Pages

nuffnang

Tuesday, March 24, 2015

Ninong (Part 2)



Mukhang tinamaan nga talaga ako dun sa babaeng makinis na me hikaw sa pusod. Saka impernes sa pusod nya walang lupa, at mukhang hindi mabaho pag kinutkot at inamoy. Ganda talaga nya para syang Diwata sa gubat ng Ternate, Cavite.

Napansin ko na mag alas sais 'y medya na pala, kailangan ko ng umuwi baka magpuntahan nanaman yung mga baranggay tanod at mga pulis sa bahay namin. Alam mo naman ang ermats at erpats ko, masyadong protective sa kanilang only son, bawal madungisan ang school boy complexion.

Pagkauwi ko ng bahay, dumiretso ako sa kwarto para magjakol para magmuni-muni tungkol ke Charmaine. Para syang prinsesa sa aking paningin, baka sinaniban sya ni Aphrodite... Pero kung sya si Aphrodite, magiging ako si Hephaestus... Kinginertz ang pangit nun tas pilantod pa. Negatib!

Kinabukasan hindi ako pumasok sa eskwelahan para abangan si ninong. Kailangan ko syang mainterview tungkol ke Charmaine. Nung nagkita kami, ang unang bungad nya sa akin eh. "Me dos ka ba dyan? Wala akong barya, bili akong yosi." Tangina nakikilan pa ko eh.

Nagmano naman ako, pero hindi ko pa nasasabi ang gusto kong sabihin eh nahulaan nya na.

"Me pasok ka ba sa skwela?"

"Wala po ninong, inaabangan ko po kayo talaga eh, me itatanong po kasi ako."

"Alam ko na yan, tangina ka talaga, sumama ka sa akin papatikman ko sayo yung mami dun sa kabilang kanto. Total maganda ang bigayan sa sabong kanina."

Sumakay kami sa tsikot ni ninong, Toyota FX pormadong pormado eh, me mga bling bling pa sa dash board pati ginantsilyo na 'God Bless Our Trip'. Sinimulan nya na rin patugtugin yung mga senti songs na ginawang disco beat. Zzlohw Jhamzz yata yung title nung CD.

Nung umupo kami dun sa mamihan, sinitsitan nya kaagad yung babaeng manager, "Psssshhhtt... darling 'lika! Bigyan mo nga tong kasama ko ng mami, yung bago at yung masabaw na masabaw"

"Boss tamang tama, bagong salang yung mami namin dito, palong-palo to at talaga naman malasang malasa, walang tulak-kabigin to para dyan sa kasama nyo."

Syempre ako naman bumoka na rin. "Teh baka naman luma ang ibigay mo sa akin ah. Ayoko ng sablay"

"Nakow, pihadong maliligayahan ka sa mami na ibibigay ko syo. bawat higop nito eh talaga naman makakalimutan mo ang pangalan mo sa sarap."

"Sige sya mami na special ang ibigay mo, sa akin dalawang ham sandwich yung sariwa at bagong hugas."

Dun ako sa room 401 at si ninong sa room 403, kakaiba talaga yung restaurant na pinuntahan namin eh, tag-iisang room bawat customer, aircon at me cable pa.

Pagkatapos ng tatlong oras, lumabas na kami ni ninong. Naenjoy ko yung mami, masikip pa at walang buhok, pero yung me hikaw sa pusod pa rin ang iniisip ko. Tinanong ko si ninong, "Ninong si Charmaine yung kasama nyo kahapon sa sabungan, ilang taon na yun?"

Sumagot naman agad si ninong, "Ah nineteen na yun... nineteendihan na nun ang tama at mali. Saka wag mong intindihin ang edad ng babae, para sa katulad mo, basta pag me balahibong pusa na pwede na yan." Isa nanaman matalinhagang quotes ang binitiwan ni ninong sa akin.

"Ninong, paano ba kayo nakakakuha ng mga ganyang babae? Hindi nanaman kayo bata at medyo di na rin kayo cute."

"Ganito lang yan bata, sa edad namin, hindi na uso ang mga pacute. Basta presentable kami, di kami dugyot at mabango kami ok na yun. Ang mahalaga sa amin eh dapat 'pogi' ang wallet namin."

"Ano po ibig nyong sabihin 'nong?"

"Saka mo na maiintindihan yan bata. Basta tandaan mo, mas ok na tumanda na ang hawak mo clutch bag na maraming pera at tawagin kang DOM, kesa naman tumanda kang wala laman pitaka mo."

Saka ko na iintindihin ang mga sinasabi ni ninong, sa ngayon dalawa lang nasa isip ko, yung napakasarap na mami na kinain ko at ang babaeng me hikaw sa pusod. Umuwi na ko sa bahay para makapagpahinga.

