ng mga bago at ayoko rin naman mag commando at tetempang tempang si junjun ko habang naglalakad.

After 10 months ko na tamarin at hindi nagbuhat ng bakal eh lumobo ako ulit ng 257lbs. Pero since me laman na ko sa loob at dagdagan mo ng taba eh mas lalong bumigat ang katawan ko. Narealize ko din na pag pinanatili kong mataba ako eh ayoko umabot sa point na hindi ko na makita si junjun ko dahil nagtago na sya sa taba. Kahit ba sabihin man nila na "There's nothing sweeter than a fat man's peter" Eh gusto ko pa rin naman na pag yumuyuko ako eh nakakamusta ko sya ng personal. Ayoko dumating yung pagkakataon na nageemail or nagtetext na lang kami.

Ngayon naman ang target ko eh 175lbs ako pagdating ng September 2011. At me mga strategy ako na pinlano para maging ganap ang pagpapapayat ko. Oo hindi naman ako nangarap na magkaroon ng abs na 6 pack pagdating ng panahon na yun. Sa tingin ko eh feasible naman sya. 13.6lbs a month ang kailangan ko bawasin sa katawan ko. Hindi naman ito yung false promises ng mga health magazine na "Get your 6 pack abs in 2 weeks!" Tangina goodluck sa 2 weeks mo, ang maniwala gago! Wooot woooott! kaya ko to!

Ang mga sumusunod ang nagtulak sa akin para magpapayat for the nth time
  • Ayoko magkaroon ng diabetes
  • Ayoko mastroke ng bata pa
  • Ayoko ng mabigat na katawan
  • Gusto ko sumali sa mga usong uso na marathon echos
  • Gusto ko ng maraming anak... mga 6
  • Gusto ko ng damit na hindi ko binili sa Maxwear sa SM
  • Gusto ko ulit maexperience na wala akong taba sa tiyan
  • Gusto ko ako ang pinakapogi sa baranggay namin

As of now, this is my 2nd week working out and gradual dieting, tandaan hindi pwedeng madaliin ang lahat, ang mainip panget! :D At isa sa mga strategy ko eh ang gumawa ng health blog entitled Ang Pagpayat ng Matabang Byahero Dito ko lahat ilalagay ang ups and downs ng aking journey sa pagpapanipis, sasabihin ko sana sa aking pagpogi pero naisip ko na matagal na kong pogi, mataba lang talaga ako! Wahahahaha!


Thursday, February 24, 2011

Bertdey Blog para ke Ruth Ann

Medyo commercial muna para sa part 3 ng Kasal ni Artiemous. Me isang tao kasi na magcecelebrate ng kanyang kaarawan. Oo tama ka kaibigan magbibigay ako ng isang Bertdey Blag... Perstaym ko po ito ma'am/ sir kaya dahan dahan lang po ah...

Bertdey na ng asawa ko at pers taym nya na magbebertdey na me asawa! So dapat ang isusulat ko dito eh special parang bibingka na tinitinda sa madaling araw bago magpasko. Masarap, mainit, makeso at malinamnam.

Sa mga nakakakilala ke Ruth Ann ang unang katangian na makikita nyo sa kanya eh ang pagiging mabait nya at pagiging pasensyosa... Oo korek na me check! Napakabait ni Ann sa lahat ng tao, napakapasensyosa nya talaga. Helloooo! Tumagal ka ba naman sa isang katulad ko!? Eh ikaw na! Sa totoong buhay eh hindi naman talaga ko nakakaltukan at nakobra ni Ann sa noo, at never nya din ako sinampiga sa mataba kong pisngi. Napaka pasensyosa nya talaga, pero nasikmuraan nya na ko at nadibdiban one time pero hindi naman ako nasaktan. Sinabi ko nga nun nung ginawa nya yun... "Hindi naman masaket, hindi naman masaket!" tas tumakbo ko dun sa basketball court kasi hinabol nya ko ng lanseta.

