Pages

nuffnang

Tuesday, November 22, 2011

Wrong Love


Sabi ko nga sa isa sa mga blog ko, isa sa pinaka masarap maekspiryens sa buhay ng isang tao eh ang magmahal at yung mahalin, iyun bang kinikilig kilig ka pa at parang me kumukurot kurot sa eggs mo pag magkasama kayo or sumusundot sundot sa kuntil mo pag nagkukwentuhan kayo... Karamihan sa mga magsing-irog eto yung hinahanap-hanap sa relasyon, yung kilig factor. Yung magic, yung spark, yung 'it' at marami pang katawagan. Maraming naniniwala na importante daw yung 'magic' na yan sa relasyon, kasi nga naman, ito daw yung nagbibigay ng sarap sa isang relasyon, yung nagwawater water sila tuwing maiisip nila ang isa't isa.

Ok ang mainlove, pero hindi ko lang magets kung bakit me mga tao na pag naiinlove sila eh kagalit nila ang mundo. Yun bang 'You and me against the world' ang drama nya. Yung kinakalaban nya ang buong mundo pag me karelasyon at kinakalimutan ang lahat basta me boypren or gelpren.

Meron kasi akong kilala, na pag wala syang kasintahan eh kaibigan nya ang lahat, kailangan kaawaan sya ng sambayanan kasi nga wala syang relasyon. Kailangan makisimpatya ang universe sa pagiging singol nya. At syemrpre dahil kaibigan mo kailangan tulungang makahanap ng makakasex makakadate nya. Pero ang pinaka mais sa lahat eh yung pag nahanap nya yung tao na yun eh kakalimutan na nyang magkaibigan kayo. Pag inlove sya gagawa sya ng eksena sa pagkakaibigan at sa barkada at guguluhin nya ang mundo nyong nanahimik. Oh di ba ang sarap lang ihagis sa kumulong mantika dahil sa ugaling ipinapakita. Dahil nga sa ugaling asal nitong hinayupak na to eh wag ka ng umasa na magtatagal ang relasyon nya. Pagkatapos lang ng tatlong buwan eh malamang hiwalay na sila ng sing-irog nya na inalayan nya ng buhay nya. After that eh magkakaibigan na ulit kami.

Hindi ko alam kung ako lang ang me kakilalang ganito ang ugali or marami ang naglipana sa earth na parehong kwento. Ang alam ko lang kasi eh marami ang nababaliw sa pagibig, isa na nga rito yung kaibigan ko although sya naman eh nagbabaliw-baliwan. Nagpapapansin lang ba. Kulang sa atensyon baga. Isa lang naman ang masasabi ko sa kanya eh, ang buhay ng tao eh hindi parang Burger King, you can't always have it your way...

Marami rin akong kilala na ginagawang laruan ang pagibig, ginagawa nyang kasangkapan ang pagmamahal para makatikim ng iba. Marami kasi sa mga babae eh hopeless romantic lalo na yung mga shunga shunga. Kakaibiganin sandali tas sasabihan ng 'i love you... syo ko lang naramdaman ang ganitong klase ng pagmamahal' tas after nun maniniwala si babae, tas sasagutin si lalake after 3 days magsesex na sila after maka score si lalake ng marami-rami, iiwanan si babae. Ganun kasimple para sa isang tropa ko ang sinasabing pagmamahal. Sabi ko nga sa kanya eh... "Sige lang, banat ka lang ng banat, ingat ka lang kasi baka bukas eh mahulog na lang yang dulo ng etits mo sa inidoro..." aba mahirap kayang habulin yun, lalo na pag lumubog na talaga sa ilalim, buti sana kung lulutang eh.

3 comments:

glentot said...

Marami ngang nababaliw sa pag-ibig. May kilala nga ako eh nagbago ang ugali. From being carefree naging sobrang paranoid dahil nainlove. Meron din namang dating walang pakialam sa itsura pero noong nagkaroon ng relasyon eh naging vain. At meron din yung gumawa ng sariling rules pero brineak din lahat ng rules dahil umibig na sya LOL. Chaka.

Ayie =) said...

Meron din akong kilalang ganyan, dati kwento ng kwento sa akin, ngayon humihirit na ng 'secret'. hahahah!

Eto ang mga maaring dahilan kung bakit sila nagiging asshole in love:

a) Fans sila ng Guy&Pip, Gabby-Sharon at Gerald-Kim Chui.

b) Meron silang collection ng Precious Hearts pocket books at liwayway magazine na paulit ulit nilang binabasa.

c) Sa tulong ng Dear Xerex sila natutong magbaybay.

I thank you. =))

rah said...

may ex kaibigan din kaming ganyan, nung nakapagasawa na, wala na. bigla nalng nawala na parang bula. actually, nung nagkaboyfriend na siya ng mayaman, parang hindi niya na kami kilala. User friendly, gold digger. argh.. nakakatakot kung anong madidiscover mo underneath sa tunay na balat ng tao.