Matagal  na panahon nanaman na hindi kami nagkita ni ninong, pero tuwing maiisip ko si ninong naiisip ko si Charmaine. Hanggang nung isang araw ng magkita kami. Nagmano ako sa kanya at nagpa-mano naman sya.

"Oh bata, long time, no look ah... Naknampootah spooting na spooting ka, san punta, tapon basura?"

"Nong, ayos lang, punta ko sa Mall bibili ko ng regalo yung kapitbahay namin, magbibirthday eh. Teka ninong, wala yata kayong kasama ngayon ah. Di ba tayo tatambay sa mamihan?"

"Wag muna bata, talo bigayan eh. Lika samahan na kitang bumili ng regalo." Ok na rin para tipid sa pamasahe, service namin ang FX ni ninong. Habang nasa sasakyan, marami nanaman kwento si ninong at marami din syang advice sa akin na sobrang deep tagos hanggang itlog.

"Bata, ano ba nagustuhan mo ke Charmaine, lagi mo kasi tinatanong sa akin, mukhang palong palo ka dun ah?"

"Opo 'nong, nung nakita ko sya para kong pinana ni Kupido"

"Eh kaso ikaw lang ang pinana, yung babae ba tinamaan ng pana ni Kupido para syo? Pero alam mo bata, me mga sikreto akong ituturo sayo na kahit hindi tamaan ng pana ni Kupido yung babae eh mapapalapit ang loob nya syo. Unang-una, wag ka masyadong mabait sa babae."

"Wag maging mabait 'nong? Parang kalokohan naman yata yan? Pag tinatanong ang babae kung ano gusto nila sa lalake, yan ang unang sagot nila, gusto nila na ang lalake mabait."

"Isang malaking kagaguhan yan bata, ang babae magugustuhan ka pag merong kang pera, kapangyarihan, at kasikatan. Yung pagiging pogi, bonus lang sa kanila yan. Kaya ngayong kung wala kang pera, di ka sikat, at di ka makapangyarihan... kelangan mong umarte na meron ka ng tatlong katangian na yan. Ano ba ang common sa kanilang tatlo? Me 'angas' ang mga lalakeng me taglay na ganyan."

"Ano ibig nyong sabihin ninong?"

"Bata, ang babae, hinding hindi magkakagusto sa mabait, ang gusto nyan yung mayayabang. Kahit sinasabi nilang ayaw nila sa mayayabang, pero pag me maangas na kumausap sa kanila, hipuin mo ang panty nyan basa." Eto ang paliwanag ni ninong sa akin.

Tuloy lang sa pagexplain si ninong. "Pag masyado kang mabait, itatrato ka lang nyan na parang basahan, lalo na yung magaganda at sexy. Ang gusto ng mga yan yung me bayag ka... yun bang me kumpyansa ka sa sarili mo. Ayaw ng mga yan ng bumubuntot ka sa kanila na para kang aso. Hayaan mo silang maghabol sayo. Sa umpisa mahirap talagang umasta ng maangas, pero makakasanayan mo rin yan."

Ang daming itinuro ni ninong sa akin tungkol sa babae. Pero ang dalawang pinakaimportanteng natutunan ko eh yung sinabi nyang, "Wag kang maglalaro ng puso ng babae, dahil ang puso nagiisa lang yan, laruin mo yung suso kasi yun dalawa." at "Maghugas ka ng kamay pagkatapos mong dumaliri"

Pagkatapos nun, hindi ko na nakita si ninong, ang sabi ng kapitbahay namin nakulong nanaman daw, Si Charmaine nagkita kami ulit pero di nya na ko maalala, dumiga ako sa kanya at epektibo nga ang sinabi ni ninong sa akin...



Wednesday, March 18, 2015

Ninong

Uy mga katropa! Anong balita? Sapat lang ba?!

Teka maiba ko... naalala nyo pa ba yung naririnig ko sa kapitbahay namin? Yung mga kwento nila na talaga namang nakakapagpabago ng pananaw sa buhay? Halimbawa nito ay yung...

"Oh anak, ayaw kita paghigpitan pero gusto lang kita paalalahanan tungkol sa paginom inom, tandaan mo ang lalake PAG ME ALAK ME BALAK."

At yung klasik na...

Babae: “Gusto mo bang magpadagdag ako ng boobs?”
Lalake: “Wag na, okay na sa kin yung dalawa.”

Pati na rin yung...

