Pages

nuffnang

Sunday, February 6, 2011

Luto ni Artiemous

Grade 5 ako noon ng simulan akong turuan ng aking nanay kung paano magluto, actually hindi pa nga pagluluto eh... tinuruan nya ako kung paano mag gisa ng bawang sibuyas at kamatis, dapat ligis na ligis para maghalong mabuti ang lasa ng bawat sangkap sa mainit na mantika. Pero bago yun, eh ang pinaka importanteng tinuro sa akin ng nanay ko eh yung panglasa sa pagkain, hindi pwedeng pwede na, dapat pantay ang lasa ng alat, asim, tamis at kung me konting anghang eh hindi dapat sya overpowering sa ibang lasa. Ako ang dakilang taga tikim ng ulam na niluluto ng aking nanay. "Artie tikman mo nga yun nakasalang kung OK na?!" Yun yung madalas na itanong sa akin ng ermats ko. Kaya naman talagang pinag- igihan ko ang paghasa at paglalaro ng dila ko sa pagkain (oh oh, hindi bastos yun, bakit ba pag me sinusulat ako na tulad nito eh bastos agad ang naiisip nyo?)


Natatandaan ko pa ang pinaka unang niluto ko na walang tulong ni mommy yung swam na tahong, paborito ko talaga yung tahong eh lalo na yung masabaw talaga. Nahasa ako sa mga lutong bahay yung pangaraw araw na ulam Adobo, sinigang, mechado, afritada, tinola, nilaga, ginisang gulay at kung ano ano pa. Hindi gaanong sanay ang panglasa ko sa mga pagkaing sosyal. Pero alam ko kung ang ulam na nakahain eh masarap at espesyal, kung lutong dyokma, or lutong pangtindahan at tinipid sa lasa at sangkap




Kaya naman pinangarap ko talagang maging chef dati at ang school lang nung panahon na yun eh CCA. Nakamotor pa kami ng erpats ko noon papunta sa me ortigas para magtanong kung magkano ang tuition... Putangna! 180K!!!! Wala kaming ganoong kalaking pera kaya naman nagtrain na lang ako sa nanay ko at classroom ko ang kusina namin. Blackboard nya ang sangkalan at at chalk nya ang kutsilyong matalas. Tinuro nya ang tamang hiwa ng sangkap para sa ibat ibang putahe. Hiwang pino, pahilis, manipis, makapal, sa apat, sa kalahati at maramii pang iba. Field trip namin ang palengke sa Kalentong at natutunan ko kung paano bumili ng sariwa at sa hindi... Sa amoy at itsura ng iskargo (isda karne gulay) bawal maarte kelangan matutunan lahat yun. Kaya nga naisip ko eh, hindi ko na pala kailangan mag aral ng culinary arts para lang sa pagluluto, dahil turo pa lang ng ermats ko eh sapat na. Eto ang ilan sa mga importanteng naturo sa akin ng mahal kong nanay.


  • Wag mong tipirin ang mga sangkap pero wag mo ring sobrahan.
  • Pagaralan mo ang bawat lasa ng pagkain
  • Iba ang marunong magluto sa masarap magluto, ikaw dapat masarap lagi ang luto mo.
  • Nalalasahan ang emosyon mo sa niluto mo, kaya dapat lagi kang masaya at focused pag nagluluto ka.
  • Maging malinis ka sa kusina, kung ano ang kinalat mo, ligpitin mo
  • Masarap ipagluto ang mga minamahal mo sa buhay
  • Dapat mabilis ka sa kusina, hindi pwede ang makupad

Since naperfect ng nanay ko ang mga lutong bahay at medyo adbenturero ako eh, ginusto ko naman magluto ng mga hindi masyado common para matikman ng pamilya ko at mga kaibigan ko. Italian, French, Spanish at kung ano ano pa. Eksperimento dito eksperimento dun. Pero isa lang talaga ang masasabi ko, napakagastos ng pagluluto





Napapakinabangan din ng mga kaibigan ko ang pagluluto ko, dahil ako ang dakilang yaya nila lalo na pag me outing dahil ako ang dakilang taga pagluto. Tuwing me outing, lagi akong kumpleto sa pagluluto at sangkap dahil di mo masasabi kung kailan magkakaroon ng emergency mabuti ng handa. Pero kung merong nakinabang talaga sa taglay kong kaalaman sa pagluluto eh yun yung mga naging chick ko dati at ang mahal kong asawa ngayon. Sabi nga nila "the best way to a man's heart is through stomach" pero sabi ko naman ang pinakamabilis na paraan para sa pepe ng babae eh yung marunong ka magluto, pero wag ka gagamit ng gayuma.


Alam ng asawa ko na marunong ako magluto kaya naman isang request nya lang eh masusunod agad pagdating sa pagkain. At hinding hindi ako papalya sa pagsisilbi sa kanya kung ano man ang magustuhan nya.




20 comments:

YanaH said...

nakakainis naman.. kelangan talagang ganitong oras ko mabasa at makita ung mga pikshurs ng food na naluto mo.. waaaaaa nagutom ako.. amf..

may tanong ako...
anu un ligis saka dyokma?
sorry nemen.. tenge leng.. wahihihi
ang hirap naman magcomment huhuhu

http://twitchylife.wordpress.com

rah said...

nakakagutom to :) that's coming from someone na katatapos lang kumain :)

The Gasoline Dude said...

AMPF! Dapat pala sa 'yo ako nagpapaturo kung anong lulutuin para sa chicks eh.

