Pages

nuffnang

Thursday, February 24, 2011

Bertdey Blog para ke Ruth Ann

Medyo commercial muna para sa part 3 ng Kasal ni Artiemous. Me isang tao kasi na magcecelebrate ng kanyang kaarawan. Oo tama ka kaibigan magbibigay ako ng isang Bertdey Blag... Perstaym ko po ito ma'am/ sir kaya dahan dahan lang po ah...

Bertdey na ng asawa ko at pers taym nya na magbebertdey na me asawa! So dapat ang isusulat ko dito eh special parang bibingka na tinitinda sa madaling araw bago magpasko. Masarap, mainit, makeso at malinamnam.

Sa mga nakakakilala ke Ruth Ann ang unang katangian na makikita nyo sa kanya eh ang pagiging mabait nya at pagiging pasensyosa... Oo korek na me check! Napakabait ni Ann sa lahat ng tao, napakapasensyosa nya talaga. Helloooo! Tumagal ka ba naman sa isang katulad ko!? Eh ikaw na! Sa totoong buhay eh hindi naman talaga ko nakakaltukan at nakobra ni Ann sa noo, at never nya din ako sinampiga sa mataba kong pisngi. Napaka pasensyosa nya talaga, pero nasikmuraan nya na ko at nadibdiban one time pero hindi naman ako nasaktan. Sinabi ko nga nun nung ginawa nya yun... "Hindi naman masaket, hindi naman masaket!" tas tumakbo ko dun sa basketball court kasi hinabol nya ko ng lanseta.

Kung pasensya ang paguusapan eh number 1 na talaga si Ann sa tulad kong napaka Moody at medyo masungit lalo na pag pagod eh isa syang dakilang katuwang sa buhay. Sya lang ang kayang magpangiti sa akin pag naiirita ako at tinatamaan ng toyo... Para syang magic! Meron syang sariling paraan ng pagbibigay ng saya sa akin, para lang syang SPED Teacher at ako yung special child. Sabi nga nila eh healthy daw sa isang relasyon ang tumatawa at least 30 mins a day... Pag kasama ko si Ann, mahina ang isang oras na tatawa kaming dalawa, minsan nga kahit magkaaway kaming dalawa eh mga oras na tatawa pa rin kami.

Bilang me asawa, eh napakasarap kasama ni ann, maiingit lahat ng lalake sa akin dahil meron akong asawa na maganda, mabait, responsable, at sexy! Wooot Wooooott! Napakamaisakaso nya at talaga naman tinuturing nya ako na isang prinsipe. Masarap ipagluto si Ann kasi para syang me betsin sa dila... Lahat ng lutuin ko sa kanya eh masarap at parang yun na lang ang kakainin nya habang buhay.


Hindi ko nakatrabaho si Ann kaya wala akong idea kung sino sya sa pagdating sa opisina ang tanging alam ko eh masipag syang manjer at magaling syang magtrabaho talaga... kaya naman bilib na bilib ako dyan pag work ang paguusapan. Hindi mo naman kasi mapagkakaila dahil napakaintilehenteng tao nyan, at isa yun sa mga nagustuhan ko sa kanya pwede naming pagusapan kahit ano ng hindi nagsasawa.


Bilang anak at kapatid sa pamilya nila, si Ann eh napakalambing at napakakulit. Minsan nga sobrang kulit eh gusto na syang kutusan ni Ate Angel at Bimbo... lalo na si Maxmax. Pero kahit makulit sya, eh nakakapagbigay sya ng matamis na ngiti sa pamilya namin (nakikinamin ako kasi part na ko ng pamilya nila! Wooot woooot!) Ann is just a blessing to everyone, gusto ko na nga sumulat sa Rome para gawin syang living saint dahil sa kanyang malinis at mabuting pagkatao

***


Para sa Mahal kong Asawa...


Hi By! Happy Birthday! Thanks for being there for me always and taking care of me as a husband. Gusto ko lang malaman mo na andito lang ako lagi for you, You're the best thing that ever happened to me and I really thank God for blessing me with a wonderful and loving wife in you, I couldn't ask for more. Happy Birthday my love, I hope that it will be a grand day for you. It may be your 31st birthday yet it seems that it just your 18th birthday. I wish you all the success, happiness, and long life... and may good God grant and favor you all your wishes and dreams (lalo na yung yumaman tayo at manalo tayo sa lotto at magkaroon tayo ng baby) I love you babygirl! Happy Birthday! Dito lang ako palagi for you.








