Sabi ko nga sa isa sa mga blog ko, isa sa pinaka masarap maekspiryens sa buhay ng isang tao eh ang magmahal at yung mahalin, iyun bang kinikilig kilig ka pa at parang me kumukurot kurot sa eggs mo pag magkasama kayo or sumusundot sundot sa kuntil mo pag nagkukwentuhan kayo... Karamihan sa mga magsing-irog eto yung hinahanap-hanap sa relasyon, yung kilig factor. Yung magic, yung spark, yung 'it' at marami pang katawagan. Maraming naniniwala na importante daw yung 'magic' na yan sa relasyon, kasi nga naman, ito daw yung nagbibigay ng sarap sa isang relasyon, yung nagwawater water sila tuwing maiisip nila ang isa't isa.
Ok ang mainlove, pero hindi ko lang magets kung bakit me mga tao na pag naiinlove sila eh kagalit nila ang mundo. Yun bang 'You and me against the world' ang drama nya. Yung kinakalaban nya ang buong mundo pag me karelasyon at kinakalimutan ang lahat basta me boypren or gelpren.
Meron kasi akong kilala, na pag wala syang kasintahan eh kaibigan nya ang lahat, kailangan kaawaan sya ng sambayanan kasi nga wala syang relasyon. Kailangan makisimpatya ang universe sa pagiging singol nya. At syemrpre dahil kaibigan mo kailangan tulungang makahanap ng
Hindi ko alam kung ako lang ang me kakilalang ganito ang ugali or marami ang naglipana sa earth na parehong kwento. Ang alam ko lang kasi eh marami ang nababaliw sa pagibig, isa na nga rito yung kaibigan ko although sya naman eh nagbabaliw-baliwan. Nagpapapansin lang ba. Kulang sa atensyon baga. Isa lang naman ang masasabi ko sa kanya eh, ang buhay ng tao eh hindi parang Burger King, you can't always have it your way...
Marami rin akong kilala na ginagawang laruan ang pagibig, ginagawa nyang kasangkapan ang pagmamahal para makatikim ng iba. Marami kasi sa mga babae eh hopeless romantic lalo na yung mga shunga shunga. Kakaibiganin sandali tas sasabihan ng 'i love you... syo ko lang naramdaman ang ganitong klase ng pagmamahal' tas after nun maniniwala si babae, tas sasagutin si lalake after 3 days magsesex na sila after maka score si lalake ng marami-rami, iiwanan si babae. Ganun kasimple para sa isang tropa ko ang sinasabing pagmamahal. Sabi ko nga sa kanya eh... "Sige lang, banat ka lang ng banat, ingat ka lang kasi baka bukas eh mahulog na lang yang dulo ng etits mo sa inidoro..." aba mahirap kayang habulin yun, lalo na pag lumubog na talaga sa ilalim, buti sana kung lulutang eh.