Pages

nuffnang

Tuesday, March 24, 2015

Ninong (Part 2)



Mukhang tinamaan nga talaga ako dun sa babaeng makinis na me hikaw sa pusod. Saka impernes sa pusod nya walang lupa, at mukhang hindi mabaho pag kinutkot at inamoy. Ganda talaga nya para syang Diwata sa gubat ng Ternate, Cavite.

Napansin ko na mag alas sais 'y medya na pala, kailangan ko ng umuwi baka magpuntahan nanaman yung mga baranggay tanod at mga pulis sa bahay namin. Alam mo naman ang ermats at erpats ko, masyadong protective sa kanilang only son, bawal madungisan ang school boy complexion.

Pagkauwi ko ng bahay, dumiretso ako sa kwarto para magjakol para magmuni-muni tungkol ke Charmaine. Para syang prinsesa sa aking paningin, baka sinaniban sya ni Aphrodite... Pero kung sya si Aphrodite, magiging ako si Hephaestus... Kinginertz ang pangit nun tas pilantod pa. Negatib!

Kinabukasan hindi ako pumasok sa eskwelahan para abangan si ninong. Kailangan ko syang mainterview tungkol ke Charmaine. Nung nagkita kami, ang unang bungad nya sa akin eh. "Me dos ka ba dyan? Wala akong barya, bili akong yosi." Tangina nakikilan pa ko eh.

Nagmano naman ako, pero hindi ko pa nasasabi ang gusto kong sabihin eh nahulaan nya na.

"Me pasok ka ba sa skwela?"

"Wala po ninong, inaabangan ko po kayo talaga eh, me itatanong po kasi ako."

"Alam ko na yan, tangina ka talaga, sumama ka sa akin papatikman ko sayo yung mami dun sa kabilang kanto. Total maganda ang bigayan sa sabong kanina."

Sumakay kami sa tsikot ni ninong, Toyota FX pormadong pormado eh, me mga bling bling pa sa dash board pati ginantsilyo na 'God Bless Our Trip'. Sinimulan nya na rin patugtugin yung mga senti songs na ginawang disco beat. Zzlohw Jhamzz yata yung title nung CD.

Nung umupo kami dun sa mamihan, sinitsitan nya kaagad yung babaeng manager, "Psssshhhtt... darling 'lika! Bigyan mo nga tong kasama ko ng mami, yung bago at yung masabaw na masabaw"

"Boss tamang tama, bagong salang yung mami namin dito, palong-palo to at talaga naman malasang malasa, walang tulak-kabigin to para dyan sa kasama nyo."

Syempre ako naman bumoka na rin. "Teh baka naman luma ang ibigay mo sa akin ah. Ayoko ng sablay"

"Nakow, pihadong maliligayahan ka sa mami na ibibigay ko syo. bawat higop nito eh talaga naman makakalimutan mo ang pangalan mo sa sarap."

"Sige sya mami na special ang ibigay mo, sa akin dalawang ham sandwich yung sariwa at bagong hugas."

Dun ako sa room 401 at si ninong sa room 403, kakaiba talaga yung restaurant na pinuntahan namin eh, tag-iisang room bawat customer, aircon at me cable pa.

Pagkatapos ng tatlong oras, lumabas na kami ni ninong. Naenjoy ko yung mami, masikip pa at walang buhok, pero yung me hikaw sa pusod pa rin ang iniisip ko. Tinanong ko si ninong, "Ninong si Charmaine yung kasama nyo kahapon sa sabungan, ilang taon na yun?"

Sumagot naman agad si ninong, "Ah nineteen na yun... nineteendihan na nun ang tama at mali. Saka wag mong intindihin ang edad ng babae, para sa katulad mo, basta pag me balahibong pusa na pwede na yan." Isa nanaman matalinhagang quotes ang binitiwan ni ninong sa akin.

"Ninong, paano ba kayo nakakakuha ng mga ganyang babae? Hindi nanaman kayo bata at medyo di na rin kayo cute."

"Ganito lang yan bata, sa edad namin, hindi na uso ang mga pacute. Basta presentable kami, di kami dugyot at mabango kami ok na yun. Ang mahalaga sa amin eh dapat 'pogi' ang wallet namin."

"Ano po ibig nyong sabihin 'nong?"