Kung pasensya ang paguusapan eh number 1 na talaga si Ann sa tulad kong napaka Moody at medyo masungit lalo na pag pagod eh isa syang dakilang katuwang sa buhay. Sya lang ang kayang magpangiti sa akin pag naiirita ako at tinatamaan ng toyo... Para syang magic! Meron syang sariling paraan ng pagbibigay ng saya sa akin, para lang syang SPED Teacher at ako yung special child. Sabi nga nila eh healthy daw sa isang relasyon ang tumatawa at least 30 mins a day... Pag kasama ko si Ann, mahina ang isang oras na tatawa kaming dalawa, minsan nga kahit magkaaway kaming dalawa eh mga oras na tatawa pa rin kami.

Bilang me asawa, eh napakasarap kasama ni ann, maiingit lahat ng lalake sa akin dahil meron akong asawa na maganda, mabait, responsable, at sexy! Wooot Wooooott! Napakamaisakaso nya at talaga naman tinuturing nya ako na isang prinsipe. Masarap ipagluto si Ann kasi para syang me betsin sa dila... Lahat ng lutuin ko sa kanya eh masarap at parang yun na lang ang kakainin nya habang buhay.


Hindi ko nakatrabaho si Ann kaya wala akong idea kung sino sya sa pagdating sa opisina ang tanging alam ko eh masipag syang manjer at magaling syang magtrabaho talaga... kaya naman bilib na bilib ako dyan pag work ang paguusapan. Hindi mo naman kasi mapagkakaila dahil napakaintilehenteng tao nyan, at isa yun sa mga nagustuhan ko sa kanya pwede naming pagusapan kahit ano ng hindi nagsasawa.


Bilang anak at kapatid sa pamilya nila, si Ann eh napakalambing at napakakulit. Minsan nga sobrang kulit eh gusto na syang kutusan ni Ate Angel at Bimbo... lalo na si Maxmax. Pero kahit makulit sya, eh nakakapagbigay sya ng matamis na ngiti sa pamilya namin (nakikinamin ako kasi part na ko ng pamilya nila! Wooot woooot!) Ann is just a blessing to everyone, gusto ko na nga sumulat sa Rome para gawin syang living saint dahil sa kanyang malinis at mabuting pagkatao

***


Para sa Mahal kong Asawa...


Hi By! Happy Birthday! Thanks for being there for me always and taking care of me as a husband. Gusto ko lang malaman mo na andito lang ako lagi for you, You're the best thing that ever happened to me and I really thank God for blessing me with a wonderful and loving wife in you, I couldn't ask for more. Happy Birthday my love, I hope that it will be a grand day for you. It may be your 31st birthday yet it seems that it just your 18th birthday. I wish you all the success, happiness, and long life... and may good God grant and favor you all your wishes and dreams (lalo na yung yumaman tayo at manalo tayo sa lotto at magkaroon tayo ng baby) I love you babygirl! Happy Birthday! Dito lang ako palagi for you.








Friday, February 18, 2011

Kasal ni Artiemous II


Nung una ang buong akala ko ang kailangan lang sa kasal eh ang barong na isusuot ko at ang gown ng bride... At ang lahat eh ibibigay lang ng mga kaibigan at kapitbahay namin. Isang malaking pagkakamali... Ang dami palang dapat kailanganin sa grand event na 'to! Syempre ang pinaka importante sa lahat eh yung kakainin ng mga bisita... Daming options, restaurant ba dapat, saan yung place, hotel ba, anong menu, sino caterer, me beer ba dapat... So nag suggest ako ke Ann, tinanong ko sya... "Ann pwedeng bang pandesal na me palamang peanut butter tas isang boteng coke sakto na lang ipakain sa mga bisita?" at sumagot sya "Eh gago ka pala talaga eh! Sabay kaltok sa noo ko.