 "Ang mga lalake parang pagkain na mataas sa cholesterol, kung gaano sya kasarap, kalinamnam, at talagang maliligayahan ka... ganun din sya ka bad for your heart"

So naalala mo na? Kung hindi pa rin, eh wag na nating ipilit at baka magoverheat ang utak mo , kokonti na nga lang masusunog pa... Joke lang alam ko naman na mataba ang utak mo at fresh na fresh yan kaya mo nga binabasa ang mga kwento ko dahil talaga naman marami kang matutunan dito at kapana-panabik ang bawat istorya. Joke lang ulit, to naman di na mabiro... wag mo na muna isarado ang browser at ituloy mo na pagbasa ng kwento.

Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang kwento ng ninong ko. Isa sya sa talaga naman nakapagpabago ng pananaw ko sa buhay at nagpaunlad ng aking kaisipan bilang isang lalake.

Hindi ko sya ninong sa binyag, sa kumpil at nung investitures namin nung naging boyscout ako.  Siya ang nagpresinta na maging ninong ko nung tinulian ako sa Mandaluyong hospital. Nagsimula ang lahat nung nakita ko syang nakatayo sa labas ng ospital at nagyoyosi. Nung nakita nya ko, kinausap ako ni ninong at tinanong nya kung ano daw ginagawa ko sa ospital. Sinagot ko naman sya na "magpapatuli po..." ng me konting nerbyos at pag-aalala dahil nga sa gugupitin na ang balat ng titi ko kahit na hindi pa masyadong tagpos or hindi pa kita yung buko ng ulo. At sumagot sya. "Ah magpapabinyag ka na!? Tamang tama ako na lang ang ninong mo. Hahahaha!" Hindi ko naintindihan ang gusto nyang iparating dahil na rin sa sobrang nerbyos ko.

Nung natulian na ko, masayang masaya akong lumabas ng ospital, at sumisigaw ng "Sa wakas binata na ako! Makakatikim na ko ng pekpek! Bwahahaha!!!"... joke lang medyo naluluha na ako nung lumabas ng ospital kasi nga unti unti ng nawawala yung bisa ng pangpamanhid na inineksyon sa dulo ni junjun. Nararamdaman ko na yung pag-kayas ng ulo na kulay makopa sa shorts ko.

Nung gabi din na yun naalala ko yung bagong ninong ko. Hindi ko man lang inimbitahan sa bahay para makapag meryenda muna ng luckyme pancit canton chilimansi na inulam sa kanin o makapagkape man lang. Tinanong ko erpats ko kung bakit binyag ang tawag sa pagpapatuli, tumawa lang sya ng malakas at tumalikod na. Hanggang ngayon eh misteryo pa rin para sa akin ang totoong kuneksyon ng binyag at tuli. Tinanong ko yung mga tropa ko sa Daang Bakal na bagong tuli din kung me ninong sila nung bininyagan sila sa pagkakatuli. Nagtawanan lang sila at binatukan ako nung isang katropa ko. Isang malaking misteryo talaga sya hanggang ngayon para sa akin.

Minsang nautusan ako ng ermats ko na bumili ng kinchay sa palengke dahil magluluto sya ng lumpiang shanghai, nakita ko si ninong. Tuwang tuwa ako kasi baka pag nagbless ako sa kanya eh bigyan ako ng pera or pakainin ako sa lugawan sa karinderya. Nung nag-mano ako sa kanya na me matamis na ngiti sa aking bibig... ang unang sinabi nya sa akin eh "Tanginamo sino ka? Bakit ka umaamen sa akin? Anak ba kita sa ibang babae? Asan ang nanay mo?" Nagulantang ako sa mga sinabi ni ninong pero hindi ako nagpahalatang na-upset ako kasi pinaasa nya ko na ninong ko sya... Gusto nang tumulo ng dalawang patak na luha ko sa kanang mata, pero pinigil ko, tumingin ako sa langit ng matagal para hindi tumuloy ang pagtulo.

Sinabi ko sa kanya "ako po yung inaanak nyo sa binyag". Di daw nya ko maalala, pero ang masaya nun binigyan nya ko ng pipty eyt pesos, balato daw nya sa akin kasi nanalo sya sa sabong. Kala daw kasi nya me anak sya sa ibang babae at ngayon lang nagpakilala sa kanya. Kumain ako ng lugaw pati tokwa't baboy gamit ang pera na binigay sa akin ni ninong.

