Pages

nuffnang

Tuesday, May 24, 2011

Orayt na Pormahan

Ang aga ko pumasok kanina sa opisina kasi nga dahil me naunang nagpareserve ng training room kelangan ko mag adjust sa kanila. Di tuloy ako nakapagbuhat ng mga bakal na amoy kalawang dun sa gym sa kabilang baranggay.

At syempre dahil nga maaga ako sa opis hindi na rin ako nakapag pagupit.... 3 weeks na ko hindi nagpapakalbo kaya mukha ng pang rugby boys yung buhok ko! Nyeta!

Naisip ko na babawi na lang ako paguwi, tatakbo ako from RCBC to Mandaluyong medyo natagalan na kasi ang huling matinding cardio ko, last week pa nung nagbasketball kami sa kumpanya at syempre panalo kami! Oo panalo kami sa puso namin at panalo kami pagkakaibigan, pero talo kami sa game... Shet!

Bago ko umalis kaninang umaga nagprepare na ko ng gamit ko na pangtakbo! Running Shoes - check! Shorts - check! Sando - check! Music player arm strap - check! Condom - check! Sinalampak ko na lahat sa bagpack ko at handa ng umalis ng bahay...

At dahil me training ako kailangan pala medyo spooting ako, kelangan me kwelyo ang suot ko! Shet kailangang pumorma ni Artiemous, ayoko namang sabihin ng mga trainees ko na "Putanginang trainer namin mukhang hampaslupa! at mukhang mahirap! Shetness!" Nagisip ako maigi ng isusuot ko, nagsimula ako magmuni muni ng alas kwatro ng umaga hanggang alas otso ng umaga.... Ting! Ayan me desisyon na ako!

Since di pa ko nagpapagupit at hindi nagshashave sakto na pang rugged look, kaya sinuot ko ang checkered na long sleeves na black and white, suot ko yung tatered pants ko at syempre ang paborito ko na Timberland shoes na kulay dilaw na tae ng asong me parbo!

Orayt na! Pwede na yung porma ko... County classic! parang model lang ng MCJ at ng Guess! Ohmayghaliwaw! (Hindi RRJ, punyeta! pang jologs yun shet ka!)

Natapos ang araw ko sa opisina at bago ko umuwi eh talaga namang bumuhos na ang ulan at ang aking mundo'y lunuring tuluyan... hatid mo may bagyo dalangin ito ng puso kong... sumaaaasammoooo! (Oh kumanta pa!? hahaha!) At dahil sa ulan eh hindi ako nakapagjogging, malay ko ba naman kasi na magiging accurate ang PAGASA sa forecast nila!

Sumugod na ko sa ulan bahala ng magkasakit ayoko sa lahat ng naghahantay sa wala... ayoko rin naman na bumalik sa opisina dahil malamang eh magtatrabaho lang ako! Nakasakay na ko ng bus pero basang basa ako talaga, narealize ko na me extra shirt pa pala ko sa bag at dahil magisa lang ako sa likod ng bus, nakapagpalit ako ng damit na hindi nabobosohan... walang nakakita sa pink ko na utong at mabuhok ko na dibdib. Sinot ko ang sando ko, pero di na kaya na magpalit pa ko ng pantalon, over na yun mga ate mga kuya... Pagbaba ko ng bus eh me narealize ako. Narealize ko na Orayt na orayt ang pormahan ko ah! Palong palo eh... Para lang ako kontraksyon worker.

Basketball jersey, sira sirang pantalon, sapatos na leather na kulay tae at syempre bag na malaki. Isama mo pa ang buhok na hindi napapagupitan at balbas na hindi inaahit! Tamang tama kamukha ko si manong na naghahalo ng semento at si kuya na nagjajackhammer para sa Manila Waters "We don't just lay pipes…We improve lives!” Putangnang pormahan yan CB na CB! Construction Boy! Eh choosy pa!? Wag na! Pwedeng pwede na yan! Hindi ka talo eh oh?! Pormang porma lang eh! Pwede na di ba? Apir!

4 comments:

YOW said...

HAHAHAHA. Naimagine ko ng sobra yung itsura mo. Haha. At least nagkapurpose yung paghahanda mo, magchange ng look. Haha.

humanbullshit said...

paminsan minsan daw mag-itsurang construction worker ka naman. nakakapagod din maging gwapo araw araw pre. trust me. Lol.

longlivejudyism said...

Wahaha! :)) You made my day Artemus! :D

glentot said...

spooting! LOL ngayon ko lang uli naencounter ang word na yan! nyahehehehe

Sa RCBC ka rin pala nagwowork. totoo bang nakita mo ko? anong ginagawa ko nun? hahahaha sana sinigawan mo man lang ako hehehehe