So one time nagdate kami ulit sa Tagaytay at nagpunta kami sa Sonyas Garden kasi balita namin eh masarap yung pagkain nila dun. Huwow hong gondoh nang lugar para kaming nasa secret garden lang talaga! Me mga falls, flowers at mga kahoy kahoy na disenyo! Pangmayamang shet lang! Pumunta kami sa loob ng restawran at umupo sa kanilang antique na silya at lamesa... Tas me mga celebrity na kumakain... tanginangshet lang, i wanna die during that time! Eh di umorder kami Eat all you can!!!! Palong palo!!! Sinerve ni ateng serbidora yung pagkain, ayun nilapag na sa mesa ang sariwang halaman at mga iba't ibang klaseng dahon! Wow para lang akong kalabaw talaga! Pero impernes masarap yung dressing nila ah! Tas meron pang pandesal na shushal na me ibat ibang klaseng palaman... naman kasi sanay lang ako sa deri krim, reno liver spread at peanut butter na daplis para sa pandesal... pero yung sinerve sa amin... Ha!!!! Pangmayaman lang shet homeyghad!!! medyo busog na ko sa mga halaman at pandesal pero sabi ni ateng waitress..."But wait there's more!" at nilapag nya ang pasta na me ibat ibang sauce! Huuuuwwwooooowww! eto ang pagkain talaga, white sauce, red sauce, pati yata lumpia sauce meron sila dun para sa pasta! Ibang level lang teh!

So nagusap kami ni Ann ulit... sabi nya, "Ano Tiboy, dito na ang reception natin ah!?" so nagreact ako... "Huwaaattt!? Bakit dito? Ang mahal dito noh? Yung mga bisita natin pakainin na lang natin ng corned beef saka itlog! wag na dito!!!" tas sabi ni Ann.... "Sige lang, subukan mo pa magreact at magsalita, sasampigahin talaga kita sa magkabilang pisngi mo! Pagsinabi kong dito ang reception, dito ang reception at ikaw ang magbabayad lahat!" So syempre nagulat ako at nagattempt ako magsalita, pagbukas pa lang ng bibig ko eh naramdaman ko na ang kamay nya sa matabang pisngi ko... medyo naluha nga ako eh, pero konti lang. At ang tanging nagawa ko eh ang tumango at sabihing "Yes ma'am..."

Nagdecide na sya kami na sa Sonyas Garden ang reception ng kasal... Kahit masama ang loob ko dahil 900.00++ per person ang bayad! Hindi ba nakaka luha lang talaga!? Pagnaiisip ko nga sya ngayon eh gusto kong singilin yung mga umattend ng kasal na hindi ko naman talaga kilala... Pero pag ginawa ko yun eh malamang di lang si Ann ang kakaltok sa akin pati na ang pamilya ko at mga prends. Ang handa namin eh hindi lang halaman, shushal na pandesal at pasta na me sari saring sauce... Me inoffer sila sa amin na talaga namang pagkasarap sarap. Ang handa namin eh maka Pilipino talaga, Sabaw na gawa sa Kalabasa, Kare-kare, Lengua Pastel, Chicken Galantina, Fish Fillet at Kaning Puti. Tas yung dessert, Minatamis na Kamote at Turon at slice ng Tsokoleyt Keyk... yung drinks naman namin eh dalandan juice! Panalo na yun kaya di na rin ako kumontra pa ke Ann.



Pagkatapos nun eh kailangan namin ang pinaka importante sa lahat (para sa akin) ang Musician sa kasal... ... Me Karugtong Ulit... (kailangan ko ng umuwi ng bahay dahil nagaantay na si Ann)


Wednesday, February 16, 2011

Kasal ni Artiemous

Isang buwan na ko kasal, pero sa totoong buhay eh parang fresh pa ang lahat! 1 taon na pagiipon ng pera, 6 na buwan na preparasyon, 1 buwan ng tensyon, apat na oras na selebration pero isang oras ng basbas at pagsumpa sa harap ng mga tao at Diyos... Huwow serious much?!