Friday, February 18, 2011

Kasal ni Artiemous II


Nung una ang buong akala ko ang kailangan lang sa kasal eh ang barong na isusuot ko at ang gown ng bride... At ang lahat eh ibibigay lang ng mga kaibigan at kapitbahay namin. Isang malaking pagkakamali... Ang dami palang dapat kailanganin sa grand event na 'to! Syempre ang pinaka importante sa lahat eh yung kakainin ng mga bisita... Daming options, restaurant ba dapat, saan yung place, hotel ba, anong menu, sino caterer, me beer ba dapat... So nag suggest ako ke Ann, tinanong ko sya... "Ann pwedeng bang pandesal na me palamang peanut butter tas isang boteng coke sakto na lang ipakain sa mga bisita?" at sumagot sya "Eh gago ka pala talaga eh! Sabay kaltok sa noo ko.

So one time nagdate kami ulit sa Tagaytay at nagpunta kami sa Sonyas Garden kasi balita namin eh masarap yung pagkain nila dun. Huwow hong gondoh nang lugar para kaming nasa secret garden lang talaga! Me mga falls, flowers at mga kahoy kahoy na disenyo! Pangmayamang shet lang! Pumunta kami sa loob ng restawran at umupo sa kanilang antique na silya at lamesa... Tas me mga celebrity na kumakain... tanginangshet lang, i wanna die during that time! Eh di umorder kami Eat all you can!!!! Palong palo!!! Sinerve ni ateng serbidora yung pagkain, ayun nilapag na sa mesa ang sariwang halaman at mga iba't ibang klaseng dahon! Wow para lang akong kalabaw talaga! Pero impernes masarap yung dressing nila ah! Tas meron pang pandesal na shushal na me ibat ibang klaseng palaman... naman kasi sanay lang ako sa deri krim, reno liver spread at peanut butter na daplis para sa pandesal... pero yung sinerve sa amin... Ha!!!! Pangmayaman lang shet homeyghad!!! medyo busog na ko sa mga halaman at pandesal pero sabi ni ateng waitress..."But wait there's more!" at nilapag nya ang pasta na me ibat ibang sauce! Huuuuwwwooooowww! eto ang pagkain talaga, white sauce, red sauce, pati yata lumpia sauce meron sila dun para sa pasta! Ibang level lang teh!

So nagusap kami ni Ann ulit... sabi nya, "Ano Tiboy, dito na ang reception natin ah!?" so nagreact ako... "Huwaaattt!? Bakit dito? Ang mahal dito noh? Yung mga bisita natin pakainin na lang natin ng corned beef saka itlog! wag na dito!!!" tas sabi ni Ann.... "Sige lang, subukan mo pa magreact at magsalita, sasampigahin talaga kita sa magkabilang pisngi mo! Pagsinabi kong dito ang reception, dito ang reception at ikaw ang magbabayad lahat!" So syempre nagulat ako at nagattempt ako magsalita, pagbukas pa lang ng bibig ko eh naramdaman ko na ang kamay nya sa matabang pisngi ko... medyo naluha nga ako eh, pero konti lang. At ang tanging nagawa ko eh ang tumango at sabihing "Yes ma'am..."

Nagdecide na sya kami na sa Sonyas Garden ang reception ng kasal... Kahit masama ang loob ko dahil 900.00++ per person ang bayad! Hindi ba nakaka luha lang talaga!? Pagnaiisip ko nga sya ngayon eh gusto kong singilin yung mga umattend ng kasal na hindi ko naman talaga kilala... Pero pag ginawa ko yun eh malamang di lang si Ann ang kakaltok sa akin pati na ang pamilya ko at mga prends. Ang handa namin eh hindi lang halaman, shushal na pandesal at pasta na me sari saring sauce... Me inoffer sila sa amin na talaga namang pagkasarap sarap. Ang handa namin eh maka Pilipino talaga, Sabaw na gawa sa Kalabasa, Kare-kare, Lengua Pastel, Chicken Galantina, Fish Fillet at Kaning Puti. Tas yung dessert, Minatamis na Kamote at Turon at slice ng Tsokoleyt Keyk... yung drinks naman namin eh dalandan juice! Panalo na yun kaya di na rin ako kumontra pa ke Ann.



