Pages

nuffnang

Saturday, September 15, 2012

Last Hurrah ng Isang Kaibigan

Ang sulating kong ito ay para sa isa sa pinakamatalik kong kaibigan, ikakasal na kasi sya wahahahha! Oo pag naiisip ko kasi na ikakasal ang hinayupak na to eh natatawa talaga ako. Sa mga matagal ng sumusubaybay sa blog ko, sya si Matt, si Mata, si Berba, ang isa sa mga maraming karakter na pinakilala ko sa blog ko.

Ok, ok... sino ba si Ryan - Ryan Berba isang lalakeng wala yatang kaplano plano sa buhay nya dati. Isang bagamundo, mahilig maginom at tumingin sa mga babaeng maganda at sabay sisigawan ng "ate palong palo ah!" Isang lalake na akalain mong graduate ng UP Manila at head ng isang malaking fraternity sa pamosong eskwelahan ng mga matatalino, eh kung titignan mo ang itsura eh parang undergrad lang ng Provincial Manpower and Vocational Development Center sa Kalinga Apayao ... hindi joke lang, maayos itsura ni Ryan kaya mukha syang graduate sa Ricky Reyes Learning Institute sa kursong Tailoring. Pero joking aside, isa si Berba sa mga taong matalino at responsableng lalake na nakilala ko, dating trainee na ngayon eh Shift Manager na ng Orbis Risk Management Team. Si Berba ang bukod sa pagiging matalik na kaibigan eh sya ang kapatid ko na lalake na hindi iniluwal ng nanay ko, makapatid kami sa prinsipyo, idelohiya, at lalo na sa kalokohan, at malamang sa lamang eh last hurrah na namin yung ginawa namin nung Byernes nung stag party nya. Wahahhahahaha!
*editors note: si artiemous lang ang nagplano at nagorganize, pero hindi sya humawak at humipo at nagmasid lang sya... pramis!*

Dahil sa kasal mo eh walang bestman speech, dito na lang ako magbibigay ng mensahe sayo kaibigan...

Men, ito na ang araw na ng kasal mo, wahahahaha! At talaga namang seryoso ka na, sabi nga eh, "dun na tayo sa daan na matuwid"... sa mundo ng pagaasawa! Buti na lang at nakilala mo si Shey na nagpatibok at bumihag ng puso mo para dalin ka sa tuwid na landas na hindi nagawa ng mga libo-libo mong naging babae... joke lang daan -daan lang. Shey, wag ka magsasawa sa kaibigan ko, isipin mo na lang isa syang ligaw na lobo sa ilang, mahirap patinuin laging naglalandi, pero nakukuha naman sa tiyaga yan. Men, bilang isang taong kinasal, hayaan mo na payuhan kita na hindi sya parang isinubong utong ng babae na me buhok buhok na pwede mong iluwa at iduwal. Maraming pagsubok dyan, lalo na sa umpisa. Kapit lang palagi at wag kang bibigay. Eto na yung tuwid na landas na sinasabi natin dati pa, yung pagpapakabait natin. Marami rami kang igigive up lalo na sa mundo ng pagkabinata. Sya na yung huling babae na mamahalin mo. Hindi na pwedeng tumibok ang puso mo sa ibang chicks, at di ka na pwedeng lumandi pa sa iba. Sa tingin ko naman eh na ke Shey na lahat ng hinahanap mo, maganda, mabait, maalaga, mapagmahal sayo at sa pamilya mo na alam naman natin na kung gaano kaimportante syo. Natatandaan ko pa kung gaano ka kinikilig-kilig nung dumadalaw ka sa training room para silayan si Shey, at natatandaan ko pa kung paano mo hiningi sa akin yung number nya kasi nga eh talagang kras na kras mo sya noon pa man, hiningi mo pa nga sa akin na ilagay sya sa shift mo para maalagaan mo, at hindi naman kami nabigo dun, naalagaan mo nga sya literally at figuratively. Men sa mundong papasukin mo, wala naman talagang masyadong magbabago kasi nga matino tayo dati pa man. Mahirap ang magpakasal, pero kakaibang ligaya t at sarap ang ibibigay nya syo. Kung kailangan mo ng kasama, at mahihingan ng payo, kahit sa tingin mo hindi ko makapagbibigay ng matinong payo syo, dito ako para samahan ka pa rin brad! Saka maniwala ka man or sa hindi, natutuwa ako na ikakasal ka na, at nangyari pa sa hindi sinasadyang pagkakataon. Ang galing talaga ni Lord, yung isang bagay na hindi mo nakikita sa sarili mo eh, biglang dumating sayo na parang kidlat at eto na nga at manunumpa ka na sa ngalan ng pagibig at pagdurusa. Para sa kaibigan ko at sa kapatid ko! Maligayang kasal at eto na ang araw na hindi ko ineexpect na pagdaraanan mo at makikilala mo ang iyong forever. Cheers! 








Ok medyo matagal na ko hindi nagsusulat kaya walang masyadong updates at talaga namang kinakalawang na ang utak, mata at daliri ko sa mundo ng blogusperya. Ang huling sinulat ko pa eh yung tungkol sa anibersaryo namin ng asawa ko at nakakatawang isipin na ang isunulat ko nananaman eh tungkol ulit sa kasal. Huling sinulat tungkol sa kasal, oo baka nga ito na rin ang huling isusulat ko na blog na ito, last hurrah na ng matabang byahero... malamang wala namang malulungkot or matutuwa sa thought na yun, dahil wala namang nagbabasa ng blog ko sa totoong buhay. Hahaha! Paalam mga mambabasa, babalik ang matabangbyahero pero malamang sa ibang hanay na. Til we meet again dear readers. Bye!