Sige! Dahil sa maraming nagrequest na ikuwento ko ang kasal ko eh yun ang iba blog ko ngayon. Simula ng magpropose ako sa asawa kong magaling eh dun ko naramdaman ang totoong meaning ng emotional roller coaster! Oo lahat ng pwedeng maramdaman eh naramdaman ko dito... Daig pa nito yung naramdaman ko nung grade 1 nung sumali ako sa oratorical contest na habang nakaharap ako sa maraming tao at sa gitna ng tula ko eh nakalimutan ko yung linya ko at naramdaman ko na puta parang natatae ako nung mga oras na yun! Beat that! Pero di naman ako natae sa short nun... although di ko na matandaan kung meron akong caramel strip sa brief

Nagsimula ang lahat nung magpropose ako sa magaling kong asawa sa UCC sa me Glorietta, umuulan pa nun at hiningi ko sa kanya na gawin akong pinakamasaya at pinakamaswerteng lalake sa buong mundo...Yiiiiiihhheeee... uuuyyy!!! Eh bigla syang sumagot ng... "Tangna mo! Tigas ng mukha mo! Yang itsura mo na yan sa palagay mo papakasalan kita? Gago kung di ka masarap di ako sasama sayo!"sabi ko... "Sige araw araw kitang paliligayahin!" tas sabi nya, "Sige... basta araw araw ah!? Teka pogi na ba yan?" Sabi ko..."Oo poging pogi na!"

Ayun at inabot ko ang singsing at natuloy kami sa lugar na me masarap na pansit at fried chicken... tas me dalawang pares ng tsinelas, cable tv at me aircon at No Brownouts! Pero syempre joke lang to kasi di talaga nagmumura ang misis ko so tanggalin nyo yung mura!

Nung nagdate kami sa Nurture Spa sa Tagaytay eh bigla ko naisipan na dalhin sya sa paborito kong lugar sa me Batulao Batangas... Don Bosco to be exact. Nagdasal kami dun at sinabi ko sa kanya (dami kong sinasabi)..."Ann Eto ang simbahan kung saan pangarap kong magpakasal..." At nalove at first sight sya sa Chappel on the Hill... Sabi ko..."Tara, magpalista na tayo sa simbahan kung kailan natin gustong sumumpa sa dambana para sa ating matamis na pagmamahalan!"

Hawak ko ang kanyang kamay at sa simoy ng malamig na hangin na amoy tae ng kalabaw eh nagtungo kami sa opisina ng simbahan para ipareserve ang date na January 16, 2011. Nagbigay kami ng downpayment at opisyal na ikakasal kami sa araw na iyon. Halos isang taon pa ang preparasyon namin para sa petsa na yun. Tamang tama me oras pa para magipon!

3 Buwan na ang nakalipas at narealize ko na ang naiipon kong pangkasal namin eh hindi pa uubra para magpakasal ke Huwes. Sinabi ko nun na,"Ann, wag na lang tayo sa simbahan na yun magpakasal.. Dun na lang tayo ke Mayor me kasalang bayan, tas libre na handa sa bisita Chowking Lauriat at me lechon pa!" After nun di nya ko kinibo ng dalawang linggo... Iniisip ko nga kung bakit hindi nya ko kinibo ng mga panahon na yun, feeling ko galit sya sa Mayor ng bayan nila kaya nagalit sya sa akin... Dapat pala ang suhestyon ko na lang eh sa Albolaryo dun ke Mang Pepe kasi nabalitaan ko nagkakasal yun ng mga dwende at maligno, donasyon lang ang bayad so pwede na bente pesos dun! baka di pa nagalit yun...

... Me karugtong...

