Pages

nuffnang

Sunday, March 13, 2011

Pagpayat ng Matabangbyahero

Umpisa ulit ako sa plano ko na pagpapanipis ng taba at pagpapaganda ng katawan. Kung matatandaan nyo Nagtry na akong maging 180 from 220 nung January of 2008 at nung October 2009 after mailibing si erpats eh nagplano rin ako magpapayat dahil sobrang taba ko na. 257lbs ako nun na purong taba lang talaga. At sa awa at biyaya ni bathala eh nagawa kong ibaba yun sa 220lbs sa 4 na buwan. Nagawa kong palakihin ang katawan ko at bumuhat ng mabibigat na bakal.

75lbs per hand and 'look mom no spot!'


After ko magawang ibalik sa 220 ang katawan ko eh nagpabanjing banjing ako sa pagwoworkout, kasabay pa nun ang pagbawal sa akin na pumasok na hindi lalagpas ng ala una ng hapon, eh sa kasamaang palad at pag kinantot ka talaga ng malas eh ang gym na pinagbubuhatan ko eh nagbubukas ng 10:30 ng umaga, basically mall hours kasi nasa loob sya ng pipitsuging mall. Ok fine enough of justification... Tinamad na rin talaga ako dahil nakuha ko na ang goal ko at lumuluwag na ang mga brief ko at nung mga panahon na yun eh wala ako pambili ng mga bago at ayoko rin naman mag commando at tetempang tempang si junjun ko habang naglalakad.

After 10 months ko na tamarin at hindi nagbuhat ng bakal eh lumobo ako ulit ng 257lbs. Pero since me laman na ko sa loob at dagdagan mo ng taba eh mas lalong bumigat ang katawan ko. Narealize ko din na pag pinanatili kong mataba ako eh ayoko umabot sa point na hindi ko na makita si junjun ko dahil nagtago na sya sa taba. Kahit ba sabihin man nila na "There's nothing sweeter than a fat man's peter" Eh gusto ko pa rin naman na pag yumuyuko ako eh nakakamusta ko sya ng personal. Ayoko dumating yung pagkakataon na nageemail or nagtetext na lang kami.

Ngayon naman ang target ko eh 175lbs ako pagdating ng September 2011. At me mga strategy ako na pinlano para maging ganap ang pagpapapayat ko. Oo hindi naman ako nangarap na magkaroon ng abs na 6 pack pagdating ng panahon na yun. Sa tingin ko eh feasible naman sya. 13.6lbs a month ang kailangan ko bawasin sa katawan ko. Hindi naman ito yung false promises ng mga health magazine na "Get your 6 pack abs in 2 weeks!" Tangina goodluck sa 2 weeks mo, ang maniwala gago! Wooot woooott! kaya ko to!

Ang mga sumusunod ang nagtulak sa akin para magpapayat for the nth time
  • Ayoko magkaroon ng diabetes
  • Ayoko mastroke ng bata pa
  • Ayoko ng mabigat na katawan
  • Gusto ko sumali sa mga usong uso na marathon echos
  • Gusto ko ng maraming anak... mga 6
  • Gusto ko ng damit na hindi ko binili sa Maxwear sa SM
  • Gusto ko ulit maexperience na wala akong taba sa tiyan
  • Gusto ko ako ang pinakapogi sa baranggay namin

As of now, this is my 2nd week working out and gradual dieting, tandaan hindi pwedeng madaliin ang lahat, ang mainip panget! :D At isa sa mga strategy ko eh ang gumawa ng health blog entitled Ang Pagpayat ng Matabang Byahero Dito ko lahat ilalagay ang ups and downs ng aking journey sa pagpapanipis, sasabihin ko sana sa aking pagpogi pero naisip ko na matagal na kong pogi, mataba lang talaga ako! Wahahahaha!


video

5 comments:

Kamila said...

WAAAAAAAH !!!!! Nice! Bow ako sayo! Tsaka ang galing mo.. 275 ka dati... at 220 ka na ngayon.. at at at.. wala ang galing mo.. ako nga 5 lbs lang nabawas ko hirap na hirap pa ko.. lol...

humanbullshit said...

basta tuwing kakain bro, hot water wag cold.

tpus wag ka na kumain after 8pm. itulog mo nlng.

epektib yan. tignan mo ko, tatlo na baba ko. lol.

The Gasoline Dude said...

Aabangan ko ang pagpayat mo. Para kapag epektib eh gagayahin ko. LOL!

Ang Babaeng Lakwatsera said...

prehas pala tayo, nagpapa payat din ako.. pero hindi ako nag gi-gym.. nag hiphop abs lang sa bahay.. infairness may result sakin, sobrang kita talaga result..lumiit tyan ko pero naiwan ang braso.. ngayon naghahanap ako ng way para lumiit yun braso.. goodluck satin!

Artiemous said...

@kamil - hehehe mahirap talaga magbawas ng timbang, lalo na ngayon na ang goal ko eh maging 175lbs in 6 months

@ape - wahahaha! tawang tawa ko sa comment mo! tatlong baba! buti na lang ako 2 1/2 pa lang :D

@gasul - ako din inaabangan ko na rin pagpayat ko... nakakainip! :D

@babaeng_lakwatsera - buti ka pa me resulta, ako mukhang wala pa good luck talaga! :D