Pages

nuffnang

Wednesday, February 16, 2011

Kasal ni Artiemous

Isang buwan na ko kasal, pero sa totoong buhay eh parang fresh pa ang lahat! 1 taon na pagiipon ng pera, 6 na buwan na preparasyon, 1 buwan ng tensyon, apat na oras na selebration pero isang oras ng basbas at pagsumpa sa harap ng mga tao at Diyos... Huwow serious much?!

Sige! Dahil sa maraming nagrequest na ikuwento ko ang kasal ko eh yun ang iba blog ko ngayon. Simula ng magpropose ako sa asawa kong magaling eh dun ko naramdaman ang totoong meaning ng emotional roller coaster! Oo lahat ng pwedeng maramdaman eh naramdaman ko dito... Daig pa nito yung naramdaman ko nung grade 1 nung sumali ako sa oratorical contest na habang nakaharap ako sa maraming tao at sa gitna ng tula ko eh nakalimutan ko yung linya ko at naramdaman ko na puta parang natatae ako nung mga oras na yun! Beat that! Pero di naman ako natae sa short nun... although di ko na matandaan kung meron akong caramel strip sa brief

Nagsimula ang lahat nung magpropose ako sa magaling kong asawa sa UCC sa me Glorietta, umuulan pa nun at hiningi ko sa kanya na gawin akong pinakamasaya at pinakamaswerteng lalake sa buong mundo...Yiiiiiihhheeee... uuuyyy!!! Eh bigla syang sumagot ng... "Tangna mo! Tigas ng mukha mo! Yang itsura mo na yan sa palagay mo papakasalan kita? Gago kung di ka masarap di ako sasama sayo!"sabi ko... "Sige araw araw kitang paliligayahin!" tas sabi nya, "Sige... basta araw araw ah!? Teka pogi na ba yan?" Sabi ko..."Oo poging pogi na!"

Ayun at inabot ko ang singsing at natuloy kami sa lugar na me masarap na pansit at fried chicken... tas me dalawang pares ng tsinelas, cable tv at me aircon at No Brownouts! Pero syempre joke lang to kasi di talaga nagmumura ang misis ko so tanggalin nyo yung mura!

Nung nagdate kami sa Nurture Spa sa Tagaytay eh bigla ko naisipan na dalhin sya sa paborito kong lugar sa me Batulao Batangas... Don Bosco to be exact. Nagdasal kami dun at sinabi ko sa kanya (dami kong sinasabi)..."Ann Eto ang simbahan kung saan pangarap kong magpakasal..." At nalove at first sight sya sa Chappel on the Hill... Sabi ko..."Tara, magpalista na tayo sa simbahan kung kailan natin gustong sumumpa sa dambana para sa ating matamis na pagmamahalan!"

Hawak ko ang kanyang kamay at sa simoy ng malamig na hangin na amoy tae ng kalabaw eh nagtungo kami sa opisina ng simbahan para ipareserve ang date na January 16, 2011. Nagbigay kami ng downpayment at opisyal na ikakasal kami sa araw na iyon. Halos isang taon pa ang preparasyon namin para sa petsa na yun. Tamang tama me oras pa para magipon!

3 Buwan na ang nakalipas at narealize ko na ang naiipon kong pangkasal namin eh hindi pa uubra para magpakasal ke Huwes. Sinabi ko nun na,"Ann, wag na lang tayo sa simbahan na yun magpakasal.. Dun na lang tayo ke Mayor me kasalang bayan, tas libre na handa sa bisita Chowking Lauriat at me lechon pa!" After nun di nya ko kinibo ng dalawang linggo... Iniisip ko nga kung bakit hindi nya ko kinibo ng mga panahon na yun, feeling ko galit sya sa Mayor ng bayan nila kaya nagalit sya sa akin... Dapat pala ang suhestyon ko na lang eh sa Albolaryo dun ke Mang Pepe kasi nabalitaan ko nagkakasal yun ng mga dwende at maligno, donasyon lang ang bayad so pwede na bente pesos dun! baka di pa nagalit yun...

... Me karugtong...

16 comments:

kring23 said...

hahhahah funny!! :))) goodluck sa inyong dalawa! baby na!

humanbullshit said...

bilang isang taong kinaladkad din sa altar para manumpa ng walang hanggang pagibig...aabangan ko ang karugtong ng kwento mo. interesting!

Hye Rin ♥ 김혜린 said...

drop here to say happy val's day ^^

glentot said...

Wow bagong-bagong kasal talaga ah hehehe... nagkukuripot ka pa kunyari eh engrande naman ang plano mo! Malalaman natin sa pagpapatuloy...

CHEEN said...

lol grabe namang proposal na un XD hahah. so funny :) anywas congrats kuya XD hahaha.

BatangGala said...

hahaha:))) ang kyuttt!!! pramis! kinikilig ako. wahahaha:)) kelan po yung next part? haha:)) excited much lang. :))

- A n g e l - said...

Nabitin naman ako sa kwentot mo! Ituloy mo na to Tibs!

As if naman hindi ko alam ang kwento diba? Haha!

Happy honeymoon! Everyday is a honeymoon when you're with the person of your dreams. : )

rainbow box said...

ang sweeeeeeeeeeeet!

ikaw na talaga ang happily married man starting from January 16 onwards. :))


congratulations! belated happy valentines day! =)

Kamila said...

nice! gusto ko topic mo art!!! :) at medjo curious din ako sa nangyaring kasalan!! weeeeh!

Happy ako para sa inyo!

The Gasoline Dude said...

LOL! Natawa ako sa kuwento. Parang alam ko kung saan 'yung masarap ang pansit at fried chicken. NYAHAHA!

Hoy kitakits tayo pa-uwi ko!

Ang Babaeng Lakwatsera said...

nabitin ako sa kwento.. sobrang aabangan ko ang karugtong.. excited much!

tekamots said...

natawa ako sa mga pakwela, pero bitin ang kwento...sa tingin ko ung karugtong Enggrandeng kasalan ang naganap...

Artiemous said...

@kring23 - hehehe sana nga meron na eh, pero nagpunta ko sa tindahan kanina ubos na raw yung baby na tinitinda nila. di bale balikan ko bukas

@ape - sige malapit ko ng ipost ang karugtong ng kwento

@hye rin - belated happy valentines day to you too!

@glentot - hondo nomon mashodo... hahaha!

@cheen - maraming salamat!

@batang gala - hong kyuuuut ngo eh... malapit na yung susunod wag ng excited much.. hahaha

@ate angel - isa ka sa mga buhay na saksi sa pagiibigan namin ni ruth ann ang iyong dakilang kapatid hehehe!

@rainbow box - hahaha salamat sa pagbati at belated happy valentines day din

@kamil - sige subaybayan mo lang ang mga susunod pang pangyayari

@gasul - hahaha parang alam mo na ba yung lugar na me masarap na pansit at fried chicken. Sige paguwi mo sama ako sa kita kita! :D

@babaeng lakwatsera - hahaha hong domong excited much lang? hahaha! :D

@tekamots - abangan na lang sa sususnod na kabanata! hahaha! :D

YanaH said...

parang alam ko ung sa may batulao hihihihi
dun kami nagretreat nugn college..

necessity talaga na bitin ang wento? kainis! hahahahaha


www.lifes-a-twitch.com

Artiemous said...

@yanah - ang cool dun di ba? hahaha! dati ako nagbibigay ng retreat dun nung mabait pa ako. :D

Judiya Mariya said...

Super love your story. And the way you write! Nakakatuwaaa babalik ako dito palagi hanggang matapos ang kwento. :)