Pages

nuffnang

Friday, April 10, 2015

Ninong (Part 3)




Pinuntahan ko si ninong sa City Jail para kamustahin, bumili na rin ako ng 2 stick ng karyoka yung sa english eh 'fried sticky rice balls coated with sweet coconut jam'. Pinaupo ako ni kuya warden sa silyang kahoy at after 3 minutes at 47 seconds na pagkakaupo eh nangati na yung ilalim ng hita ko, pagkapa ko meron malaking pantal, pootah nakagat pa ko ng surot.

After 20 minutes ng pagaantay ko ke ninong, nakita ko na palabas na sya ng selda. Mabagal ang paglakad ni ninong at iika-ika sya. Halatadong me iniinda si ninong nakahawak sya sa ibaba ng bewang nya at me bitbit si ninong na unan na korteng 'letter C' na nilalagay sa leeg pag gustong matulog sa eroplano.

"Ninong, kamusta na po kayo, nabalitaan ko po ke Aleng Antang na nakulong daw po kayo dito, kaya bumisita po ako."

"Kalat na ba ang chismis sa baranggay tungkol sa pagkakakulong ko ulit?" tanong ni ninong sa akin.

"Medyo marami na po ang nakakaalam 'nong. Ano po ba talaga ang nangyari?"

Kumapit si ninong sa braso ko ng mahigpit, at nanginginig ang boses nya na sinabi "Naobruts ako sa loob." at tumulo ang isang patak ng luha sa kaliwang mata nya.

Napailing si ninong sa mapait at masakit na sinapit sa loob ng selda. Naaawa ako ke ninong dahil sa mahapding sugat na lumatay sa puwet kalooban nya.

Tinanong ko, "Ninong ano pong na 'obruts'?" Pero me idea na ko ng slight sa sinasabi nya, nagtanga-tangahan lang ako.

"Tangina obruts lang di mo pa alam, san planeta ka ba galing? Heeellllooooo!!! Obruts, Oros, na-backdoor, Nawetpuhan ano pa ba gusto mong eksplenasyon? Huhuhuhu!" at humagulgol na si ninong dahil sa nangyari sa kanya.

Nagtataka ko kasi, me bigote si ninong, pero nakuha pa rin syang wetpuhan ng mga kakosa nya, kaya naglakas loob ako magtanong. "Nong di ka naman mukhang binabae, papaano ka binoljak sa backdoor mo? Di ka ba lumaban man lang?"

Lalong hindi napigilan ang pagtulo ng luha ni ninong dahil sa tanong ko.

"Ganito kasi ang nangyari huhuhuhu!" Inilapag ni ninong ang unan na korteng 'letter C', at dun sya umupo para sapuhin ang itim na butas ni Zuma.

"Dalawang linggo bago kasi ako makulong, naenganyo kong bumili ng sabon pampaputi at pampapogi daw, alam mo naman kaming nagkakaedad na eh nagiging kutis bayag... at napaorder din ako ng injection na gluta, inilagay nila sa kutsara, pinainitan ng lighter at itinarak nila sa ugat sa braso ko..." *hikbi... singhot* "Kaya naman ang puti puti ko nun, kutis puke mayaman ako, makinis at mamula-mula. Aartistahin ang balat ko, boy next door lang ang peg. Huhuhuhu!"

Hirap na hirap si ninong sa pagkukuwento, damang dama nya ang hapdi ng pangyayari pero nagpatuloy pa rin sya kahit me dumadaloy ng sipon papunta sa bibig nya ng hindi nya namamalayan.

"Nung pumasok ako, hindi nila ko nakilala, yung mga dating tropa ko sa oblo ayaw maniwala na ako to kasi ibang iba daw itsura ko, para daw akong naglalakad na pekpek. Ayaw nila kong lapitan at baka mahawa daw sila sa akin. Nung hapunan namin nakapila kami para sa rasyon, nararamdaman ko yung nasa likuran ko eh kinikiskis yung pototoy nya sa buttcheeks ko. Kala ko nung una, patalim yung nakatutok sa akin kaya natakot ako, yun pala mas matindi kesa sa patalim yung nakaambang sumundot sa akin."

Tuloy pa rin si ninong sa pagmwestra ng mga naganap, awang awa ako sa kanya lalo na nung nangyari na ang kinatatakutan ng lahat.

"Nung gabing yun, pinatawag ako sa kabilang selda, hinahanap daw ako ng assistant secretary ni mayor."

"Huh!? Nakakulong ang assistant secretary ni mayor dun? kala ko babae yun?!" Sabad ko naman.