Sunday, February 6, 2011

Luto ni Artiemous

Grade 5 ako noon ng simulan akong turuan ng aking nanay kung paano magluto, actually hindi pa nga pagluluto eh... tinuruan nya ako kung paano mag gisa ng bawang sibuyas at kamatis, dapat ligis na ligis para maghalong mabuti ang lasa ng bawat sangkap sa mainit na mantika. Pero bago yun, eh ang pinaka importanteng tinuro sa akin ng nanay ko eh yung panglasa sa pagkain, hindi pwedeng pwede na, dapat pantay ang lasa ng alat, asim, tamis at kung me konting anghang eh hindi dapat sya overpowering sa ibang lasa. Ako ang dakilang taga tikim ng ulam na niluluto ng aking nanay. "Artie tikman mo nga yun nakasalang kung OK na?!" Yun yung madalas na itanong sa akin ng ermats ko. Kaya naman talagang pinag- igihan ko ang paghasa at paglalaro ng dila ko sa pagkain (oh oh, hindi bastos yun, bakit ba pag me sinusulat ako na tulad nito eh bastos agad ang naiisip nyo?)


Natatandaan ko pa ang pinaka unang niluto ko na walang tulong ni mommy yung swam na tahong, paborito ko talaga yung tahong eh lalo na yung masabaw talaga. Nahasa ako sa mga lutong bahay yung pangaraw araw na ulam Adobo, sinigang, mechado, afritada, tinola, nilaga, ginisang gulay at kung ano ano pa. Hindi gaanong sanay ang panglasa ko sa mga pagkaing sosyal. Pero alam ko kung ang ulam na nakahain eh masarap at espesyal, kung lutong dyokma, or lutong pangtindahan at tinipid sa lasa at sangkap




Kaya naman pinangarap ko talagang maging chef dati at ang school lang nung panahon na yun eh CCA. Nakamotor pa kami ng erpats ko noon papunta sa me ortigas para magtanong kung magkano ang tuition... Putangna! 180K!!!! Wala kaming ganoong kalaking pera kaya naman nagtrain na lang ako sa nanay ko at classroom ko ang kusina namin. Blackboard nya ang sangkalan at at chalk nya ang kutsilyong matalas. Tinuro nya ang tamang hiwa ng sangkap para sa ibat ibang putahe. Hiwang pino, pahilis, manipis, makapal, sa apat, sa kalahati at maramii pang iba. Field trip namin ang palengke sa Kalentong at natutunan ko kung paano bumili ng sariwa at sa hindi... Sa amoy at itsura ng iskargo (isda karne gulay) bawal maarte kelangan matutunan lahat yun. Kaya nga naisip ko eh, hindi ko na pala kailangan mag aral ng culinary arts para lang sa pagluluto, dahil turo pa lang ng ermats ko eh sapat na. Eto ang ilan sa mga importanteng naturo sa akin ng mahal kong nanay.


  • Wag mong tipirin ang mga sangkap pero wag mo ring sobrahan.
  • Pagaralan mo ang bawat lasa ng pagkain
  • Iba ang marunong magluto sa masarap magluto, ikaw dapat masarap lagi ang luto mo.
  • Nalalasahan ang emosyon mo sa niluto mo, kaya dapat lagi kang masaya at focused pag nagluluto ka.
  • Maging malinis ka sa kusina, kung ano ang kinalat mo, ligpitin mo
  • Masarap ipagluto ang mga minamahal mo sa buhay
  • Dapat mabilis ka sa kusina, hindi pwede ang makupad

Since naperfect ng nanay ko ang mga lutong bahay at medyo adbenturero ako eh, ginusto ko naman magluto ng mga hindi masyado common para matikman ng pamilya ko at mga kaibigan ko. Italian, French, Spanish at kung ano ano pa. Eksperimento dito eksperimento dun. Pero isa lang talaga ang masasabi ko, napakagastos ng pagluluto





Napapakinabangan din ng mga kaibigan ko ang pagluluto ko, dahil ako ang dakilang yaya nila lalo na pag me outing dahil ako ang dakilang taga pagluto. Tuwing me outing, lagi akong kumpleto sa pagluluto at sangkap dahil di mo masasabi kung kailan magkakaroon ng emergency mabuti ng handa. Pero kung merong nakinabang talaga sa taglay kong kaalaman sa pagluluto eh yun yung mga naging chick ko dati at ang mahal kong asawa ngayon. Sabi nga nila "the best way to a man's heart is through stomach" pero sabi ko naman ang pinakamabilis na paraan para sa pepe ng babae eh yung marunong ka magluto, pero wag ka gagamit ng gayuma.