Minsan isang beses eh nagkita ulit kami ni ninong sa me sabungan sa me Bagong Silang. Nagmano ulit ako baka kasi bigyan ulit ako ng pera. Pero talo daw sya sa sabong kaya wala daw muna balato. Pero masaya pa rin ako dahil nakilala na ko ni ninong. Namemeryenda sya ng softdrinks sa plastic pati hopia, binigay nya sa akin ang isa sa dalawang hopiang tipas na kinakain nya. Tinanong ako ni ninong kung me syota na daw ba ko. Sabi ko "Wala pa po ninong, wala pa po sa isip ko ang ganyang bagay." sumagot sya, "Eh gago ka pa lang bata ka eh, dapat sumosyota ka na, mas maaga mas mabuti, marami kang mapapaligaya" Hindi ko maintindihan ang sinasabi ninong, ang focus ko kasi eh dun sa hopiang kinakain ko. Tinanong nya ulit, kung ilang taon na daw ba ko, sabi ko eh 10 na ko at mag-ieleven na sa September. Sumagot sya ulit ng "Oh sakto, 11 ka na, dapat 11 na rin ang syota mo" At doon sya simulang magkwento tungkol sa sarili nya.

Umupo kami sa gilid ng kalye at nagsimulang magshare si ninong ng mga naranasan nya nung bata sya, na tulad nga ng sinabi ko eh nakapagpabago ng aking pananaw sa buhay. Nagsimula daw ang lahat nung sampung taong gulang sya. Nagkaroon daw sila ng kasambahay na ang pangalan eh Doray, malaki ang boobs at inaabangan nya daw to tuwing magwawalis kasi pag yumuyuko eh nakikita ang pisngi ng langit. Sinubukan nya daw ligawan ang kasambahay nila para naman makaexperience syang humalik at makpanghipo pero binasted daw sya ng yaya nya kasi bata pa raw sya at me boypren na raw, si Inggo yung nagbebenta ng gulay sa palengke. Kaya naman sinubukan ni ninong manligaw ng kaparehas nya ng edad si Myrna yung kaklase nya sa grade5 na laging pinapasali sa United Nations pageant bilang Ms. Chile. Naging syota nya daw si Myrna pero hindi sya naka kiss man lang, nung minsan kasing subukan nyang halikan eh sinampal daw sya ng malakas at pumutok ang nguso nya.  Sinumbong daw sya sa teacher nila at napadala sya principals office. Pinatawag daw ang magulang nya dahil dun. Kinantyawan sya ng mga barkada pati mga pinsan nya at tinawag syang 'Manyak Lord'. Hindi daw sya nangligaw uli hanggang mag first year high school.

Dumiskarte daw sya sa 1st honor ng klase nila para me taga gawa sya ng assignment. Ok naman daw, sinagot daw sya nung babae kaso di sya tumagal ng 3 linggo kasi panget daw talaga. Kamukha daw ni Chikito pero babaeng version. Marami pa talagang kwento si ninong tungkol sa buhay nya at ang mga pananaw nya sa relasyon, prinsipyo ng isang lalake at pagaasawa.

Nagsimula syang magkwento ng 2:30PM pero natapos kami 11:40PM na. Gutom na gutom na nga ako nun kasi hindi pa ko nagmemeryenda at naghahapunan bukod dun sa isang pirasong hopia na binigay nya sa akin. Pagdating ko ng bahay namin eh nagkakaroon na ng konting kaguluhan, andun na ang mga barangay tanod at me mobil ng pulis na rin. Kinabahan ako sa nangyayari, yun pala eh nireport na ko ng ermats ko na nawawala at baka nakidnap na daw ako. Kinuwento ko sa kanila ang nangyari sa akin pero imbes na matuwa sila dahil nakakwentuhan ko si ninong at nagbonding kami eh hinampas  ako ng tatay ko ng kawayan wag daw akong makikipagusap at sasama sa strangers. Tatlong linggo akong hindi pinalabas ng bahay at grounded daw ako.

Medyo matagal kaming hindi nagkita ni ninong. Mga after 7 months, nagkasalubong lang kami sa me barberya ni Mang Kune dahil magpapagupit din ako. Nagbless ako ke ninong at bumungad sya ng "Oh bata! Long time no see ah! Balita syo? Kune, ako na magbabayad sa pagpapagupit nitong batang to." Sumagot ako naman ako ng "Sapat lang po. Salamat po sa pagbayad nyo sa gupit ko. Kayo po kamusta?" At nagkwento nanaman si ninong ng mga bagay-bagay tungkol sa buhay nya. Kinuwento nya na kaya daw sya nandun eh para magpagupit at magpatabas ng bigote. Tinanong nya kung alam ko daw ba kung para saan ang bigote? Sumagot ako ng "Para mo maging gwapo ang lalake." Mali daw yun sabi ni ninong ang bigote daw ang nagsisilbing pangpainit sa mga babaeng nanlalamig. Hindi ko nanaman naintindihan ang gustong sabihin ni ninong nung mga oras na yun, narealize ko na lang yun nung magbinata na ko sa kadahilanang hindi ko malilimutan ang isa sa mga motto na nagbigay kulay at liwanag sa pananaw ko sa buhay nung sinabi ni ninong na. "Tandaan mo bata, ANG LALAKENG ME BIGOTE, IBANG KLASE!" Tumimo ang mga katagang ito sa isipan ko at hanggang ngayon eh naniniwala ako dito.

