Pages

nuffnang

Friday, February 18, 2011

Kasal ni Artiemous II


Nung una ang buong akala ko ang kailangan lang sa kasal eh ang barong na isusuot ko at ang gown ng bride... At ang lahat eh ibibigay lang ng mga kaibigan at kapitbahay namin. Isang malaking pagkakamali... Ang dami palang dapat kailanganin sa grand event na 'to! Syempre ang pinaka importante sa lahat eh yung kakainin ng mga bisita... Daming options, restaurant ba dapat, saan yung place, hotel ba, anong menu, sino caterer, me beer ba dapat... So nag suggest ako ke Ann, tinanong ko sya... "Ann pwedeng bang pandesal na me palamang peanut butter tas isang boteng coke sakto na lang ipakain sa mga bisita?" at sumagot sya "Eh gago ka pala talaga eh! Sabay kaltok sa noo ko.

So one time nagdate kami ulit sa Tagaytay at nagpunta kami sa Sonyas Garden kasi balita namin eh masarap yung pagkain nila dun. Huwow hong gondoh nang lugar para kaming nasa secret garden lang talaga! Me mga falls, flowers at mga kahoy kahoy na disenyo! Pangmayamang shet lang! Pumunta kami sa loob ng restawran at umupo sa kanilang antique na silya at lamesa... Tas me mga celebrity na kumakain... tanginangshet lang, i wanna die during that time! Eh di umorder kami Eat all you can!!!! Palong palo!!! Sinerve ni ateng serbidora yung pagkain, ayun nilapag na sa mesa ang sariwang halaman at mga iba't ibang klaseng dahon! Wow para lang akong kalabaw talaga! Pero impernes masarap yung dressing nila ah! Tas meron pang pandesal na shushal na me ibat ibang klaseng palaman... naman kasi sanay lang ako sa deri krim, reno liver spread at peanut butter na daplis para sa pandesal... pero yung sinerve sa amin... Ha!!!! Pangmayaman lang shet homeyghad!!! medyo busog na ko sa mga halaman at pandesal pero sabi ni ateng waitress..."But wait there's more!" at nilapag nya ang pasta na me ibat ibang sauce! Huuuuwwwooooowww! eto ang pagkain talaga, white sauce, red sauce, pati yata lumpia sauce meron sila dun para sa pasta! Ibang level lang teh!

So nagusap kami ni Ann ulit... sabi nya, "Ano Tiboy, dito na ang reception natin ah!?" so nagreact ako... "Huwaaattt!? Bakit dito? Ang mahal dito noh? Yung mga bisita natin pakainin na lang natin ng corned beef saka itlog! wag na dito!!!" tas sabi ni Ann.... "Sige lang, subukan mo pa magreact at magsalita, sasampigahin talaga kita sa magkabilang pisngi mo! Pagsinabi kong dito ang reception, dito ang reception at ikaw ang magbabayad lahat!" So syempre nagulat ako at nagattempt ako magsalita, pagbukas pa lang ng bibig ko eh naramdaman ko na ang kamay nya sa matabang pisngi ko... medyo naluha nga ako eh, pero konti lang. At ang tanging nagawa ko eh ang tumango at sabihing "Yes ma'am..."

Nagdecide na sya kami na sa Sonyas Garden ang reception ng kasal... Kahit masama ang loob ko dahil 900.00++ per person ang bayad! Hindi ba nakaka luha lang talaga!? Pagnaiisip ko nga sya ngayon eh gusto kong singilin yung mga umattend ng kasal na hindi ko naman talaga kilala... Pero pag ginawa ko yun eh malamang di lang si Ann ang kakaltok sa akin pati na ang pamilya ko at mga prends. Ang handa namin eh hindi lang halaman, shushal na pandesal at pasta na me sari saring sauce... Me inoffer sila sa amin na talaga namang pagkasarap sarap. Ang handa namin eh maka Pilipino talaga, Sabaw na gawa sa Kalabasa, Kare-kare, Lengua Pastel, Chicken Galantina, Fish Fillet at Kaning Puti. Tas yung dessert, Minatamis na Kamote at Turon at slice ng Tsokoleyt Keyk... yung drinks naman namin eh dalandan juice! Panalo na yun kaya di na rin ako kumontra pa ke Ann.



Pagkatapos nun eh kailangan namin ang pinaka importante sa lahat (para sa akin) ang Musician sa kasal... ... Me Karugtong Ulit... (kailangan ko ng umuwi ng bahay dahil nagaantay na si Ann)


6 comments:

YanaH said...

kaloka toh..
bitin-bitinan na naman hahaha
maganda tlaga sa sonya's garden..

minsan try nyo rin dumaan at tumikim sa bag of beans.. medyo magkalapit lang sila ng sonya's garden.. medyo lang ha.. hihihi pero if ull be coming from manila madadaanan mo una ang bag of beans along the highway sya.. o diba? promote ever pa..

kainis naman sa bitin factor! :P


www.lifes-a-twitch.com

The Gasoline Dude said...

Hong-mohol! Ayoko na magpakasal!

humanbullshit said...

ong sosyol nomon!!

Ang sarap balik-balikan yung mga ginastos pag kinakasal...para kang hinihiwa sa leeg. lol.

ako ang kong singilin ung mga umattend LANG ng reception para lumamon, hindi man lang inagahan para abutan ung misa sa simbahan.

khantotantra said...

grabe sa expenses. parang kailangan ng pera na gabundok

Kamila said...

ang mahal nga!!! Grabe/ 900???????????????????? as in 900 lang tumatak sa isip ko... baka kung ganun presyo dalawang tao lang imbitahin ko.

thegreatmaldito said...

bukas na bukas..itatapon ko na ang drafts ng kasal ko..ampotah..pwde din naman mass wedding eh.lols