Pages

nuffnang

Wednesday, November 9, 2011

Me Sakit si Artiemous

ninakaw ang pichur dito

Medyo matagal nanaman yung hindi pagpost ng gwapong gwapo at poging pogi na si Artiemous, nagkaroon ng medyo malubhang sakit ang inyong lingkod. 5 araw akong pinagpapahinga ng doctor, pero yung limang araw na yun eh nasa hospital clinic lang ako palagi. Maghapon ako nagaantay para sa resulta ng kung anik anik na test, (bugbog na ang ugat ko kakakuha nila ng dugo) maghantay sa doctor na sobrang late, at magantay sa isang genie na maga-grant sa akin ng 3 wishes... pasensya na nadala lang ako nung napanood kong aladin kanina sa clinic!

Hindi masaya magpabalik balik sa ospital, kahit ba sabihin mong nasa loob ng mall ang mga clinic ngayon. Nakakapagod at nakakainip, yun pa naman yung pinaka ayaw ko sa lahat yung naiinip ako, yung wala akong ginagawa at nakatunganga lang. Gusto ko sanang maglakad lakad sa mall para cool, pero syempre dala ng dinaramdam kong sakit, wala akong choice kundi maupo, maghintay, at mainip.

Ok lang naman sana yung magantay at maupo basta meron kang nakikitang kanais nais, ang kaso walang magandang view sa ospital. Marami sa inyo ang malamang magaadvice na, "Artie dapat pinagana mo yung radar mo at sumipat-sipat ka ng mga nurse na hot!" Putangna! Anong hot dun? Eh puro betlog yung mga nurse dun sa clinic, at tatlo sa limang betlog na nurse eh gusto yata magkaroon ng keps base sa inaarte nila! Ang saya di ba?! Wala na yung mga nurse na chick, yung mga nakikita mo sa mga porn video yung nakalabas yung cleavage nung fake na boobs tas maikli ang skirt tas walang... sabay sa saliw ng slow music na 'bowwow- chicka -wow-wow, chicka-chicka-wow-wow'. Wala na rin yung mga sexy at palung-palo na mga doctor na babae. Ang mga doctor duon sa clinic kung hindi matandang babae o kaya eh lalake... talo ang bigayan mga brod! Oh my gosh, syempre kung meron man na ganun eh di ko papatusin yung nurse at doctor na yun, magagalit ang misis ko kasi bad yun eh! Kung totoo man yun, hinding hindi nya ko mahahawakan ni hibla ng buhok ko!

Habang nagaantay ako nagmamasid masid lang ako ng mga taong naglalabas pasok sa clinic. Andyan yung mga taga call center na pumunta sa clinic para kumuha ng Med Cert kasi umabsent, marami sila dun sa Family Medicine. Kung itatanong mo kung paano ko nalaman na taga call center din? Eh kasi kung magsalita me 'twang' at me 'meeerican ackhzzzzent. Pero yung itsura parang aattend lang ng rally sa Mendiola or nautusan lang ng nanay na bumili ng kangkong sa palengke. Meron din naman na mga konyotik ang itsura, ang ganda ng itsura ni ate, alagang belo ang kutis tas ganda ng ngiti parang ang bango ng hininga parang pati singit at kuyukot amputi-puti, pero puta pag nagsalita na... Yari ka! Parang tambay lang din sa kanto ang putangna! Parang tumatagay lang ng gin- bulag pag ala una ng tanghali!

Pag magisa ka lang talaga marami ka marerealize, ang dami dami kong napagisip-isip tungkol sa buhay ko. Pero nung ginamitan ko ng fishbone  at 6 sigma analysis yung naiisip ko, ang root pala ng gusto ko eh ang yumaman. Sabi nila hindi nabibili ng pera ang kaligayahan... pero parang kaya ko yun basta me budget. Hanggang dito na lang muna at kukunan pa ko ulit ng dugo!

22 comments:

kagandahan said...

aha! kaya wala ka pala ng matagal na panahon! ayan kasi kung anu anu pa rin iniisip. may sakit na nga. susme. salbahe ka.

rah said...

nabibili ng pera ang kaligayahan, basta may budget! tama, haha lalo na kung alam mo talaga kung anong magpapasaya sayo.

Get well soon.

Krishna - Riyadh said...

oist

iya_khin said...

anyare sayo? i hope k kalang!! wag ng masyadong magpantasya sa mga porn nurses!! lol

farjah said...