Alam ng asawa ko na marunong ako magluto kaya naman isang request nya lang eh masusunod agad pagdating sa pagkain. At hinding hindi ako papalya sa pagsisilbi sa kanya kung ano man ang magustuhan nya.




Thursday, January 27, 2011

Pampalaglag ng Panty ng Babae II

Eto na nga yung part two nung sinulat ko about sa pambababe bilang art and science na hindi basta basta ginagawa lang ng kung sino sino at yun bang tipong diskarteng bahala na. Masyadong technical at masalimuot ang mundo ng pagpulot or pagdampot ng chick. thus papadaliin ko lang yung tips and techniques para sa mga lalakeng binata

Its all about ATTRACTION at wala ng iba pa. Pag naibigay at naipakita mo yan sa chick na didiskartehan mo wala ng kawala yun. kahit kamukha mo pa si chikito at me biyak ka sa nguso eh di papalya to... eto yung tinatawag ng mga babae na "Spark" "Magic" "Interest" at kung ano ano pa, di nila maieexplain to at marationalize dahil nagwowork to sa kanilang subconcious. Di mo kailangan maging kasing pogi ni Jestoni Alarcon o ni Gardo Versoza para maging kaakit akit ka, oo plus factor yun pero hindi sya requirement... Too much science? Ok lets get to the point...

Technically me anim na bagay na kailangan ng lalake para makadagit sya ng magaganda at hot na hot na chick. Discuss ko lang yung lima muna...

Power, Fame, Money, Exclusivity and Looks

Eto yung 5 na Anting-anting ng mga lalake bakit sila nagkakaroon ng magandang babae... Best Example

Politiko - "Ang politikong hindi nambababae, hindi politiko yun... baranggay tanod lang" quote ng magtataho sa amin. Yang mga congressman na yan, governor, mayor at senador (yung mga tinatayuan pa ng tite ah, at hindi yung mga mukha na lang nila ang tumitigas) Hayop ang mga chick nyan. Models, Artistas, at kung hindi man eh AArtistahin ang mukha at katawang pang super model ng Victoria Secret. Bakit sila lapitin ng mga to, dahil nga they are Exclusive, Powerful, Famous, and they got Money to Burn kahit di sila pogi, pero makikita mo na maayos sila manamit. Me isang blogero na rin na nagsabi nito at isa sya sa mga idol ko si Buwayahman.

Tignan nyo na lang si Manny Pacquiao, tanginang yun... bukol bukol ang mukha pero ang daming babae na magaganda talaga, Kung pera lang ang habol ng mga babae nya, eh maraming mayayaman dyan na pwede nilang kabitan but he is also famous and quite powerful thats why they agreed to go to bed with him.


Pero maniwala ka sa akin, Wala ako ng 6 na yan. Hindi ako makapangyarihan, hindi ako tanyag, hindi ako kagwapuhan (cute lang), me gelpren (technically) ako nun at lalong wala akong pera... pero bakit nagawa ko makapangbabae? It's because of Personality. Oo tama ang narinig mo kailangan talaga ng tamang personality para makadampot. Again, kahit kasing pogi mo si Michael Locsin or si Robert Ortega pero di mo alam kung paano dalin ang sarili mo, magiging kamukha mo lang si Balot, at maniwala ka, magiging tampulan ka ng kwentuhan ng mga babae sa CR or pag nagtetext sila... kasi magiging katawatawa ka lang sa paningin nila.


Eto yung mga masasabi ko na mga traits and personality na talaga naman nakakapag wet sa pepe ng mga babae...

  • Funny
  • Inteligent and Creative
  • Educated
  • Classy and Cultured
  • Dominant
  • Thoughtful
  • Notices Significant Details
  • Unpredictable/Predictable
  • Enthusiastic, Fun, Happy
  • Adventurous
  • Aggressive
  • Confident/Cocky
  • Expertise
  • Attention
  • Disinterest, Indifference, a Challenge
  • Charm
  • Romantic Imagination and Perspective
  • Expert in Body Language
  • Sexual Mastery.