"Saka mo na maiintindihan yan bata. Basta tandaan mo, mas ok na tumanda na ang hawak mo clutch bag na maraming pera at tawagin kang DOM, kesa naman tumanda kang wala laman pitaka mo."

Saka ko na iintindihin ang mga sinasabi ni ninong, sa ngayon dalawa lang nasa isip ko, yung napakasarap na mami na kinain ko at ang babaeng me hikaw sa pusod. Umuwi na ko sa bahay para makapagpahinga.

Matagal  na panahon nanaman na hindi kami nagkita ni ninong, pero tuwing maiisip ko si ninong naiisip ko si Charmaine. Hanggang nung isang araw ng magkita kami. Nagmano ako sa kanya at nagpa-mano naman sya.

"Oh bata, long time, no look ah... Naknampootah spooting na spooting ka, san punta, tapon basura?"

"Nong, ayos lang, punta ko sa Mall bibili ko ng regalo yung kapitbahay namin, magbibirthday eh. Teka ninong, wala yata kayong kasama ngayon ah. Di ba tayo tatambay sa mamihan?"

"Wag muna bata, talo bigayan eh. Lika samahan na kitang bumili ng regalo." Ok na rin para tipid sa pamasahe, service namin ang FX ni ninong. Habang nasa sasakyan, marami nanaman kwento si ninong at marami din syang advice sa akin na sobrang deep tagos hanggang itlog.

"Bata, ano ba nagustuhan mo ke Charmaine, lagi mo kasi tinatanong sa akin, mukhang palong palo ka dun ah?"

"Opo 'nong, nung nakita ko sya para kong pinana ni Kupido"

"Eh kaso ikaw lang ang pinana, yung babae ba tinamaan ng pana ni Kupido para syo? Pero alam mo bata, me mga sikreto akong ituturo sayo na kahit hindi tamaan ng pana ni Kupido yung babae eh mapapalapit ang loob nya syo. Unang-una, wag ka masyadong mabait sa babae."

"Wag maging mabait 'nong? Parang kalokohan naman yata yan? Pag tinatanong ang babae kung ano gusto nila sa lalake, yan ang unang sagot nila, gusto nila na ang lalake mabait."

"Isang malaking kagaguhan yan bata, ang babae magugustuhan ka pag merong kang pera, kapangyarihan, at kasikatan. Yung pagiging pogi, bonus lang sa kanila yan. Kaya ngayong kung wala kang pera, di ka sikat, at di ka makapangyarihan... kelangan mong umarte na meron ka ng tatlong katangian na yan. Ano ba ang common sa kanilang tatlo? Me 'angas' ang mga lalakeng me taglay na ganyan."

"Ano ibig nyong sabihin ninong?"

"Bata, ang babae, hinding hindi magkakagusto sa mabait, ang gusto nyan yung mayayabang. Kahit sinasabi nilang ayaw nila sa mayayabang, pero pag me maangas na kumausap sa kanila, hipuin mo ang panty nyan basa." Eto ang paliwanag ni ninong sa akin.

Tuloy lang sa pagexplain si ninong. "Pag masyado kang mabait, itatrato ka lang nyan na parang basahan, lalo na yung magaganda at sexy. Ang gusto ng mga yan yung me bayag ka... yun bang me kumpyansa ka sa sarili mo. Ayaw ng mga yan ng bumubuntot ka sa kanila na para kang aso. Hayaan mo silang maghabol sayo. Sa umpisa mahirap talagang umasta ng maangas, pero makakasanayan mo rin yan."

Ang daming itinuro ni ninong sa akin tungkol sa babae. Pero ang dalawang pinakaimportanteng natutunan ko eh yung sinabi nyang, "Wag kang maglalaro ng puso ng babae, dahil ang puso nagiisa lang yan, laruin mo yung suso kasi yun dalawa." at "Maghugas ka ng kamay pagkatapos mong dumaliri"

Pagkatapos nun, hindi ko na nakita si ninong, ang sabi ng kapitbahay namin nakulong nanaman daw, Si Charmaine nagkita kami ulit pero di nya na ko maalala, dumiga ako sa kanya at epektibo nga ang sinabi ni ninong sa akin...



1 comment:

onlineaid said...



Admin, if not okay please remove!

Our facebook group “selfless” is spending this month spreading awareness on prostate cancer & research with a custom t-shirt design. Purchase proceeds will go to cancer.org, as listed on the shirt and shirt design.

www.teespring.com/prostate-cancer-research

Thanks