Hi I just stumble upon from other blog and want to have a connection through blog hopping. I ask permission from you that I am leaving a link/s here in your comment box for my back-link. By the way I have joined your GFollow, you can guest post or post an article/s in my blog and I will provide a back-link for you directly to your blog/site my blog is just new with PR2 feel free to visit me soon.

farjah said...

Hi I just stumble upon from other blog and want to have a connection through blog hopping. I ask permission from you that I am leaving a link/s here in your comment box for my back-link. By the way I have joined your GFollow, you can guest post or post an article/s in my blog and I will provide a back-link for you directly to your blog/site my blog is just new with PR2 feel free to visit me soon.

Artiemous said...

@kagandahan - hehehe! oo medyo matagal tagal nga rin

@rah - exactly! lahat naman napagiisipan kung ano makakapagpasaya sayo so technically money can really buy happiness

@zhari - psst! hahahaha! :D

@iya_khin - hahaha! oo di na talaga, dala lang ng karamdaman kaya napapaisip ako ng mga ganung bagay

@farjah - not really sure if you're for real or spammer, but thanks for dropping by to my blog. :D

Liezyl Gomez said...

pagaling ka! bawal magkasakit, haha!

iambillstumor said...

Nako, takot na takot ako sa karayom saka sa injection. Pagnagpapamedical nga ako napapansin ng mga nurse na kukuha ng dugo na nanginginig ako. Haha. Nakakahiya ren.

Ganyan din ako pag nag aantay. Mahilig mag sight seeing. Haha.

Natawa naman ako sa description mo ng Call Center Agents. Haha. Magrarally sa Mendiola. Pero honestly, na iirita din ako sa mga mukhang mahihirap naman pero todo maka inggles sa public place. I mean, I know they all have to practice it or whatever but I think it's inappropriate kung ang kausap nila ay, say, hindi naman mukhang nag iinggles na parang ang dating eh nagmamalaki lang sila sa fake accent nila.

Goodluck sa dugo! Sana matapos na yang kalbaryo mo.

Hello po!

Artiemous said...

@Liezyl Gomez - tama ka, sa panahon ngayon bawal talaga magkasakit. :D

@iambillstumor - hello po! salamat at nakarating ka sa munting blog ko. natuwa ako sa blog mo kaya nilagay ko na sa links ko ng hindi humahanap ng anumang kapalit. :D

kwentongkengkay.com said...

pumayat ka na siguro... pagaling ka!

daniel the jagged little egg said...

Get well soon bossing.

Ayie =) said...

Bawal magkasakit oi! Nakakabawas ng guapo points.

Ansabeh?

Di ka naman nirecommend sa psychiatric ward?

Ingats lagi!

iambillstumor said...

Hello din! Salamat, salamat ng marami! :D

Nasa links din kita kaso nakatago ang links ko. Nyay!

-mark- said...

O bakit parang pareho yung comment ni Farjah dito sa blog mo at sakin, nawala lang yung pangalan ko.

anyway, salamat po sa pagbisita sa blog ko..
at sana ay Ok ang lagay mo, yan ang ayoko ang maospital, dahil takot paren ako sa injection ewan ko ba kahit ilang beses ako nainjection ay takot paren ako..

Agree ako, sa office namin madaming agent na di lang mukhang rallyista, me mga mukha pang katulong pero me twang magsalita wahahaha

MACY said...

hi! thanks for dropping by..follow na kita..=)

-Macy
www.maccyy.blogspot.com

KikomaxXx said...

pagaling :)

Dhemz said...

hehhehe...kakatuwa naman...:)

YOW said...

Why? What happened? Anung sakit yan? Sa dugo ba ang problema? Parang nakakatakot naman at hindi ka na makalakad dahil sa sakit mo na nararamdaman? Nakisali at nakichismis talaga? Get well soon.

thegreatmaldito said...

hoy artiemus! sana okay ka na! no ba nangyari?
dami mong nakita sa clinic..ahahaha...ao once a year lang makikit sa clinic...dahil?

ahahhaa...naisulat mo na ang dahilan.lols

Artiemous said...

salamat sa lahat ng mga nagbasa at nagwish na gumaling si artiemous :D

buknoy said...

swak to. may article din ako sa pera eh. silipin mo lang. http://sabisabisabinibuknoy.blogspot.com/