Pagkatapos nun eh kailangan namin ang pinaka importante sa lahat (para sa akin) ang Musician sa kasal... ... Me Karugtong Ulit... (kailangan ko ng umuwi ng bahay dahil nagaantay na si Ann)


Wednesday, February 16, 2011

Kasal ni Artiemous

Isang buwan na ko kasal, pero sa totoong buhay eh parang fresh pa ang lahat! 1 taon na pagiipon ng pera, 6 na buwan na preparasyon, 1 buwan ng tensyon, apat na oras na selebration pero isang oras ng basbas at pagsumpa sa harap ng mga tao at Diyos... Huwow serious much?!

Sige! Dahil sa maraming nagrequest na ikuwento ko ang kasal ko eh yun ang iba blog ko ngayon. Simula ng magpropose ako sa asawa kong magaling eh dun ko naramdaman ang totoong meaning ng emotional roller coaster! Oo lahat ng pwedeng maramdaman eh naramdaman ko dito... Daig pa nito yung naramdaman ko nung grade 1 nung sumali ako sa oratorical contest na habang nakaharap ako sa maraming tao at sa gitna ng tula ko eh nakalimutan ko yung linya ko at naramdaman ko na puta parang natatae ako nung mga oras na yun! Beat that! Pero di naman ako natae sa short nun... although di ko na matandaan kung meron akong caramel strip sa brief

Nagsimula ang lahat nung magpropose ako sa magaling kong asawa sa UCC sa me Glorietta, umuulan pa nun at hiningi ko sa kanya na gawin akong pinakamasaya at pinakamaswerteng lalake sa buong mundo...Yiiiiiihhheeee... uuuyyy!!! Eh bigla syang sumagot ng... "Tangna mo! Tigas ng mukha mo! Yang itsura mo na yan sa palagay mo papakasalan kita? Gago kung di ka masarap di ako sasama sayo!"sabi ko... "Sige araw araw kitang paliligayahin!" tas sabi nya, "Sige... basta araw araw ah!? Teka pogi na ba yan?" Sabi ko..."Oo poging pogi na!"

Ayun at inabot ko ang singsing at natuloy kami sa lugar na me masarap na pansit at fried chicken... tas me dalawang pares ng tsinelas, cable tv at me aircon at No Brownouts! Pero syempre joke lang to kasi di talaga nagmumura ang misis ko so tanggalin nyo yung mura!

Nung nagdate kami sa Nurture Spa sa Tagaytay eh bigla ko naisipan na dalhin sya sa paborito kong lugar sa me Batulao Batangas... Don Bosco to be exact. Nagdasal kami dun at sinabi ko sa kanya (dami kong sinasabi)..."Ann Eto ang simbahan kung saan pangarap kong magpakasal..." At nalove at first sight sya sa Chappel on the Hill... Sabi ko..."Tara, magpalista na tayo sa simbahan kung kailan natin gustong sumumpa sa dambana para sa ating matamis na pagmamahalan!"

Hawak ko ang kanyang kamay at sa simoy ng malamig na hangin na amoy tae ng kalabaw eh nagtungo kami sa opisina ng simbahan para ipareserve ang date na January 16, 2011. Nagbigay kami ng downpayment at opisyal na ikakasal kami sa araw na iyon. Halos isang taon pa ang preparasyon namin para sa petsa na yun. Tamang tama me oras pa para magipon!

3 Buwan na ang nakalipas at narealize ko na ang naiipon kong pangkasal namin eh hindi pa uubra para magpakasal ke Huwes. Sinabi ko nun na,"Ann, wag na lang tayo sa simbahan na yun magpakasal.. Dun na lang tayo ke Mayor me kasalang bayan, tas libre na handa sa bisita Chowking Lauriat at me lechon pa!" After nun di nya ko kinibo ng dalawang linggo... Iniisip ko nga kung bakit hindi nya ko kinibo ng mga panahon na yun, feeling ko galit sya sa Mayor ng bayan nila kaya nagalit sya sa akin... Dapat pala ang suhestyon ko na lang eh sa Albolaryo dun ke Mang Pepe kasi nabalitaan ko nagkakasal yun ng mga dwende at maligno, donasyon lang ang bayad so pwede na bente pesos dun! baka di pa nagalit yun...

... Me karugtong...

