Pages

nuffnang

Friday, October 21, 2011

Blog para sa Idol ko...

Eksayted na ko mapanood ulit ang laban ng isa sa mga idolo ko, sasabak nanaman kasi sya sa isang bakbakan na itataya nya ang kanyang dangal at ang pangalan ng bansa natin... Hindi si Lito Lapid ah! Si Manny 'Pacman' Pacquiao. 

Sa mga hindi nakakaalam fan ako ni Manny bilang boxer hindi lang ngayon na sikat na sya kundi dati pa mga 6 months pa lang ako nun eh... Pero hindi lang ako fan ng boxing dahil ke Pacquiao, fan ako ng larong ito simula dati pa, nagsimula ito nung naglaro ako ng Punchout sa Family Computer dahil ke Tyson. Natatandaan ko pa ang pinakaunang boxing match na pinanood ko nun, yun yung laban ni Mike Tyson vs. Michael Spinks... Knock out si Spinks sa 1st round pa lang. Eksayting talaga ang boxing pero syempre mas eksayting pa rin panoorin yung torohan.

Napanood ko ang isang laban ni Pacman kasama ang erpats ko sa Mandaluyong Gym, kalaban nya nun yung taga Thailand para sa Oriental and Pacific Boxing Federation Flyweight Championship. Napabagsak ni Pacquiao yung kalaban nya sa 5th round... Simula nun sinabi ko na sa susubaybayan ko ang laban ni Manny Pacquiao. Hindi pa sya sikat nuon pero nagustuhan ko yung laban nya. Wala pa kong alam sa mga teknikal na aspeto ng boksing nun. Nagustuhan ko lang yung laban nya kasi nanalo sya at pers taym ko makapanood ng live na boksing.

Sinubaybayan ko ang lahat ng mga laban ni Pacquiao, dinownload ko pa ang mga laban nya na international fights na hindi pinalabas sa TV, or kung pinalabas man eh hindi ko napanood. Pero perfect knockout talaga yung laban nya ke Ricky 'Hitman' Hatton.

Sa mga hindi nakakaalam lumubog na ang sports na boxing hindi lang sa Pinas kundi sa buong mundo, hindi na sya napapansin ng karamihan pagkatapos ng kasikatan ni Hollyfield nawala na ang ningning ng larong ito. Nauso na kasi ang mga Drama rama at yung mga teleserya. Mapapansin din dito na talaga namang mas marami ng babae kesa sa lalake at yung mga lalake eh mas gustong maging babae. Isa si Pacquiao na nagbalik sa estado ng boxing sa buong mundo.

Aaminin ko, hinding hindi ko nagustuhan si Pacquiao bilang Politiko, Artista, Host, TV Personality, at lalong lalo na bilang Singer... Pero sa mundo ng boxing, sya ang pinaka magaling para sa akin...

9 comments:

Diamond R said...

Naman.Idol na idol ko yan.gusto ko na ngang palitan ang banner ko ng mukha ni manny kong wala lang magagalit. iba level ng kagwapuhan na meron ang taong ito.wag ng isali ang pulitika kasi nakakasira lang siya ng tanawin.

Artiemous said...

@diamond r - hahaha! papalitan mo ba banner mo ng mukha nya? pero sa totoo lang wag na lang talaga nya isali ang sarili nya sa politika at wala syang lulugaran dun. :D

aLgene said...

Wow! The pinoy pride! Same here, I don't like him too as a singer, artist or politician. But hanga ako sa kagalingan niya. He's the best talaga! Pero kinakabahan ako sa next fight niya! Malapit na malapit na!

aLgene said...

Sana magexlinks tayo kuya! Hehehe :)

Artiemous said...

@algene - oo nga, nakakakaba talaga yung next na laban nya. pero malamang sa lamang sisiw lang ke pacquiao yun! :D pero mas magandang laban talaga at inaabangan ng mga die hard boxing fans yung laban ni mayweather vs pacquaio. :D

anney said...

Galing talaga yang si Manny pangbato ng Pinas! Yun nga e hilig nya talaga ang showbiz kaya lahat pinasok na, hosting, artista at singer!

Yen said...

i'm not really fanatic about manny pacquiao. I'm not even very excited when he has a fight. The rest of the family sits on the family room and watch while I do other things. Maybe because boxing is not really on my list of interest. but i'm still proud that another Filipino gave pride to the Philippines.

Artiemous said...

@anney - oo nga, shobiz na shobiz lang... dami nga nachichismis na mga kabit nya eh. hehehe! :D

@yen - well just like what you've boxing is really not for everyone. I even know some people who despise the sport. :D

cseamush said...

natawa ko dun sa "mas exciting parin manuod ng torohan"...hahaha

bilang pulitiko at singer, palpak naman talaga si Manny dahil hindi nya forte yun, pero as pulitiko, hindi sya kurakot at nag-aaral pa ng mga batas para mas lalong magsilbi. bilang singer, nagpapraktis sya lagi para hindi marindi mga fans nya.

isang ehemplo si Manny ng walang sawang sipag, matinding tyaga, at pagiging maka-dyos. kung ang bawat pinoy ganyan karangal mag trabaho, mas uunlad tayo.