Ilan lang yan sa mga masasabi ko na mga traits and personality na kelangan mo ipractice or magkaroon para makahanap ka ng chick na gusto mo talaga...

Eto pa ang ilang tips and tricks

  1. Mangattract at wag ka maghabol sa babae!
  2. Tangina wag kang insecure!
  3. Wag ka maghanap ng relasyon agad!
  4. Pumunta ka sa mga lugar na maraming babae!
  5. Idevelop mo yung mga traits and charachteristic na makakapagpalaglag ng panty nila!
  6. Practice practice at maraming practice!

To be continued...

Wednesday, January 19, 2011

Bagong Adbentyur ni Tiboy

Ayan kasal na ako, bagong buhay na, bagong pagsubok. Sa mga magtatanong kung handa na ba talaga ako sumulong sa buhay ng pagiging pamilyadong lalake ang sagot ko dyan eh isang palong palong Oo. Masasabi ko na napagsawaan ko na ang buhay binata at ang buhay ng pa-fling fling lang walang relasyon at tawag lang ng laman.

Hindi ko naman sinabi na sobrang gwapo ko at marami akong naging babae, pero hindi sa pagmamayabang eh I had my fair share of this kind of thing... Sabi ko nga "Mataba man akong tignan subukan nyo kong tikman, pag di ka nasarapan saka mo ko husgahan!" Woooot woooott! :D

Ok bago ang mga adbentyurs ko na sasagupain bilang me asawa. Pero bago ko salubungin ang masaya at kapana-panabik na buhay eh hayaan nyo munang ishare ko sa inyo ang mga tips sa pagiging buhay binata.

Ang mga sumusunod ay mga opinyon ko lamang at parte ng aking nakaraan at hindi na muling gagawin at babalikan pa... Eto ay para lamang sa katuwaan ng mga mambabasa. At tulad ng sinasabi ng matatanda pulutin at itago ang mabuti, itapon ang masasama. Bulbulin na ang karamihan ng bumabasa nito kaya bawal maginarte!

Ang pambabae ay isang uri ng pinagsamang science at art. Hindi to basta basta lang, kailangan mo ng matinding diskarte at ang bawat diskarte dapat masusing pinagaaralan. Me mga lalake na inborn ang pagiging matulis o matinik sa larangan ng temang ito. Kung ako ang tatanungin nyo kung alin ako dito eh masasabi kong ako yun nagaral sa bawat pagdiskarte. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa aking natutunan nung ako ay binata pa.

1.) Ayaw ng babae ng lalakeng mabait. - Oo maniwala ka man or hindi, ayaw ng babae ng mga lalakeng sobrang bait, walang challenge, at masyadong mahinhin at magalang. Tandaan, ang mga babae gusto rin ng sex, pero hinahanap nila yung lalake na masasabi nila na worth it dumila sa pepe nila, Masdan mo bakit ang mga magagandang babae ang karamihan ng mga nagugustuhan nila eh yung mga bad boys (Ex: Robin Padilla), mas maraming hot na babae ang gustong kumutkot ng utong at sumipsip ng dila ni Robin Padilla kumpara mo ke Sam Milby.

Hindi ko sinasabing wag kang maging gentleman, pero wag ka parang aso na sunod ng sunod at buntot ng buntot sa babae. Mas gusto ng babae ang mga lalakeng medyo bastos... Sabi nga eh "gentlemanyak" Wag kang parang tanga na concern ka palagi sa mangyayari sa kanya. Sanay ang mga babaeng magaganda na laging me sumusuyo at pumapansin sa ganda nila, hindi ikaw ang unang lalake na magpapacute sa kanya, therefore kelangan nya ng agresibo at magaling sa diskarte, pag nahiya ka talo ka.

...to be continued