Sunday, February 6, 2011

Luto ni Artiemous

Grade 5 ako noon ng simulan akong turuan ng aking nanay kung paano magluto, actually hindi pa nga pagluluto eh... tinuruan nya ako kung paano mag gisa ng bawang sibuyas at kamatis, dapat ligis na ligis para maghalong mabuti ang lasa ng bawat sangkap sa mainit na mantika. Pero bago yun, eh ang pinaka importanteng tinuro sa akin ng nanay ko eh yung panglasa sa pagkain, hindi pwedeng pwede na, dapat pantay ang lasa ng alat, asim, tamis at kung me konting anghang eh hindi dapat sya overpowering sa ibang lasa. Ako ang dakilang taga tikim ng ulam na niluluto ng aking nanay. "Artie tikman mo nga yun nakasalang kung OK na?!" Yun yung madalas na itanong sa akin ng ermats ko. Kaya naman talagang pinag- igihan ko ang paghasa at paglalaro ng dila ko sa pagkain (oh oh, hindi bastos yun, bakit ba pag me sinusulat ako na tulad nito eh bastos agad ang naiisip nyo?)


Natatandaan ko pa ang pinaka unang niluto ko na walang tulong ni mommy yung swam na tahong, paborito ko talaga yung tahong eh lalo na yung masabaw talaga. Nahasa ako sa mga lutong bahay yung pangaraw araw na ulam Adobo, sinigang, mechado, afritada, tinola, nilaga, ginisang gulay at kung ano ano pa. Hindi gaanong sanay ang panglasa ko sa mga pagkaing sosyal. Pero alam ko kung ang ulam na nakahain eh masarap at espesyal, kung lutong dyokma, or lutong pangtindahan at tinipid sa lasa at sangkap




Kaya naman pinangarap ko talagang maging chef dati at ang school lang nung panahon na yun eh CCA. Nakamotor pa kami ng erpats ko noon papunta sa me ortigas para magtanong kung magkano ang tuition... Putangna! 180K!!!! Wala kaming ganoong kalaking pera kaya naman nagtrain na lang ako sa nanay ko at classroom ko ang kusina namin. Blackboard nya ang sangkalan at at chalk nya ang kutsilyong matalas. Tinuro nya ang tamang hiwa ng sangkap para sa ibat ibang putahe. Hiwang pino, pahilis, manipis, makapal, sa apat, sa kalahati at maramii pang iba. Field trip namin ang palengke sa Kalentong at natutunan ko kung paano bumili ng sariwa at sa hindi... Sa amoy at itsura ng iskargo (isda karne gulay) bawal maarte kelangan matutunan lahat yun. Kaya nga naisip ko eh, hindi ko na pala kailangan mag aral ng culinary arts para lang sa pagluluto, dahil turo pa lang ng ermats ko eh sapat na. Eto ang ilan sa mga importanteng naturo sa akin ng mahal kong nanay.


  • Wag mong tipirin ang mga sangkap pero wag mo ring sobrahan.
  • Pagaralan mo ang bawat lasa ng pagkain
  • Iba ang marunong magluto sa masarap magluto, ikaw dapat masarap lagi ang luto mo.
  • Nalalasahan ang emosyon mo sa niluto mo, kaya dapat lagi kang masaya at focused pag nagluluto ka.
  • Maging malinis ka sa kusina, kung ano ang kinalat mo, ligpitin mo
  • Masarap ipagluto ang mga minamahal mo sa buhay
  • Dapat mabilis ka sa kusina, hindi pwede ang makupad

Since naperfect ng nanay ko ang mga lutong bahay at medyo adbenturero ako eh, ginusto ko naman magluto ng mga hindi masyado common para matikman ng pamilya ko at mga kaibigan ko. Italian, French, Spanish at kung ano ano pa. Eksperimento dito eksperimento dun. Pero isa lang talaga ang masasabi ko, napakagastos ng pagluluto





Napapakinabangan din ng mga kaibigan ko ang pagluluto ko, dahil ako ang dakilang yaya nila lalo na pag me outing dahil ako ang dakilang taga pagluto. Tuwing me outing, lagi akong kumpleto sa pagluluto at sangkap dahil di mo masasabi kung kailan magkakaroon ng emergency mabuti ng handa. Pero kung merong nakinabang talaga sa taglay kong kaalaman sa pagluluto eh yun yung mga naging chick ko dati at ang mahal kong asawa ngayon. Sabi nga nila "the best way to a man's heart is through stomach" pero sabi ko naman ang pinakamabilis na paraan para sa pepe ng babae eh yung marunong ka magluto, pero wag ka gagamit ng gayuma.


Alam ng asawa ko na marunong ako magluto kaya naman isang request nya lang eh masusunod agad pagdating sa pagkain. At hinding hindi ako papalya sa pagsisilbi sa kanya kung ano man ang magustuhan nya.