Pages

nuffnang

Tuesday, March 22, 2011

Summer Luvin'

Wow its olreydi summer en i can olreydi feel the smoldering heat of the sun...homeyfekincow! Super arte much lang?! Eniweys,nararamdaman nyo na ba yung init at ang galit ni haring araw? Umpisa na talaga ng summer! Uso nanaman ang mga diet dietan, gym, workout, pagpapaopera at kung ano ano pang paraan para lang mangayayat at magkaroon ng Ebs sa tyan... ay Abs pala! Shet!

Sa totoong buhay, tulad ng nabanggit ko sa mga previous posts ko, eh mahilig din ako sa adventure, paglalakbay at paliligo sa dagat (hindi sa dagat ng basura, shet ka!) Oo lalo na ang dagat na me puting buhangin, gusto ko yung mga dagat na hindi pa alam ng maraming tao yun bang virgin island (Oh me nasabi lang "virgin" iniisip mo nananaman bastos ang patutunguhan ng post na ito!?) Unexploited water teritory! Gusto ko yung beach na walang resort, yung maglalagay lang ng tent at dun para matulog at dun na rin kayo magluluto ng pagkain.

Masaya sa ganitong klase ng trip... ang mahirap lang dito eh ang pagtae! Oo wala kasing CR hellloooo Virgin Island at walang resort so walang takubets. Kung talagang kailangan mo ng ilabas eh magpapakalayo layo ka, kukuha ka ng diaryo or pag minalas ka eh dahon ng kung ano anong pananim ang gagamitin mong pandewang or pampunas sa wetpu. Pero syempre nakakahiya yun! So bago ka tumae eh kailangan ang pakiramdam mo eh yung nagpapawis ka ng malamig, nagdidilim ang mga paningin mo at tumatayo na ang lahat ng balahibo mo sa katawan... yung kilabot na pati sa bulbol umaabot, then dun ka pa lang pwede tumae. Well pwede ka rin naman tumae sa dagat pero dun ka sa malalim na part para hindi naman obvious saka dapat sa konti ang tao para hindi ito mapulot ng mga batang naglalaro sa dalampasigan at isipin na isa tong maliit na bangka or submarine na lumulutang sa tubig.

Isa sa mga challenge sa akin sa mga camping trip na tulad nito eh ang pagkain, gusto ko kasi ako ang nagluluto para sa mga kasama ko at mga kaibigan. At tuwing me outing ng mga tropa na kasama ko eh walang palya na ako ang talagang magluluto. Ang saya lang ipagluto at busugin ng mga tao, lalo na pag sasabihin at pupurihin nila ang niluto mo! Nung naganawangin kami ni JR at Ryan ako ang official na taga luto ng pagkain. Sa awa ng diyos eh nailuluto ko naman ng maayos ang pagkain at sa tingin ko eh nageenjoy din naman sila.

Ngyon me outing ulit kami papunta ulit sa San Narciso at ako ulit ang magiging tagapagluto. Exciting much! at this time mas marami akong ipagluluto. Ngayon pa lang iniisip ko na ang menu na kakainin namin! gusto ko kasi espesyal! Parang kayo lang na mambabasa ng blog na ito... Espesyal kayo para sa akin! Arte lang ulit!

10 comments:

The Gasoline Dude said...

LOL! Kinakain mo ba mga niluluto mo? Parang gusto kong bumalik ng Anawangin pagbalik ko ng Pinas.

Artiemous said...

@gasul - uu nakakain ko naman din lalo na pag gutom na! :D

MiDniGHt DriVer said...

wow... ok yan! hehe... umeespesyal ang drama..

Artiemous said...

@MD - syempre nomon! spesyal kayong lahat! parang bibinka lang na tinitinda ni manang bago sumapit ang pasko! :D

Kamila said...

Ikaw pala ang master chef.. oo alam ko na yun dahil nasabi mo na marunong ka nga magluto habang nakahubad.. hahaha

natawa ako.. kase hindi mo pa sinasabi yung virgin island..nag eexpect na akong may mababasa akong kakaiba.. pero wala naman bukod sa tae.. hehehe

Artiemous said...

@kamil - hahaha! di naman daw ako palaging bastos eh. minsan lang :D

Ang Babaeng Lakwatsera said...

nabanggit mo ang anawangin.. namiss ko tuloy.. ganda ng view pero nahirapan ako ng konti.. kc layo ng igiban ng tubig ppuntang banyo..magpoposo ka pa.. tapos kawayan lang ang pinto.. bubuhatin mo para icover ka habang ume-ebs ka.. sabi nila.. may matinong CR na daw dun ngayon. Bato na at may tubig na din sa loob hindi na kelangan mag igib. kung ganun na tlga.. siguro maiisipan ko ng bumisita uli dun..

glentot said...

Virgin at unexploited beach ba? Try mo Bolinao!!! Virgin na virgin hometown ko yun eh haha

rah said...

mukhang masarap ka magluto ah. :) Pero wag ka sanang jumebs bago magluto, lalo na kung walang CR sa virgin island na yon :) hehe maghugas mabuti ng kamay.

silentassasin said...

parang natakam tuloy akong mag beach ha..at gusto ko rin yung tamang virgin island or private beach ba kumbaga