"Tangina gago! Hindi si mayor ng bayan, yung mayor dun sa oblo, tanga amputa!" sabay kaltok sa noo ko.

Nagpatuloy ulit si ninong. "Nagpunta ako dun sa assistant secretary at paypayan ko daw sya pati punasan ng basang bimpo ang katawan nya kasi 2 linggo na daw di naliligo, nagpupulbos na daw ang itlog nya pati singit pag kinakamot. Bago pa man ako makakontra eh sinikmuraan na ko ng sgt. at arms nila kaya wala akong nagawa kundi punasan ng basang labakara si assistant secretary. Naduduwal-duwal nga ako habang ginagawa ko yun but I have no choice!" *Hikbi*

"Tas ang sabi nya kakutis ko daw yung artistang si Camille Roxas yung bida sa pelikulang Mapanuksong Hiyas, sabi naman nung isa kamukha ko si Maye Tongco yung bida sa pelikulang Malagkit. Pagkatapos nun.... Pagkatapos nun.... Pagkatapos nun! Huhuhuhuhuhuhuhu!" Pumalahaw nanaman ng iyak si ninong, sinitsitan na nga sya ni kuya warden at bu-bodegahan daw sya pag di tumigil.

Hininaan ni ninong ang pagkwento, at namumugto na ang mata nya kakaiyak. "Sabi nila sa akin wag lang daw akong malikot at di naman daw yun masakit, tas lalagyan naman daw nila ng laway ng engkantada galing Kenya pampadulas. Kaso hindi nila mahanap yung botelya ng laway kaya naisipan na lagyan na lang ng sabon, yun nga lang ang sabon lang na nanduon eh Axion dishwashing paste. Eh hindi naman madulas yun, maligasgas yun.... maligasgas yooooonnnn!!!!" Huhuhuhuhuhu!"

Nadudurog ang puso ko sa mga kwento ni ninong sa akin at ayoko na rin marinig kasi ang dirty dirty ng pakinggan. Eeeewwe na sya talaga. Iniba ko ang usapan para mawala ang focus ni ninong sa mala 50 shades of grey nya na kwento city jail edition. "Eh ninong, kailan naman daw ang labas nyo dito?"

"Ang sabi ng lawyer ko, baka next week laya na ko. Wala naman matibay na katibayan kasi kung bakit ako nakakulong."

"Oh wala naman palang matibay na ebidensya eh bakit kayo nandito."

"Ano ba naman kasing malay ko na anak pala ni warden yung dina-date ko. Ang sabi ko naman eh 21 years old na yun, di na yun menor de edad." Pero pinasok pa rin nila ko, kasi rape daw. Pero tumestigo yung babae na walang rape na nangyari at mahal na mahal nya ko."

Tanginertz si ninong bumibihag ng bente uno anyos! palong palo lang. Kaya nagtanong ako, "Ano ba sikreto nyo 'nong, papaano nyo nakuha yung babae?"

"Eh hindi naman ako kumuha dun, yung babae ang lapit ng lapit sa akin. Normal lang naman ang galawan ko, hindi mala breezy boiz. Nagiinuman kami ng tropa sa club tas nagkatinginan kami, kinausap ko lang sya at iniwanan na, after nun nagpahatid na sa akin. Tinanong ko kung saan sya nakatira, ang sagot sa akin 'sa langit' Eh di dinala ko sa langit dun sa Pasig sa Heaven Hotel."

Ang tikas talaga ni ninong so nagpatuloy ako ng tanong, "So 'nong, ginalaw nyo yung babae?"  

"Tarantado, di laruan yun para galawin ko, sya ang me gusto."sambit ni ninong.

Eto na ang tamang pagkakataon para tanungin si ninong sa totoong pakay ko... Si Charmaine. "Ninong, actually me importanteng tanong ako sa inyo..." Hindi pa man ako natatapos eh inunahan na ko ni ninong nang.

"Alam ko na yan, tungkol ke Charmaine, hanggang ngayon tigas-titi ka pa rin sa babaeng yun!"

Natahimik lang ako pero me ngiti sa mga labi ko dahil saasabihin na ninong ang impormasyon tungkol sa babaeng me mahiwagang hikaw sa pusod. Nagpatuloy si ninong sa sinasabi nya.

"Alam mo bata, ayoko na sanang ibigay sayo ang kahit na anong impormasyon tungkol ke Charmaine pero mapilit ka eh, basta wag mong sasabihin na hindi kita pinaalalahanan tungkol dito."


ITUTULOY...