Kamila said...

lol artie... hahaha ang alam ko mas magaling talaga magluto ang mga lalake kaysa sa babae.. nyahahahah.... at napaka-pang chef naman ng mga luto mo.. may pag design at strawberry pa! Panalo.

pero pinaka panalo eh nakahubad lage ang chef

- A n g e l - said...

Kawawa naman ako at habang binabasa ko tong post na to eh Froot Loops at milk lang ang kinakain ko! Wahaha!

LordCM said...

gusto ko rin matutong magluto, kaso nitatamad ako eh lolzz

nagutom bigla :D

Artiemous said...

@yanah - hahaha! nakakagutom ba? yung ligis yung parang ipepress mo ng sandok yung mga sangkap para madurog or lumabas yung katas... yung dyokma- yun bang masabi lang na nailuto. hehehe! :D

@rah - kain lang ng kain

@gasoline dude - ang the best na lulutuin para sa chick eh kahit anong putahe basta me halong pagmamahal! hahaha! :D

@kamil - hahaha ang init kasi sa kusina lumalabas ng aking sariling mantika :D

@ate - masarap naman yung fruit loops at milk eh, isipin mo na lang ang gourmet ang cereal na yan... hahaha! :D

@lordCM - mas masarap talaga ang kumain kesa magluto! hahaha!

KESO said...

naks,nakakatuwa naman, parang bibihira lang kasi yung mga lalaking mahilig magluto. ginutom mo lang kami koyaaa! haha.

glentot said...

Nakakainggit ka naman. Ako hindi talaga biniyayaan ng patience sa kusina. Kapag mag-isa lang ako sa bahay nung high school, makakaisip lang ako magluto kung kelan gutom na ako, at kapag luto na ang noodles nalipasan na ako ng gutom. Talentado ka!

WV: thrawma
as in nakakathrawma

Ang Babaeng Lakwatsera said...

Bihira lang ang mga lalaking mahilig magluto pero sila ang mga masasarap magluto..

gusto ko nadin matutong magluto.. inaasar kc ako ng Fluffy ko.. ipagluto ko daw sya ng pagkain kapag magkasama na kami sa bahay.. ^_^

Ester Yaje said...

yung manok, paki LBC nalang. hahahaha

Lhuloy said...

wow! delixosow! ang galing mu amang mgluto kua Artie...tlgang me bahid ng artie ang yong mga luto...magkmuka pa kau ng bro ko...I just followed u pre...! (^^,)

Artiemous said...

@keso - hahaha kasalanan to ng inay ko, sinimulan nya ko turuan magluto kasi eh. :D

@glentot - kaya mo yan meron ka rin patience di mo pa lang nahahanap. saka try mo wag palipasin gutom mo sayang tuloy niluto mo noodles

@babaeng lakwatsera - kayang kaya mo yan, try mo yung mga madadaling lutuin, yung paksiw na salagubang or yung ginisang alakdang lupa :D

@Ester Yaje - naku yung manok sa picture naubos na, pinadalan kita ng manok yung panabong me free pa syang tare baka maisip mong ilaban eh. :D

@lhuloy - salamat sa pagdalaw, naku baka yung utol mo yung nawawalang kakambal ko. :D

Diamond R said...

sarap naman ng mga food. Patikim chef.

thegreatmaldito said...

ampotah naman...wrong timing ka artie..leche ka. feb. 9 ngayun, sa 15 pa ang sweldo. .3 araw na akong kumakain ng tinapa. ahahhaa..

ikaw na masarap magluto..pareho tayu. Si nanay din ang unang nagturo sakin pano magluto. Kusinera kasi siya dati. kaya ayun, hanggang ngayun siya parin ang nagluluto para sakin.wahahahha...wala kasi akong kwenta magluto except sa fried.

Ako si Yow said...

Shet. Ang sarap. Haha. Sa itsura pa lang parang ang galing mo na nga eh. Para ka na ring nag-aral sa culinary school at nanay mo pa ang teacher. Haha. May plating pa. Nagugutom ako. Pambihira! Mahilig din ako magluto, puro imbento lahat.

longlivejudyism said...

Wow! Napakaswerte naman ng mga "chicks" mo at ng misis mo dahil nakatikim sila ng luto mo na natutunan mo sa mama mo. :) Sana bago ako mag-asawa matuto rin ako magluto para matuwa naman ang mister ko kahit papano. ;)

Salamat sa pagbisita sa aking blog! Balik ka ulit!

humanbullshit said...

hahahaha! lakas ng tawa ko sa entry mo Artiemous!

Pero naalala ko sa mga larawan yung paalala sakin ng nanay ko pag nagpprito ako ng itlog - HUWAG MAGLUTO NG NAKA-HUBAD AT WALANG T-SHIRT!

Artiemous said...

@diamond r- cge papadal ko dyan one time! hehehe!

@thegreatmaldito - wahahaha tinapa for 3 days ba? try mo mo yung luckyme beef or chicken noodles or pansit canton! hahaha

@yow - masarap talaga magluto lalo na para sa mahal mo, nagumpisa din ako sa mga imbento at pachambang luto eh! hahaha

@longlivejudyism - matututo ka din pag me tiyaga me nilaga, pwede rin sinigan, tinola, kare kare, pochero at iba pa :D

@humanbullshit - sabi kasi sa akin ng lola ko pwede daw magluto ng nakahubad at walang tshirt basta me brip heheheh! :D

humanbullshit said...

sabagay, may punto ang lola mo. magluto ka na ng walang t-shirt, basta naka-brip - pra hindi mo maprito ang sarili mong hotdog. lol.