Pages

nuffnang

Thursday, February 24, 2011

Bertdey Blog para ke Ruth Ann

Medyo commercial muna para sa part 3 ng Kasal ni Artiemous. Me isang tao kasi na magcecelebrate ng kanyang kaarawan. Oo tama ka kaibigan magbibigay ako ng isang Bertdey Blag... Perstaym ko po ito ma'am/ sir kaya dahan dahan lang po ah...

Bertdey na ng asawa ko at pers taym nya na magbebertdey na me asawa! So dapat ang isusulat ko dito eh special parang bibingka na tinitinda sa madaling araw bago magpasko. Masarap, mainit, makeso at malinamnam.

Sa mga nakakakilala ke Ruth Ann ang unang katangian na makikita nyo sa kanya eh ang pagiging mabait nya at pagiging pasensyosa... Oo korek na me check! Napakabait ni Ann sa lahat ng tao, napakapasensyosa nya talaga. Helloooo! Tumagal ka ba naman sa isang katulad ko!? Eh ikaw na! Sa totoong buhay eh hindi naman talaga ko nakakaltukan at nakobra ni Ann sa noo, at never nya din ako sinampiga sa mataba kong pisngi. Napaka pasensyosa nya talaga, pero nasikmuraan nya na ko at nadibdiban one time pero hindi naman ako nasaktan. Sinabi ko nga nun nung ginawa nya yun... "Hindi naman masaket, hindi naman masaket!" tas tumakbo ko dun sa basketball court kasi hinabol nya ko ng lanseta.

Kung pasensya ang paguusapan eh number 1 na talaga si Ann sa tulad kong napaka Moody at medyo masungit lalo na pag pagod eh isa syang dakilang katuwang sa buhay. Sya lang ang kayang magpangiti sa akin pag naiirita ako at tinatamaan ng toyo... Para syang magic! Meron syang sariling paraan ng pagbibigay ng saya sa akin, para lang syang SPED Teacher at ako yung special child. Sabi nga nila eh healthy daw sa isang relasyon ang tumatawa at least 30 mins a day... Pag kasama ko si Ann, mahina ang isang oras na tatawa kaming dalawa, minsan nga kahit magkaaway kaming dalawa eh mga oras na tatawa pa rin kami.

Bilang me asawa, eh napakasarap kasama ni ann, maiingit lahat ng lalake sa akin dahil meron akong asawa na maganda, mabait, responsable, at sexy! Wooot Wooooott! Napakamaisakaso nya at talaga naman tinuturing nya ako na isang prinsipe. Masarap ipagluto si Ann kasi para syang me betsin sa dila... Lahat ng lutuin ko sa kanya eh masarap at parang yun na lang ang kakainin nya habang buhay.


Hindi ko nakatrabaho si Ann kaya wala akong idea kung sino sya sa pagdating sa opisina ang tanging alam ko eh masipag syang manjer at magaling syang magtrabaho talaga... kaya naman bilib na bilib ako dyan pag work ang paguusapan. Hindi mo naman kasi mapagkakaila dahil napakaintilehenteng tao nyan, at isa yun sa mga nagustuhan ko sa kanya pwede naming pagusapan kahit ano ng hindi nagsasawa.


Bilang anak at kapatid sa pamilya nila, si Ann eh napakalambing at napakakulit. Minsan nga sobrang kulit eh gusto na syang kutusan ni Ate Angel at Bimbo... lalo na si Maxmax. Pero kahit makulit sya, eh nakakapagbigay sya ng matamis na ngiti sa pamilya namin (nakikinamin ako kasi part na ko ng pamilya nila! Wooot woooot!) Ann is just a blessing to everyone, gusto ko na nga sumulat sa Rome para gawin syang living saint dahil sa kanyang malinis at mabuting pagkatao

***


Para sa Mahal kong Asawa...


Hi By! Happy Birthday! Thanks for being there for me always and taking care of me as a husband. Gusto ko lang malaman mo na andito lang ako lagi for you, You're the best thing that ever happened to me and I really thank God for blessing me with a wonderful and loving wife in you, I couldn't ask for more. Happy Birthday my love, I hope that it will be a grand day for you. It may be your 31st birthday yet it seems that it just your 18th birthday. I wish you all the success, happiness, and long life... and may good God grant and favor you all your wishes and dreams (lalo na yung yumaman tayo at manalo tayo sa lotto at magkaroon tayo ng baby) I love you babygirl! Happy Birthday! Dito lang ako palagi for you.








10 comments:

- A n g e l - said...

Aaaaaaww super nice!

Oo tama ka sa kakulitan, pati si Max nakukulitan sa kanya, wahaha!

Sana nga yumaman na tayo lahat para everyday of the year nasa iba ibang parte tayo ng mundo at sala natin ang mga 5 star hotels sa Europe. Woot woot!

God bless you guys with loads of cute and healthy kids!

Happy birthday, Pururut Ann! Mwah!

The Gasoline Dude said...

Punong-puno ng asukal ang post na 'to! LOL! Kelan ang baby?

Elai :)) said...

Ang sweet mo kuya! Hindi maalis ngiti ko habang nagbabasa. :))))))) Happy Birthday kay Ate! :)

Leonrap said...

ang ganda ng background ng pic.. ahahaha... un ang nakita eh noh... niweiz, god bless po senyo!!!... ^^

Kamila said...

nyang ganda naman ni wifey mo... at hahaha napakachuweeeeet mo naman... HAPPY BIRTHDAYYYYYY din sa kanya!! WEEEEEEEHHH!!! Wish ko sa inyo ay magka-baby na kayooowwww :)

Judiya Mariya said...

Wow sweet! Hope she'll get to read this. :D Bagay na bagay kayo! Happy birthday, Ann!

- A n n - said...

wow! feeling ko ang haba haba ng hair ko by!!! i super loved it... parang love ko lang for you...super! =D i'm so excited for my 32nd birthday...birthday blog ko ulit. =) love you to pieces!!!!

Artiemous said...

@ate angel - pramis yayaman daw tayo, nagpahula kasi ako sa quiapo, sabi ni manong tatama daw tayo sa lotto kahit di tayo tumataya

@gasul - punong puno ng asukal na gawa sa muscovado! :D on the way na daw yung baby sabi din ng manghuhula

@Elai - salamat sa pagbati at pagbasa ng mga kalokohan kong blog

@leonrap - maraming salamat! godbless you din! :D

@kamil - salamat salamat! sana nga magkababy na agad... sana dalin na ng ibon sa amin :D

@judiya mariya - naku salamat ng marami syo! nabasa nya na pagkagaling nya sa office

@ann - cge lang miss ruth, gagawan ko po kayo ulit taon taon hanggang sa makakayanan ko pa! :D

humanbullshit said...

happy birthday sa iyong butihing maybahay parekoy!

tekamots said...

ang sweet lang....