Sinabi rin ni ninong kung ano ang ibig ipakahulugan ng lalakeng napapanot sa harap (tumataas ang hairline o umuurong ang kilay) at lalakeng napapanot sa tuktok (yung parang mga prayle nung panahon ni Rizal). Ang lalakeng napapanot sa harap daw eh laging inaayawan ng mga babae, kaya daw ito nauubos ang buhok, at pag sa likod naman daw eh talagang nahuhumaling ang mga karelasyon nila dahil gusto pang isagad at itodo. Hindi ko nanaman naintindihan ang pinagsasabi ni ninong pero patuloy pa rin ako sa pakikinig sa mga kwento nya. Natapos ng ipa-trim ni ninong ang bigote nya ke Mang Kune at mauuna na daw sya. Magkikita pa raw sila ni Esmeralda yung cashier sa karinderya. Umuwi ako ng bahay na baon baon ang mga salitang binitawan ni ninong. Sinulat ko to lahat sa notebook ko sa pilipino para pag me Sulating Pangwakas kami eh ito na lang ang mga isusulat kong topic para maging deep ako sa paningin ni teacher.

Matagal ulit ang pagitan ng magkita kami ni Ninong. Mga 5 taon ang nakaraan. Ibang iba ang itsura ni ninong. Nakapolo sya na kulay blue, naka shorts at nakatsinelas na leather at me bitbit na clutchbag na brown. Ang pinaka kakaiba sa itsura ni ninong, bukod sa nakasuot sya ng sumbrero ni Bruno Mars, eh me dalawang babae na naka angkla ke ninong. Maganda ang dalawang babae, makinis at maputi ang balat, dala siguro ng gluta. Maigsi ang damit nung isa kita pusod na me hikaw, yung isa naman naka sando na pinauso ni Richard Gomez sa palibhasa lalake yung racerback. Nagmano ako ke ninong para icheck kung nakikilala nya pa ko. Sakto naman at naalala nya pa ko. Malakas ang boses ni ninong sa pagkakasabi nya na "Oh kamusta na ang inaanak kong hilaw?" Nakadagit ka na ba ng sariwang bibingka?" Ngumiti lang ako at kinamusta ko sya. Naikwento nya na nakulong sya ng 3 taon kasi dinemanda daw sya ng misis nya nung nahuli syang nakapatong sa sa Yaya ng kapitbahay nila. Kaya hiwalay na daw sya at binata ulit.

Pinakilala ni ninong sa akin yung dalawang kasama nya si Charmaine at si Rachelle. Nung kinamayan ako nung dalawa sinabi agad ni ninong, oh wag mo masyadong kamayin baka mapanis at inalis ni ninong ang pagkakahawak namin. Tinanong ko si ninong, bakit me dalawa syang kasamang batang babae at kaano-ano nya yung dalawa, sumagot si ninong "Kid, no shattering of trips, OK?!" Napatango na lang ako at napangiti. Tinanong ko si Charmaine kung nagaaral pa sya at kung saan sya nagaaral, sumagot sya "Yeah, I'm studying at St.Scho..." (with kolehiyala accent) at sumabat si ninong "Yeah, she is kwan, she is studying on around St.Scho Escular University!" Umi-english si ninong na masakit sa tenga ang pagkakabigkas.

Sa totoo lang type ko si Charmaine at mukhang nakakahalata naman si ninong na type ko at mukhang type rin ako kasi ang lagkit ng tingin nya sa akin parang pawis lang ng gagamba. Kinuha ko ang number ni Charmaine at sabi ko tatawagan ko sya minsan. Pero binulungan ako ni ninong ng "Oh wag na wag kang pupuso, yung ngiti mo umaabot hanggang kalentong. Wag mong ipapahalata sa babae na gustong gusto mo sila. Pag ganyan ugali mo sila ang aayaw syo....

End of Part 1...

Oh mga tropa, nagustuhan nyo ba ang istorya? abangan nyo me kasunod pa yan yung part2 ng adventures ni ninong. Paalala lang, kung naghahantay ka ng sex stories dito eh maa-upset ka lang dahil walang kwentong mahalay sa series ng storyang to. Mwah!