Pages

nuffnang

Friday, December 2, 2011

Happiness Strikes!

Disclaimer: Ang inyong mababasa eh isang matino at seryosong blog ni Artiemous, patnubay ng nakakatanda ay kailangan....

Minsan sa isang parte ng buhay ko eh naging OFW din ako. Hindi matagal, almost 4 months lang ,nang pinadala ako ng kumpanya ko para mag train ng mga puti. Isa sa mga pinakamasaya at pinakamalungkot na bahagi yun ng buhay ko. Excited ako noon, pero at the same time malungkot, iiwan ko kasi ang pamilya ko, at ang kakaumpisa pa lang na relasyon namin ng gelpren ko (na ngayon eh asawa ko na). 

Yung unang tatlong linggo ng pamamalagi ko sa ibang bansa, literal na iyak ako ng iyak, miss na miss ko ang pamilya ko. Ito ang unang pagkakataon sa buhay ko na hindi ko sila makikita ng napakahabang panahon. Salamat sa technology at kahit papaano eh nakakausap ko sila at nakikita sa webcam. Miss na miss ko ang Nanay ko at Tatay ko na nung oras na yun eh buhay pa sya. Namiss ko nuon ang mga kapatid ko at ang mga pamangkin ko. Kahit ba sabihin mo na nakakausap mo sila at nakakakwentuhan via Internet eh iba pa rin yung nandyan lang sila. 

Ang lugar na pinuntahan ko eh isang bansa sa Eastern Europe, na sobrang lamig. Nakakamatay ang lungkot lalo na pag malamig talaga. Mahirap mahiwalay sa minamahal sa mga panahon na ganun. Hindi pala sya madali, kahit ba sabihing inuukopa ng trabaho ang oras ko, pagdating ng gabi at magisa na lang ako sa kwarto, duon ako papasukin ng lungkot. Namimiss ko yung totoong kwarto ko, yung amoy ng totoong unan ko, yung kama ko, yung TV, yung mga sapatos na minsang nakakalat sa sahig... Sabi nga, 'there's no place like home'

Yung experience ko bilang OFW eh sandali lamang. Paano na yung ibang kababayan natin na 5 hanggang 10 taon nang hindi umuuwi at nakakapiling ang sarili nilang pamilya. Hindi sila makauwi dahil sa tindi ng responsibilidad nila sa Pilipinas. Pag di sila kumayod sa ibang bansa, hindi magiging maganda ang kinabukasan ng kani-kanilang pamilya. Isang matinding sakripisyo ang ginagawa ng iba nating kababayan. Isang matamis ngunit mapait na pagdaraanan, hindi dahil sa gusto nilang mahiwalay sa pamilya, ngunit dahil gusto nilang maging masaya at maayos ang kinabukasan ng naiwan nila sa Pilipinas. Kung marami nga lang ba na oportunidad sa sarili nating bansa, sino ba naman ang gusto pang mawalay sa kani-kanilang pamilya at tahanan. Hindi madali, masakit, mahirap ang pinagdaraanan ng mga kababayan natin. Andyan yung, hindi nila nasasaksihan ang mga magagandang bahagi sa buhay ng myembro ng pamilya... Yung unang hakbang ng anak, unang salita at unang pakikipaglaro. Yung pagdadalaga ni Nene, at yung pagbibinata ni Junior. Sino ba naman ang me ayaw na masaksihan yung Graduation ni Ate at ni Kuya. Yung Birthday celebration ni Nanay at ni Tatay. Marami pang pagkakataon ang namimiss ng ating mga kababayan. Tanging dasal ko na lang eh sana maging maayos, kampane at panatag sila at pati ang pamilya nilang pinagaalayan nila ng pagod at hirap.

Napanood ko sa facebook yung Youtube ads ng Coca-Cola na 'Where Will Happiness Strikes Next: The OFW Project' hindi ko napigilan ang sarili ko na maluha sa saya at lungkot sa video na ito. Sana maraming marami ang natulungan ang coke sa ginawa nilang ito. Napakaswerte ng pamilya na napili ng Coca-Cola para sa project na ito. Binuo ng video na ito ang araw ko... Salamat Coke